Chapter Thirteen

Magsimula sa umpisa
                                    

Magsasalita pa sana siya ngunit naudlot dahil hindi niya alam kung paano magpapaliwanag. Ano nga bang rason ang dapat niyang ibigay? At bakit nga ba siya nababahala? Huminga siya nang malalim saka marahang pinakawalan. Umiling.

"W-wala naman. Nagtataka lang ako kung bakit basta na lang siyang pumunta roon ng walang paalam. Hindi naman niya gawain iyon e."

"Tinawagan niya ako, at pinayagan ko siya. You need to let him go sooner or later, he's a grown-up man."

Napangiti siya. "But he's still and always be my baby."

Ngumiti rin ang asawa, napako ang kanyang pansin maging sa pagngiti ng mga mata nito. Kahit noon pa man, sadyang mapang-akit ang mga ngiti nito, sinasadya man o hindi. Isa si Alvaro sa mga hinahangaan ng mga kadalagahan noon, kabilang ang kanyang sarili.

Kilala ang mga Guerrier bilang mabubuting tao, matulungin at pilantropo. Anumang yaman mayroon ang mga ito ay ibinibahagi rin ng mga ito sa iba. Nag-iisang anak lang si Alvaro ngunit hindi iyon naging dahilan upang magmalaki at magyabang ito, sa halip ay sumunod din ito sa yapak ng mga magulang. Kung tatakbo sa pulitika ang asawa, sigurado siyang hahakutin nito ang boto ng mga tao.

"Hey." Napapitlag siya sa pagtawag nito.

"Hm?"

"You're spacing out." Isang mahinang tawa ang pinakawalan nito. "Baka ma-in-love ka na naman sa akin niyan, ha?" sa pabirong tinig.

Natawa rin siya. "Dati na, at hindi pa rin nagbabago, sana ay huwag mong kalimutan iyon, Alv."

Nabawasan ang pagngiti nito, naglaho ang sa mga mata subalit nanatili pa rin sa labi. Binalewala niya ang munting kurot na naramdaman sa dibdib at lalong tinamisan ang pagngiti. "How about dinner?"

"Please. Gutom na ako." Hinawakan nito ang tiyan at ipinakita sa kanya upang ipaalam kung gaano ito kagutom.

Mahilig sa pagtakbo ang asawa, at tumutulong din ito sa gawain sa sakahan, anihan at kung ano-ano pa kaya naman nanatili ang pagiging aktibo at kisig ng pangangatawan nito. Mas lalo lang itong naging matikas sa kasalukuyan nitong edad.

"Tara na sa kusina." Tumayo siya at naunang lumabas, sumunod naman ito.



NASINDIHAN na ni Caleb ang lampara saka isinabit sa pinakagitna ng kubo upang matanglawan ang bawat sulok. Naigala niya ang paningin dahil sa kapansin-pansing mga munting kurtina na kulay berde, nakasabit sa dalawang bintana na walang mga taping. Nangiti siya nang makita na may ruffles pa ang mga iyon.

Napansin din niya ang cooler na de-gulong, portable stove, mga meryenda, dalawang coffee mugs na babasagin, maliit na palayok at kaldero, dalawang china plate, mga kubyertos, at iba pang abubot pang-kusina. Natawa siya. Mukhang naging abala ito sa ilang araw nang hindi nila pagkikita.

"How do you like our love nest?" Imunuwestra nito ang isang kamay sa mga iyon habang nakangiti.

Natawa siya.

"What are you laughing at?" Kumunot ang noo nito, pinandilatan siya ng mga mata.

"It's cute. Parang..." Napakamot siya ng ulo, "Parang bahay-bahayan lang."

Itinaas nito ang isang kilay saka sumilay ang isang pilyang ngiti. "Hm, you tatay, me nanay. I like it." Tsaka siya kinindatan.

Mga mata naman niya ang nanlaki, ngunit tumawa lang din uli saka umiling. Napansin din niya ang isang berdeng sleeping bag na nakalatag na sa sahig, maayos na nakalatag ang dalawang unan at kumot roon. Tila nahiyang ibinaling niya sa iba ang mga mata.

Malakas na tawa ang narinig niya mula kay Erina kaya napatingin siya rito, nagtatanong ang mga mata.

"Can't you be any cuter? Oh my gosh!" Impit na tili nito na parang kinikiliti.

"Shh." Kanyang saway.

"By the way, are you hungry? I asked Juliet's mom to cook us some rice and adobong chicken, it's in the cooler, let's warm it up."

"Talaga? Ako na ang mag-iinit." Kumilos siya.

"Okay."

Sinindihan niya ang portable stove gamit ang butane gas nito, ininit sa kaldero ang kanin at sa palayok naman ang adobo. Natitigan niya ang malaking sandok na mas malaki pa sa palayok, natawa siya, hinablot ang kutsara at 'yon ang ginamit na panghalo.

"Hmm, ang sarap ng amoy." Erina took away his attention.

"Plato?" Nguso niya sa gawi ng mga iyon.

Mabilis itong tumayo saka kinuha ang dalawang pinggan at iniabot sa kanya. Hinati niya nang dalawahan ang mga pagkain, tinig-isa nila ang mga iyon.

"Chow." Tinanguan niya ito.

"Chow." Panggagaya naman nito.

"Let me do the dishes." Erina volunteered after eating.

"Bukas na, ipasok mo ang mga iyan dito sa basket at ilulubog natin sa tubig, bukas malinis na."

"Oh, okay." At inilagay ngang lahat ni Erina ang mga ginamit sa basket na gawa sa plastic net.

Kinuha iyon ni Caleb, bumaba sa creek at inulubog sa mababaw na tubig. Habang naroroon, pinili niyang magtampisaw saglit upang mapreskuhan siya kahit paano. Bahagya siyang nagulat nang marinig ang pagyapak ni Erina sa tubig.

"Ay, madaya, hindi nag-invite." Hawak nito sa isang kamay ang maliit na flashlight, at may kung ano pa sa kabila.

"Hindi naman ako magtatagal, madilim kasi kaya baka delikadong magtampisaw." Kinuha niya ang braso nito upang alalayan ito palapit sa kanya.

Hanggang binti lamang nila ang tubig, malamig sa balat ngunit masarap sa pakiramdam.

"Like what, 'yong leech?" May naamoy siyang mint toothpaste, nang muli niya itong lingunin ay may nakasaksak ng toothbrush sa bunganga nito. "Here, for you." Halos hindi niya maintindihang sabi nito saka iniabot ang isa pang toothbrush na may toothpaste na at isang bote ng distilled water.

Nangiti siya, "Girl Scout ka, a. Thanks." Kinuha niya iyon at nagsimula na ring magsipilyo.

Umiling ito. "Just for tonight, and just for you." Saka siya kinembutan sa tagiliran.

Natawa siya.

Naunang natapos si Erina, at nagulat pa siya nang basta na lang itong lumusong sa gitna ng tubig, hanggang dibdib ang lalim niyon.

"Erina, come back here," sa mahina niyang tawag.

"No, you come here, hurry." Pinatalsikan siya nito ng tubig.

Pinakiramdaman niya ang tubig, wala naman sigurong ahas na gagawi sa puwesto nila.

"Caleb, bilis."

Tinapos niya ang pagsisipilyo, inilagay iyon sa ibabaw ng bato sa gilid gayundin ang bote ng tubig at flashlight. Nakasanayan na ng kanilang mga mata ang madilim na paligid kaya hindi na niya iyon dinala, ngunit nanatiling bukas at itinutok sa kinapupuwestuhan ni Erina.

Nang makalapit kay Erina ay bigla siya nitong binigwasan ng tubig, tuluyang nabasa ang suot niyang puting kamiseta.

Tumawa ito, "Oh, I forgot you don't have a change of shirt, sorry." Ngunit tila wala namang pagsisisi sa paghingi nito ng paumanhin.

"Sinadya mo." Hinubad niya ang kamiseta, bumalik sa gilid ng creek, piniga ang tubig mula roon saka inilatag sa bato.

Nang humarap siya kay Erina upang balikan ito, natigilan siya dahil sa ginagawa nitong paghuhubad ng nabasa na ring blusa. Tila isa itong palabas na pinanonood at hindi niya magawang ibaling sa iba ang paningin. Nilunok niya ang laway na namuo sa kanyang lalamunan. Nagsimulang kumabog nang malakas ang dibdib.



A/N:

Thanks for reading, don't forget to vote and react, and I f you like the story pls share it to your fellow readers, thank you!!

MicxRanjo

Once A Love Story - #Wattys2018 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon