Chapter Thirteen

Beginne am Anfang
                                    

Sinundan ni Alvaro ang tinukoy nito, saka lumambot ang kanyang reaksiyon nang masino iyon-si Katerina De Dios. She was one of the prettiest girls in their university, and a first runner up for Ms. Peñaflor City 1989.

Pansinin ang dalaga dahil sa maputi at makinis nitong balat, matangkad sa taas na limang talampakan at anim na pulgada, matangos na ilong at hugis pusong mga labi, lalo pa sa maayos na pagkakapusod ng medyo wavy nitong buhok. Kulay rosas ang suot nitong bestida na may ruffles sa dibdib at laylayan, habang ang dalawang kamay ay nakahawak sa dalawang librong nakadikit sa dibdib nito.

"Hoy, Guerrier, ipakilala mo ako sa kanya," untag ni Guillermo.

"A..." Inalis niya ang paningin sa dalaga. "Hindi puwede." Kay Guillermo siya bumaling.

"At bakit?" Kumunot ang noo nito, nagsalubong ang mga kilay. Malaking bulas si Guillermo, mas matangkad ito sa taas na anim na talampakan at mas malaki rin ang pangangatawan. Though he didn't look bad, he was quite intimidating.

"Mayroon na siyang kasintahan." Muli niyang tiningnan ang dalaga, nakatingin din ito sa kanya, ngumiti.

Bumilis ang pintig ng kanyang puso. Just her smile alone was enough to make his day, and why not, Katerina's smile was contagious, and he couldn't help but watched her beautiful lips and her tiny dimple.

"Kayo, ano?" Siniko siya ni Guillermo.

Hindi siya umimik. Akmang tatayo na siya mula sa kinauupuang long bench sa rest area sa harapan ng cafeteria nang hiklasin nito ang kanyang braso.

"Is she good, you know?" Sabay ayuda ng balakang, habang nilaro ng dila ang loob ng bibig nito.

Biglang sumulak ang dugo sa kanyang ulo, sa isang iglap ay humagibis ang kanyang kamao sa mukha nito. "Gago, umayos ka," sa matigas niyang tinig.

"Aba't tarantadong 'to!" Tumayo ito at balak siyang kantiin nang matigilan dahil sa nakitang dugo na tumulo mula sa ilong nito. "Gago ka!" Nanlaki ang mga mata nito saka siya binigwasan.

Mabilis siyang umilag, lumayo pagkatapos. "Leave her alone. Disente siyang babae kaya huwag kang bastos." Saka na siya tumalikod, iniwanan itong nagpupuyos ang loob sa galit.



"ALVARO?" Pumasok si Clarissa at tinapik sa balikat ang asawa, bahagya itong nagulat nang makita siyang nakatayo sa tabi nito.

"Clari." Dumiretso ito sa pagkakaupo.

"Dumating ka na pala hindi ko man lang napansin. Kumusta ang trabaho?" Inilapag niya sa mesa ang dalang orange juice. "Heto o, magpalamig ka muna."

"Salamat." Kinuha nito iyon at tinungga ngunit hindi inubos, inilapag nito iyon pabalik sa mesa. "Hindi nga pala uuwi ngayong gabi si Caleb, sa Del Rio raw muna siya, bukas ng hapon na siya babalik."

"What? But why?" Tumaas ang kanyang tinig. Nakaramdam siya ng hindi maganda sa damdamin. "Sinabi ko na sa kanya na ayaw kong nagpupupunta siya roon, bakit ba hindi siya nakikinig sa akin?"

"Clari, lalaki ang anak natin, binata na at responsableng tao, hayaan mo na munang i-enjoy niya ang kanyang kabataan."

"Hindi iyon ang ikinababahala ko. Puwede naman siyang dito magsaya kung iyon ang habol niya, e bakit sa Del Rio pa?" Her eyes widened while explaining, an obvious upset showed on her face.

"At bakit hindi roon? Pareho tayong taga-roon. Naroon pa rin ang mansiyon ng mga magulang ko at kahit paano ay mayroon pa tayong sakahang natitira roon. Anong problema?"

Once A Love Story - #Wattys2018 WinnerWo Geschichten leben. Entdecke jetzt