Chapter Twelve

Magsimula sa umpisa
                                    

"Erina." Natawa siya. Kinuha niya ang mga kamay nito tsaka ikinulong sa kanyang mga palad.

"Kiss me." She whispered. Her eyes were twinkling in such emotion he could tell why.

Saglit lang siya napaisip bago bumaba ang kanyang mukha rito, idinikit ang mga labing sabik din. Nagsalubong ang kanilang mga labi, agad na umawang upang tikman ang isang matamis na paghahalikan. Hindi katulad noong una, mas palagay na sila sa ginagawa, hindi nananatiya at sa halip ay mas mapaghanap, mas lumalalim, at alam kung saan patungo.

Umalis siya sa pagkakasandig sa pader, iginiya si Erina sa dating puwesto at ito naman ang isinandig niya roon nang hindi pinuputol ang kanilang paghahalikan. Itinukod niya ang isang kamay sa pader, habang ang isa naman ay sumuksok sa likuran ng buhok nito upang igiya pang lalo sa kanya.

Umungol si Erina, marahang tapik ang ibinigay sa kanyang dibdib. Pinutol niya ang pakikipaghalikan, idinikit ang noo sa noo nito, sabay silang lumanghap ng hangin habang nakatingin sa isa't isa.

"Out of breath?" he teased.

Umiling ito. "I hear footsteps, I think someone is coming." Nguso nito sa may pababang hagdanan.

Tila naman siya nahimasmasan at agad na inilayo ang sarili. Pinakiramdaman niya ang mga yabag, narinig nga niya subalit nasundan iyon ng pagbukas ng isang pinto, saka sumara.

Nakahinga siya nang maluwag. "Mukhang bumaba sa basement."

"You're that scared to be found out?" Napalis ang ngiti nito.

"H-hindi. Ayoko lang masangkot sa isang malisyosong eskandalo. Lalo ka na, babae ka pa naman."

"Here we go again. What is wrong with this? We're a couple."

"Kahit na, may tamang oras at tamang lugar para sa mga bagay-bagay."

"So, we can't kiss here when I start my schooling here?"

Naitaas niya ang mga kilay, napangiti.

"What?" Ito naman ang napakunot ng noo.

"Pwede naman, medyo discreet nga lang. Ayoko lang ng bulgar."

"Oh gosh! Loosen up, will you?" Hinila nito ang kanyang kuwelyo tsaka siya muling hinalikan sa labi, maikli lang, patuka-tuka, paulit-ulit, may tunog pa na nagdulot ng echo sa kapaligiran."

Hindi niya naiwasang matuwa, "Erina." Pinigilan niya ito.

"Say you miss me." Tila naghihinampo nitong reaksiyon.

"I miss you."

"Really? You do?" Bigla'y sumilay na muli ang matamis nitong mga ngiti.

"Oo. So, ano na iyong great news mo?"

"I already told you, dito ako mag-aaral. I'd like to be in your class. What course are you taking?" Pinadulas nito ang mga palad sa kanyang mga kamay, isinalikop ang mga daliri sa kanya.

"Business Ad."

"Right, it's explainable since your family runs most of the businesses here. Ako naman, susunod sa iyo, to support you, you know." Nagkibit balikat ito, nanatili pa rin ang matamis na mga ngiti. Tumingkayad ito't humalik sa kanyang baba.

Masaya siyang muli itong makita. Makaharap. Masilayan ang magandang mukha at ngiti. At sa totoo lang, nalulunod ang kanyang damdamin sa kalambingang ipinapakita nito. Hindi niya akalaing magugustuhan ang pagiging agresibo nito.

Once A Love Story - #Wattys2018 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon