"I can be your friend, anytime you want, I am just one call away," sabi naman niya at nung tiningnan ko siya nakahiga na siya sa sahig.

Why is he so gentle when it comes to a girl, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit siya ganiyan kabait sa mga babae, I know his story pero parang may kulang.

Pumunta agad ako sa Science Laboratory para sana maglinis dahil inutusan ako ni Sir Melo na ligpitin ang mga ginamit ng mga bata kanina sa experiment.

Haruki

Dahil sobrang init ng ulo naming magkakaibigan hindi muna ako pumunta sa lounge namin dumiretso ako sa Science Laboratory para sana magpahinga.

Ipinikit ko na ang mga mata ko at nagpahinga pero dahil sa sobrang dami ng gumugulo sa isip ko ngayon para bang ayaw akong patulugin ng sarili kong utak.

Ng biglang na lang may nagsara ng pinto napatayo naman ako dahil sira ang pinto ng Science Lab pagtingin ko nakita ko si Haruka na nakatayo.

"What the heck!" inis ko namang sigaw sa kaniya "What did you do?" sabi ko naman at lumapit ako sa may pinto at pilit ko iyong binubuksan.

"Kapag ka nga naman minamalas makukulong ka na lang kasama pa ay yung bwesit na babae," sabi ko naman sa kaniya.

"Paano tayo ngayon lalabas niyan huh? Gayong isinara mo ang pinto, hindi mo ba alam na nasira ng mga elementary ang door knob?" inis ko namang sabi sa kaniya.

"Ang arte mo naman madali lang naman 'yan eh," sabi naman niya at lumapit siya sa may pinto at hinawakan niya yung door knob ng bigla na lang siyang natumba.

"Haru-chan!" sigaw ko naman at inuga ko siya "Haruka!" sigaw ko naman uli then I kneel down and I patted his head.

Sobrang init niya, hay naku kapag ka nga naman minamalas "Haruka!" sabi ko naman uli pero hindi talaga siya gumagalaw.

Inaapoy na siya ng lagnat kaya naman kinuha ko yung mga lab dress at kinumutan ko siya, "Mama," sabi naman niya nanlaki naman ang mga mata ko.

"Okay ka lang ba?" tanong ko naman sa kaniya "Mama I miss you," sabi naman uli niya at itinaas niya ang kamay niya.

Kapag ka nga naman talaga minamalas oh, makikita ko pa siya sa ganitong sitwasyon, I have no choice but to hold her hand.

"Mama sa dami-dami ng tinuro mo sa akin..." sabi niya at bigla na lang tumulo ang mga luha sa kaniyang pisngi.

"Hindi mo ako tinuruan kung paano patawarin si Papa sa lahat ng ginawa niyang kasalanan sa akin," sabi naman uli niya nanlaki naman ang mga mata ko.

So this is the reason why she hates men. "Okay lang ang lahat," sabi ko naman sa kaniya at hinawakan ko lang ang kamay niya.

Kinuha ko kaagad yung phone ko at tinext ko si Marcus, ang bodyguard ko. Moments have passed nabuksan na ang pinto.

"Young Master are you okay?" asked Marcus then I nod my head. Binuhat ko kaagad si Haruka at sinakay ko siya sa car ko.

"Paki-diretso na sa bahay," sabi ko naman sa kaniya at dumiretso na agad kami sa bahay, pagkadating namin binuhat ko kaagad si Haruka.

"Nanay pakitawagan si Kuya Shane pasabi may patient siya dito sa bahay, salamat," sabi ko naman sa kaniya at inakyat ko na si Haruka sa guest room.

"Mama!" sigaw uli ni Haruka kaya naman nilapitan ko kaagad siya at hinawakan ko ang kamay niya "Haru-chan," sabi ko naman sa kaniya.

"Haruka," sabi ko naman uli "Haruki," sabi naman nung lalaki pagtingin ko nakita ko naman si Kuya Shane na nakatayo.

"Anong nangyari sa kaniya?" tanong naman ni Kuya at agad siyang lumapit kay Haruka at agad niyang chineck ang kalagayan ng dalaga.

"Hindi ko rin alam Kuya Shane eh, di ko na nga alam ang gagawin ko sa kaniya eh," sabi ko naman sa kaniya at umupo ako sa bangko.

"Mataas lang ang lagnat niya, wala kang dapat ipag-alala," sabi naman ni Kuya "Lagyan mo lang siya ng yelo sa noo niya and time to time check her temperature, kapag ka hindi bumaba ang lagnat niya you need to admit her in the hospital," sabi naman ni Kuya then I nod my head.

"Painumin mo rin siya ng gamot every six hours, andito na ang mga gamot," sabi naman uli niya "Thanks Kuya," sabi ko naman sa kaniya then he smiled.

"That's nothing Haruki," sabi naman ni Kuya then I nod my head. "Nga pala sino 'tong babaeng ito?" tanong naman ni Kuya.

"Just a friend Kuya," sabi ko naman sa kaniya "She really looks important to you," said Kuya then I shake my head.

"Of course not," sabi ko naman sa kaniya "Manang-mana ka talaga sa Kuya mo," sabi naman ni Kuya at tumawa siya.

"Oh siya sige na naka-duty pa ako eh, basta tawagan mo na lang uli ako kung may kailangan ka pa," sabi naman ni Kuya then he tapped my shoulder.

"Thanks Kuya," sa i ko naman at umalis na siya, pumunta naman ako sa kusina at kumuha ng ice cubes.

"Nanay pwede po bang pakibihisan yung babae sa taas?" tanong ko naman kay Nanay "Kahit na ilang beses mo pang sabihin na ayaw na ayaw mo nga sa babae hindi mo pa rin mapigilan na maawa sa mga babae," sabi naman ni Nanay sa akin.

"Nay," sabi ko naman sa kaniya at umakyat na agad siya sa taas, "Young Master may kailangan pa po ba kayo?" tanong naman ni Manong pero umiling naman ako.

"Haruki!" sigaw naman ni Nanay at agad akong umakyat sa kwarto kung saan nakahiga si Haruka "Bakit yun Nay?" tanong ko naman sa kaniya.

"Gising na ang babae mo," sabi naman ni Nanay at umalis na siya napatingin naman ako kay Haruka na nakatingin lang sa akin.

"I need to go," sabi naman niya at tatayo na sana siya kaya lang pinigilan ko siya "Sobrang taas ng lagnat mo hindi ka pwedeng umuwi," sabi ko naman sa kaniya.

"I can take care of myself," maangas naman niyang sabi "Haru-chan kahit ngayon lang pwede ba wag ka na munang kumontra sa akin?" sabi ko naman sa kaniya.

"Wag kang mag-alala wala naman akong gagawing masama sa'yo, I don't like girls but I'm still in my right mind," sabi ko naman uli sa kaniya.

"Pero ayaw ko talaga dito, hindi ako sanay na may nag-aalaga sa akin, saka we are not even friends," sabi naman niya.

"Ang arte mo ikaw na ang ang tinutulungan eh bahala ka nga," sabi ko naman sa kaniya then she suddenly smiled.

"Sige na nga alam ko naman na kasi kung bakit ganiyan mo tratuhin ang mga babae, kaya okay lang na maging ganiyan ka sa akin," sabi naman niya nanlaki naman ang mga mata ko.

"What do you mean?" tanong ko naman sa kaniya "You hate girls and I hate men so we're fair," sabi naman niya.

"Why do you really hate men so much?" tanong ko naman sa kaniya pero ngumiti lang siya "We are not closed friends to tell you such things," sabi naman niya at humiga na siya.

"I am willing to wait for your story," sabi ko naman sa kaniya at lumabas na ako ng kwarto niya, she's a bold girl but she also had a kind heart.

HARU-HARU: A So-Called Love (Completed)Where stories live. Discover now