PROLOGUE

157 0 0
                                    

(pasensya na sa kulang part na ito hehe may chapter 1 at 2 po ito update ko po soon)

Third person's POV

"Mahal na mahal kita. Tandaan mo yan." yan ang huling katagang narinig ko na sinabi niya sa pinakamamahal niyang babae.

"Babalik ako ng buhay at sabay tayong mag aalaga sa ating magiging anak" niyakap niya ito ng mahigpit at sabay umalis ng umiiyak. 

Kahit na masakit, pinilit pa rin ng babae na magpakatatag dahil alam niya na ginagawa ito ng kanyang kasintahan di lang para sa kanila ngunit para rin kanyang minamahal na bansa. Nagsimula nang mag impake ang babae upang lumikas sa mas ligtas na lugar. Habang nag iimpake, kanyang tinignan ang kanyang kwintas na nagsisimbolo ng pagmamahal ng lalaki sa kanya, mga alaalang hinding hindi niya malilimutan. Tanging pag-aalala lang ang namuno sa kanyang puso nang mga oras na iyon. Anumang oras ay pwede siyang mahuli at mamatay. Hanggang sa maisip niya na kung ito man ang kanyang huling pagkakataon, handa siyang mamatay makasama lang ang kanyang minamahal.

"Masyado nang malakas ang kalaban!! Mukhang imposible na natin sila matalo!! Mamatay na yata tayo!!" sigaw ng isang sundalo habang nakikipagpalit ng putukan sa kalaban. 

"Wag kang matakot!! Isipin mo lang na laging nandiyan ang Diyos upang gabayan tayo!! At kung ito man ang huling laban natin, sisiguraduhin natin na maipapanalo natin to!!" malakas na sabi ng lalaki. 

Habang tumatagal ang labanan, unting -unti nang nanghihina at nawawalan ng pag- asa ang mga kapwa niyang sundalo na mas pinipili na lamang magpakamatay dahil naniniwala sila na dito rin hahantong ang lahat. Pero dulot ng kanyang tungkulin at pangako sa kanyang minamahal, mas nilakasan niya ang loob niya para lumaban at manatiling buhay  para makasama ang mga taong mahahalaga sa kanya.

Tumakbo ang babae nang mabilis upang mahanap kaagad ang kanyang minamahal. Habang tumatakbo, kitang kita niya lahat ng mga hirap na dinaranas ng mga tao ngayon. Marami ang nawawala, nangungulila, at ang mas masakit, namamatay. Ngayon alam na niya. Ganoon pala kasakit mawalan ng minamahal. Makikita mo sa kanilang mga maukha ang pighati at pagluluksa dahil ang mga taong iyon ang bumubuo sa pagkatao't buhay nila. Dahil doon, mas lalo siyang kinabahan. Mas dinalian niya pa ang takbo to habang nagtatago sa mga  kalaban. Nang makita na niya iyon, ay agad niya itong pinuntahan ng walang pagaalinlangan. Nung mga sandaling iyon, ang tanging na sa isip niya lamang ay kailangan niyang samahan at palakasin ang loob ng kanyang kasintahan. 

"Mahal, hindi ko kayang umalis ng wala ka" magiyak iyak na sabi ng babae. 

"Pero delikado mahal, di ko na alam ang gagawin ko kung malalagay ka sa panganib" sabi naman ng lalaki.

"Kung mamamatay man tayo, mamamatay tayo ng magkasama. " paninindigan ng babae.

Dulot nang wala ng magawa ang lalaki mas pinili niya na itakas ang babae para mailipat siya sa lugar kung saan pwede silang magtagao. Habang sila'y tumatakbo, bigla na langnalglag ang kwintas na bigay ng lalaki sa kanya. Dahil mahalaga ito sa kanya, dali dali siyang bumalik upang kunin ito. Nagulat na lang ang lalaki nang makita niya ang isang kalaban na nakatutok ang baril sa kanyang minamahal.  Sa sobrang kaba, agad siyang tumakbo papunta sa kaniyang kasintahan at dali dali siyang niyakap upang saluhin ang bala. Gulat na may halong takot ang naramdaman ng babae nang makita niya na may dugo sa kanyang mga kamay. Nang tignan niya ang lalaki, kitang kita sa kanyang mukha ang sobrang pagkalungkot dahil hindi na niya matutupad ang pangako niya sa babae.

"Pasensya na kung hindi ko na matutupad ang pangako ko sa iyo." mautal-utal na sabi ng lalaki.

"Wag mong sabihin yan! Mabubuhay ka!! Lumaban ka parang awa mo na!! Paano na yung magiging anak natin? sinong kikilalanin niyang tatay? Mahal parang awa mo na." mangiyak - ngiyak na sabi ng babae.

"Basta lagi mo lang tandaan, na isa ako sa mga bituin na nandyan lang sa langit, kahit hindi mo ako nakikita, asahan mong lagi akong nandyan binabantayan ka. Kapag nalulungkot ka o kinakailangan mo ako, tumingin ka lang sa itaas, at isipin mo na mahal na mahal kita."


Una't Huling Pag-ibig (jmsronquillo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon