“Gusto mo ihulog kita palabas ng sasakyan?” pinalo ko ang braso niya.

“Aray Zelene! Joke lang, joke lang!” Habang hinaharang ang unan sa gitna mga kamay ko.

Sumakay na si Ninang Tess at binati kami.

“Ninang Tess. Si Zeke ho.”

“Oh buti may boyfriend ka na ulit, hija. I’m so glad to meet you. Take very good care of my inaanak.”

“Ninang, hindi …”

“Yes, I will po, Auntie Tess.” Ngiting sabi ni Zeke . Pinandilatan ko naman siya.

“Ah Ninang.. mffhppphhhkkkm!” tinakpan nya ang bibig ko!!!

“Tulog ka na, Freyja.” Sabay takip ng mata ko at sinandal ako sa upuan. ABA TONG ZEKE NA TO!

“Hay nako talaga! Che!” tinalikuran ko sya at pumikit na.

Nagising na lang kaming nasa Manaoag na.

Nauna na naglakad sila Mom. Titignan nila kung maabutan pa namin ang mass. Magkita nalang daw kami sa church.

Naglakad lakad lang kami ni Zeke .

“Ikaw talaga. In-acknowledge mo naman si Ninang. Hay nako. Kukulitin na naman ako non.”

Inis kong sabi sa kanya. Hindi kasi ako tinatantanan ng mga amiga ng Mom. Especially when they learned na Tyler and I broke up.

“Bakit naman? Sinabi ko lang naman na I will take care of you.” Natatawa niyang sabi.

“You will not understand kasi you are not a woman in her 30s!” na parang balitang inaabangan kung kelan ka mag-aasawa.

“Sorry na, sorry na. I will clarify later.”

“Wag na. no need. Okay lang.” naaninag ko na si Mom na kumakaway saamin.

“Kids, may mass in 5 minutes tara na!”

Dali dali kaming pumasok sa church at umupo sa tabi nila Mom. Hindi ako practicing Catholic, more of Protestant Christian pero si Mom is devout Catholic so sumasama ako sa mga misa.

Natapos ang mass at nagyaya sila Mom na kumain for lunch. Namili sila ng mga pasalubong muna then we went to a nearby restaurant.

Antok na antok na ako pagdating ng hapon dahil sa kulang sa tulog. Pagsakay namin ng van nakapikit na ako agad.

“Antok na antok ka na pala?” Tanong ni Zeke.

“Oo… sleep muna ko ha.”

Naramdaman kong hinawakan nya ang kamay ko at sinandal ako sa balikat niya. Nilagay nya ang arm nya around me.

“Uy, wag na.” akmang aalis ako pero hinila niya ako sabay kumot sakin ng blanket na nasa van.

“Sssh, go to sleep.” Sobrang antok na talaga ako. Ang comfy higaan ni Zeke .

Nagising ako na nasa bahay na kami. Tulog na tulog din si Zeke.

Nakasandal na siya sa unan sa may bintana sa kabilang end ng seat and ako nakahiga sa kanya with his hands around me.  Dahan dahan akong tumayo. Naramdaman niya agad kaya tumayo din siya.

“Masyado naman tayong close.” Habang inaayos ang buhok ko.

“Konti lang. Ang bigat mo grabe!” habang iniinat inat ang braso.

“Who told you to lay me in your arms kasi!”

“Aba alangan naman hayaan kitang uuntog untog sa balikat ko!”

All Strings Attached (taglish)Where stories live. Discover now