" ano ba kasing nangyari? " tanong ng mommy niya na ang tingin ay nasa aso lang

" May nakain lang ho sya mom " sagot ni Deanna,

" okay I lied, I'm sorry mom " sa isip ni Deanna

Patuloy pa rin hinihimas ng Mommy niya ang aso, halatang nawiwili siya rito

" So it's true? you bought new dog " serysong sabi ng Daddy ni Deanna na ang tingin ay nasa aso na rin

" Sorry dad, na miss ko lang kaso yung aso natin that's why i decided to get one" nakayukong sabi ni Deanna

" bawal siya dorm nyo, so san sya nag sstay? " tanong pa ng Daddy niya at binalingan siya ng tingin

" sa kaibigan po ni Ponggay " pagsisinungaling niya ulit

" Okay, papasok na kami sa loob, you takecare of your self Izabella " sabi ng Daddy niya

" Okay po, have a safe flight Mom, Dad. " at hinalikan sa pisngi ang magulang

---

" Bib " bati ni Deanna

Nadatnan ni Jema sa labas ng apartment si Deanna na nakasandal sa kotse niya

" Bat d ka pumasok ? "

" Hindi rin ako magtatagal bib, may training na kami bukas, start na rin kasi ng game namin " sabay halik sa noo ni Jema

yumakap naman sa bewang niya ang babae

" wait Bib may kukunin lang ako sa kotse " sabi ni Deanna

" Wow ang cute " nakangiting sabi ni Jema nang makita niya ang hawak na aso ng girlfriend

" Anong name niya Bib? " sabay kuha sa kamay ni Deanna

" Chui Chui "

Aliw na aliw si Jema habang hinahaplos ang balahibo ng aso

" bib pwede dto muna sya? kasi bawal siya sa dorm eh " sabi ni Deanna at hinaplos din ang balahibo ni Chui Chui

" ehh Bib bat mo siya binili kung bawal siya sa dorm? "

" Naku Bib mahabang istorya, basta sayo muna si Chui Chui ha? habang wala pa tayong baby siya muna at ako ang magiging baby mo " sabi ni Deanna

" Hello Chui Chui I'm your Mommy Jema " at kiniss pa ang pisngi ng aso

" And She's your Mommah Deanna, " pagpapakilala ni Jema sa kanya kay Chui Chui

" Starting tonight your name is Chui Chui Galanza Wong " natutuwang sabi ni Jema

Natawa naman si Deanna

" Kelangan tlaga may apelyido? " d makapaniwalang tanong niya

" Paki mo? Anak na natin si Chui Chui so dapat dala na niya apelyido nating dalawa " parang batang sabi ni Jema

Lumawak naman sng pagkakangiti ni Deanna sa sinabi ng Girlfriend nya na ngayon ay wiling wili kay Chui Chui sa bagong baby nila

Niyakap niya ito

" hay... mas lalo mo pa ako binigyan ng rason para mas mahalin kpa Bib, tell me paano pa ba ako makakawala nito sayo? " nakasimangot na wika ni Deanna

Tinaasan siya ng kilay ni Jema, kumalas ito sa pagkakayakap ng kasintahan

" Bakit may plano ka? " masungit na tanong nito

" wala, ang ganda ganda ng Girlfriend ko at ang cute cute ng baby Chui Chui natin, maghahanap pba ako? " natatawang sagot ni Deanna

" ayusin mo ang sagot mo Bib ha, mawawalan ka tlaga ng Girlfriend at anak " banta ni Jema

" Psh! parang kaya mo naman mawala ako sa buhay mo " nakakalokong sabi ni Deanna

" hinahamon mo ako? " tanong pa ulit ni Jema

" bat naman kita hahamunin? alam ko namang talo ako ehh.. na sayo na kaya ang lahat at pagsisihan ko pag hinayaan kitang mawala sa buhay ko " sabay halik sa noo ng girlfriend

" Buti alam mo " pagsusungit ni Jema

natatawa naman siyang inakbayan ni Deanna

" Nagsusungit na naman ang Reyna, halika labas na lang tayo ngayon para mabawasan yang init ng ulo mo, ibili natin ng gamit at foods si Chui Chui " at pinagsbuksan ng kotse ang kasintahan

The Queen meets The Setter - Book I ( Jema Galanza, Deanna Wong )Där berättelser lever. Upptäck nu