Chapter 14

1.3K 45 15
                                    

           

Jade

Ilang araw na ang nakakalipas nang mag-umpisa akong magtrabaho, kaya naman ramdam na ramdam ko na pagkakaiba ng oras namin ni Simon. Minsan kasi madaling araw na siya umuwi tapos maagang umalis o 'di kaya ay ako ang late na umuuwi at tulog na siya pagdating ko.  Pero kadalasan naman ay naabutan ko pa ang anak ko at ako pa rin ang nagpapatulog sa kanya.

Kaya nga siguro nagrereklamo ang isang 'yon, dahil na rin sa alam niyang mangyayari ito. Napabuntong hininga tuloy ako.

"Problem?" Sky asked. Andito kasi ako nakatambay sa opisina niya ngayon. Hindi naman sa wala akong trabahong ginagawa, sumasama rin ako kasi minsan kapag nakikipag-meet sa investors at nakiki-check ako sa mga proposals na pinapasa o tinitignan ko rin ang mga detalye ng mga on-going projects.

I must say nakakatulog naman ako kay Sky paminsan-minsan. I looked at the man on his desk. Araw-araw na alng ang pogi ng lalaki- este baklang 'to. Lalo na ngayon na hinubad niya ang coat niya at itinupi niya hanggang braso ang sky blue undershirt niya.

"Sky, I was just wondering. Hanggang kalian kaya ako makakatagal sa ganitong buhay?"

Napabaling naman siya sa akin at bahagyang ibinaba ang hawak niyang mga papel. "Anong ibig mong sabihin?"

"Ha? I mean--- 'yong plano mong pa-inlabin si Simon sa akin, alam kong malayong mangyari iyon. Kaya npapaisip na lang ako kung hanggang kalian ko kaya matatagalan ang sitwasyon ko."

Nang dahil sa sinagot ko ay tuluyang ibinaba ni Sky ang papel sa kamay niya.

"Jadeyy, trust me on this. Hindi ka naman chaka o chabelita (pangit o chubby), para ayawan ka kaagad ng jowabells mo. Kering keri mong akitin si Simon, kaya never give up lang dapat ang peg ha!"

Inirapan ko naman si bakla." Never? Kahit pa ang cheap ko nang tignan, kasi nakakakapit lang ako kay Simon dahil sa anak ko?"

Nalaglag ang panga ni Sky.

"Hoy! Anong cheap? Hindi ka chipangga (cheap)! Sa iyo may anak si Simon, kaya mas may karapatan ka sa babae niya. Getchi mo ba?"

Bumuntong hininga na lang ako at tumayo. "Oo na, babalik na ako sa opisina ko."

I don't want to argue. Sure kasi akong ipaglalaban ni bakla na mapapa-fall ko talaga si Simon sa akin. Sa walong taon na crush ko si Simon plus 'yong taon na magkasama kami sa ibang bansa, 'di ko pa rin napa-ibig ang lalaking iyon, anong kaibahan ngayon'di ba? Minsan talaga shunga shunga rin si bestfriend.


It's Saturday night at maaga kaming ntapason sa opisina, iyon pala ay para mag-office dinner. Welcome ceremony raw para sa akin.

Nag-reserba si Sky ng isang silid sa bar ng kakilala niya, para diretso inuman na pagkatapos ng kainan.

"Cheers to our beautiful and sexy Vice President, welcome to the company again!" Anunsyo ni Sky at inangat ang baso niya, dahilan para sumunod rina ng iba. Ang mga Supervisors at Directors ang kasama namin, kaya nagkasya kami sa issang silid lahat.

Magkatabi naman na kami ni Sky nang matapos kumain, dahil nag-umpisa nang mag-inuman.

Nagkukwentuhan sila sa mga pangyayari saopisina, hindi naman ako nabo-bored kasi nakakatuwa naman silang kasama. May iba ring babaeng kasama kaya 'di ako out of place, pati nasabihan ko na rin ang katulong na late akong makakauwi at siya na muna ang bahala kay Dame.

"By the way, Miss Jade. Single ka pa po ba?" Tanong ng isa sa mga director. I smiled widely on his question. Sasagot na nga rin dapat ako nang umakbay si Sky at inunahan ako.

JONHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon