Chapter 7

2.3K 78 6
                                    




Jade

Sa paggising ko sa umaga, nasanay na ako na mukha niya ang mabungaran ko. Ang pinakapoging nilalang sa buhay ko at ang pinakamamahal kong anak, si Dame. I touched the face of my son as I stared at him lying beside me in bed. He grew up so fast; I never knew that events will come by so quickly. Just like how we are already stayed in the country for a week now.

Siguro nga hindi ko lang napansin ang panahon, dahil nakasanayan ko na agad ang pamumuhay na kasama ang mag-ama ko. Ganitong-ganito rin kasi ang pamumuhay namin sa ibang bansa no'ng mga nakaraang taon, nanatili lang ako sa bahay para alagaan ang anak ko. Simon did all the work; he said he wants me to stay with my son so that I can guide him.

Aaminin kong medyo nahihiya ako, kasi hindi pa naman kami mag-asawa pero karga na ako sa gastusin niya. Pero wala naman akong magagawa, lalo pa't magpapakasal na rin naman kami.

"Wedding, huh?" I laughed a bit as I talked to myself. It's just funny how I just got married a few years ago and now I'm getting married again. I stared at my son once again and averted my gaze on the beautiful engagement ring on my finger. Though it's simple it is a four claw round brilliant cut diamond solitaire design. Bumuntong hininga nalang ako at tumayo, mukhang kailangan ko nang maghanda ng almusal bago pa magising ang aking anghel.

"Naku, ma'am ako nalang po." Halos 'di na alam ng katulong ang gagawin nang agawin ko sa kanya ang panandok. Naabutan ko kasi siyang naghahanda para magluto ng almusal sa kusina, pero mas gusto ko kasing ako nalang ang gagawa no'n. Madaling gawain lang naman kasi.

"Alena, ako na ha. Sige na, alam kong marami ka pang gagawin. Ako na ang bahala dito, gusto ko rin ipagluto ang anak ko at si Simon." Mas lalong bumusangot ang dalagita naming kasambahay, pero halatang natigilan na rin siya sa pagpigil sa akin.

"Eh sige na nga po ma'am, baka bawasan ninyo pa sweldo ko." Napangiti naman ako sa tinuran niya. Magsasalita na rin sana ako nang may idinugtong pa siya.

"At saka ma'am, hindi po umuwi si Sir kagabi." Natigilan ako, pero agad naman akong nakabawi. Masyado na naman siguro siyang busy sa trabaho, ang lalaking iyon talaga.

"Ipagluluto ko pa rin siya, baka umuwi saglit 'yon." Ngumiti nalang ako pagkasabi ko no'n at saka nagtuloy na sa pagluluto. Masyadong workaholic naman itong mapapangasawa ko, kahit no'ng nasa New York kami ay gano'n din ang ginagawa niya.

Noong ando'n kasi kami ay siya ang naghandle sa isang branch ng kumpanya nila doon, pero kalimitan ay umuuwi siya dito para tignan ang lagay ng main branch nila. At siguro nga dahil sa tatlong taon naming paninirahan doon ay marami siyang naiwang trabaho dito.


Bumuntong hininga na naman ako at napatingin sa orasan, tanghali na pero wala pa ring Simon na umuwi o tumawag man lang. Gano'n ba siya ka busy na kahit text wala?

"Hay nako," nasabi ko nalang. Maya maya pa lang ay nakarinig ako ng hagikhik sa aking tabi. Nangunot naman ang noo ko nang makita si Dame na matamang nakatitig sa akin at nakalapat sa kanyang tenga ang isang cellphone.

"Mommy missed Daddy," my son giggled again. I frowned even more and stared at Dame, who's sitting on the sofa while eyeing me.

"Dame, ba't mo hawak ang phone ko?" I asked but all he did was laugh a bit and handed me the phone.

"Mom, its Dad." Agad akong napanganga sa pahayag niya at agad tiningnan ang telepono. Nang makita ko sa screen ang pangalan ni Simon ay agad ko itong kinuha at nilapat sa tenga ko.

"Simon," I said awkwardly. I heard his hearty laughter on the other line. Napanguso tuloy ako, kanina pa pala siya kausap ni Dame. Tapos inaasar pa ako ng anak ko, nakakahiya.

JONHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon