Chapter 23: Forgive

Start from the beginning
                                    

Sabay-sabay silang sumugod. Mabilis akong umakyat sa puno na nasa tabi ng bench. Hindi agad sila nakahinto kaya nadapa silang lahat sa bench. Ang iba nauntog sa sandalan ng bench dahil dumagan ang iba sa kanilang likod. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa hitsura nila o madidisappoint.

Bumaba ako mula sa puno at mabilis na tumakbo papalayo. Malayo na ako sa kanila pero hindi parin nila naayos ang kanilang mga sarili at bago nila ako hinabol ay pinagalitan pa sila ng isa sa kanila.

"Mga hangal! Habulin niyo!" maybe it is their leader.

I ran as they chase after me. Pumasok ako sa madilim na eskinita. Pakiramdam ko nangyari na ito dati. I roamed my eyes at napansin na wala na itong lalabasan. I am trapped. I heared their steps coming from my back.

May biglang humigit sa akin at mabilis na tinakpan ang aking bibig bago pa man ako makasigaw.

"Nawala!" sigaw ng isa sa kanila dahil sa pagkabigo.

"Mga inutil talaga kayo! Sinamahan ko na nga kayo para hulihin ang babaeng iyon. Palpak parin!" isa-isang nagsialisan ang mga lalaking humabol sa akin.

Nang makasiguro na akong wala na sila ay mabilis na umalis ako mula sa aking pinagtataguan. I look at the guy behind me.

"You should be careful next time." sabay alis ng kamay niya mula sa aking bibig.

"Pwe! Ang pait ng kamay mo!" nakangiwi kong singhal sa kanya.

"Natural. Nagtatanim ako ng mga bulaklak kanina at hindi ko pa hinugasan ang kamay ko. Alangan namang matamis ang lasa ng lupa." mas lalo akong napangiwi dahil sa sinabi niya.

"Kadiri." My forehead creased in disgust.

Pagkalabas namin sa eskinita ay may nakita akong tubigan na kailangan mo pang maghulog ng piso. Mabuti nalang at may sukli ang bente na pinambili ko sa hotdog kanina, kaya yun ang hinulog ako.
I gargled the water, then spit it out.

Pagkatapos kong magmumog ay hinarap ko siya.

"May tatawagan muna ako." di pa man siya makasagot ay tumalikod na ako at pumwesto ng medyo malayo sa kanya.

I dialed Tyrone's number and wait for him to pick the phone up. Nakatatlong ulit pa ako bago may sumagot sa tawag ko.

"Mom?" I inwardly smiled when I heared my son's voice.

"Good evening baby." I greeted him cheerfully.

"Mommy! Good evening too."

"How's your evening?"

"I am sad when you left but daddy's girlfriend played with me."

"Oh."

"She is fun to play with mom! Naglaro po kami ng xbox kanina." I felt a pang of jealousy. Mukhang nakuha na niya amg loob ng aking anak.

Nakukwentuhan pa kaming dalawa ngunit nagpaalam narin siya dahil tinawag siya ng kanyang lola na uminom ng gatas. Nalulungkot na ibinaba ko ang cellphone at lumapit sa pwesto ni Ryker.

"How come that you're planting flowers a while ago? Anong meron." natanong ko nalang paglapit ko para kunin ang kanyang atensyon.

"Inutusan ako nung matanda sa kabilang kanto. Wala man lang suhol." napakamot siya sa kanyang ulo.

"Buti nga sayo." binigyan niya ako ng masamang tingin dahil sa sinabi ko.

"Ano nga pala ang nangyari kanina at hinahabol ka ng mga yun?"

"Nothing." mabilis kong sagot at agad na naglakad palayo.

Ayoko muna pag-usapan ang nagyari kanina. I'm tired and I badly want to rest.
Alam kong hindi siya kumbinsido sa aking sagot ngunit hindi na siya nagpumilit. Marahil ay alam niyang pagod ako.

"Sumabay ka na sa akin. Nandu'n lang ang kotse ko." dumiretso gad ako kung saan nakapwesto ang kanyang kotse nang itinuro niya ito.

As soon as I got inside the car, I immediately fastened my seatbelt. Pinatutog ko ang radio ng kotse bago pa man siya nakapasok sa loob. I closed my eyes and slowly drifted to my slumber.

Marami ang nangyari ngayong araw and I am mentally stressed. Rest is what I really need. May dumagdag na naman sa iisipin ko.


Nagising ako dahil sa matinding liwanag na tumatama sa aking mukha. I blink a few times para makaadjust sa liwanag ang aking  mga mata. I roamed my eyes at namangha dahil nasa kwarto na ako. Paanong napunta ako rito?

Baka dinala ako dito ni Ryker kagabi.

Nakakahiya naman

Kahit na tinatamad ay pinilit kong umalis sa aking higaanan. May pasok pa ako kaya kailangan ko nang kumilos or else malelate ako. Parang akong zombie na pumasok sa cr. I did my daily routine.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis agad ako. Simpleng damit lamang ang aking pinili kahit na madaming mapagpipilian sa walk-in closet ko. Hindi rin ako nag-aksaya ng panahon para humarap sa salamin at maglagay ng kolorete.

I put my glasses on and bun my hair. Sinuklay ko rin ang bangs na nakaharang sa aking mga mata. I grab my bag at agad na lumabas.

I descended from the stairs. Pagdating ko sa kusina ay tiningna ko ang aking wrist watch. Laki talaga ng pakinabang ng relo na 'to. I only have fifty minutes left bago magsimula ang first subject ko, kaya nagmamadali akong lumapit sa mesa kung saan nagbabasa ng dyaryo si uncle habang umiinom ng tsaa.

"Good morning uncle." i kissed his right cheek and sat next to him.

"Good morning too. How's your sleep." tanong niya. Ibinaba niya ang dyaryong hawak at uminom ng tsaa.

"Nakatulog naman ako ng maayos." maikling sagot ko at sunod-sunod ang subo.

"Dahil ba sa ganda ng tulog mo kaya late ka nang nagising?" he asked with a chuckle.

"Siguro." nakibit-balikat kong sagot at pinagpatuloy ang pagsubo.

Inabot ko ang tubig at agad na tumayo. Kinuha ko ang aking bag na nilagay ko sa tabing upuan.

"Alis na'ko uncle." lakad takbo akong nagtungo sa pintuan nang napahinto dahil sa pagtawag sa akin ni uncle.

"Magpahatid ka na sa driver." tatanggi sana ako ngunit bigla kong naalala ang oras kaya agad akong tumango.















My Baby's Father is a Mafia Boss Where stories live. Discover now