Nang marating ko ang daan papunta sa tambayan namin ay tuluyan ng nawalan ng ingay sa paligid at nagsisilbing ilaw na lang sa daan ay ang mga iilang poste ng ilaw sa daan. Maririnig mo rin ang paghampas ng hangin sa mga puno't halaman sa gilid.

"F*ck, mabuti na lang pala at nagjacket ako," bulong ko sa sarili at napahinto sa tapat ng tambayan namin. Kadiliman ang bumabalot sa loob ng hardin.

Nagsimula akong pumasok at tanging naririnig ko ay ang pag-apak ko sa mga tuyong dahon at ang paghinga ko.

Pinagmasdan ko ang paligid at wala naman akong nakitang kakaiba maliban sa atmosphere ng lugar. Ilang minuto ang lumipas ngunit wala namang nangyayari kaya nagsimula na akong umalis.

"Aalis ka na agad? Hindi mo ba hihintayin ang kapatid mong dumating?"

Agad akong napatingin sa loob ng hardin at sa 'di kalayuan ay may nakita akong nakaitim na babae. Tanaw ko ang nakangiti nitong mukha at may ilaw na nakatapat sa kanya na akala mo ay sasali sa isang Halloween event.

At alam kong siya rin ang babaeng laging bumubulabog sa akin bigla-bigla.

"Ano bang kailangan mo? Lagi kang nang-iistorbo," nakasimangot kong saad at lumapit sa kanya ngunit agad ding napahinto ng makitang may hawak siyang kutsilyo.

"Anong kailangan ko? Wala akong kailangan, kayo ang may kailangan sa aking ibalik! Kayo! Kayong mga Castillion at Evangeline!" Malakas at galit na galit na sigaw niya sa akin. Unti-unti siyang lumalapit kaya agad akong umurong.

"Bakit? Ano bang atraso sa'yo ng mga magulang ko?" curious kong tanong pero malakas na tawa ang isinagot niya sa akin.

"Oh, an innocent kitten," panunuya niya pa sa akin kaya agad akong napairap.

"Ang dami mong sinasabi, ano bang gusto mo at pinapunta mo pa ko rito?" Masungit kong tanong at ngumiti siya ng matamis sa akin.

"Bakit hindi natin hintayin ang kapatid mo?" Tanong niya pa at nagtap ng kanyang paa. Huwag mong sabihin na pinapunta niya rito si Carter? Bwisit namang babaitang ito.

Ilang minuto ang lumipas bago ako nakarinig ulit ng mga yabag.

"Angel? Nandito na ako!" Rinig kong sigaw ng isang pamilyar na boses. Nang makalapit siya ay nagkatitigan kami ng ilang segundo.

"Bakit ka nandito?" Mahinang tanong sa akin ni Sharien pero napakunot lang ako ng noo.

Akala ko ba si Carter ang darating? Hindi ko naman siya kapatid. Naduling ata itong babaeng kunwari nanakot eh.

"How sweet, little kittens. Nang dahil sa akin, nagreunite ang magkapatid," malambing na wika ng babae.

"Hindi naman kami magka-"

"No, no, no, iyon ang akala niyo. But no, siya ang kapatid mo."

"What? What are you talking about?" Naguguluhang tanong ni Sharien.

"Well, it's for you to find out. Kung may oras pa kayo para maghanap," kibit balikat niyang saad at biglang nilamon ng dilim. Agad akong napatingin sa paligid dahil alam kong bigla siyang lalabas.

Agad akong tumakbo papunta sa pwesto ni Sharien ng marinig ang sigaw niya.

"Sharien!" Natatarantang sigaw ko ng makitang hinahatak siya papunta sa waterfalls.

"Sige! Subukan mong lumapit Klein! Lumapit ka para sabay ko na kayong ilalagay dito," malademonyong sigaw niya sa akin at malakas na humalakhak. Itinapat niya sa akin ang baril at patuloy na hinatak si Sharien papuntang tubig.

"Hindi ba ito ang pinakagusto mong iwasan, Sharien? Ang sakupin ng tubig ang iyong katawan hanggang sa mawalan ka ng hininga? How poor of you," sabi ng misteryosong babae at mas hinatak ito.

"Tulong! Tulungan niyo ko!" Nagmamakaawang sigaw nito at lumuluhang nakatingin sa akin.

Hindi na ako nagdalawang-isip na pumunta sa kanila at agad na tinulak palayo ang baril sa babae. Hinatak ko papunta sa lupa ang kalahating katawan ni Shairen na sinakop na ng tubig at ipinunta sa isang gilid.

"Akala niyo ba ay panalo na kayo?! Hindi iyon mangyayari! Hindi na ako magiging talunan sa inyo!" Galit na galit nitong sigaw at inilabas ang kutsilyo galing sa itim niyang cloak.

"Halika na!" Sigaw ko at mabilis na hinatak si Sharien palabas ng hardin. Pagkabog ng puso ko ang tanging bumibingi sa akin at nagpatuloy lang kami sa pagtakbo kahit hindi ko alam kung saan na kami papunta.

"Saan tayo pupunta?" Hinihingal na tanong ni Sharien at pansamantala kaming huminto sa gilid.

"H-hindi ko alam," mahina kong saad. Napatingin ako sa lupa noong makitang may nagliliwanag doon. Napagtanto kong cellphone iyon kaya agad kong kinuha. Binuksan ko ito at nakitang gumagana pa ito.

"Klein! Umalis na tayo!" Pasigaw na wika ni Sharien at hinatak ako. Narinig namin ang malakas na tawa ng babae at mga putok ng baril.

"Run! Run as fast as you can! But you can't escape from me!" Sigaw niya at ramdam kong papalapit na siya sa amin.

"Humanap ka ng tulong Sharien! Use this, f*ck, ako na ang bahala sa baliw na iyon!" Nagmamadali kong saad at binigay sa kanya ang cellphone.

"But-"

"Just go!"

Tumakbo na siya papaalis at humarap ako sa babaeng baliw na ngayo'y nakangiti sa akin habang hawak-hawak ang baril niya.

"Sacrificing yourself? So sweet, kitten. Pero allergic kasi ako sa ganyan. Ayokong nagsasakripisyo dahil sa huli, ako rin ang talo," puno ng hinanakit na wika niya sa akin at pinaglaruan ang baril sa kanyang kamay.

"I'm not Klein if I'm a loser," wika ko sa kanya at unti-unting lumapit.

"Looks like lumalabas ang pangil mo. Pero pusa na ang kaharap mo, hija," natatawa niyang saad at lumapit din.

Magkaharap kami ngayon at kitang kita ko ang mga asul na mata niya na nagliliwanag sa dilim. It reminded me of someone.

Agad kong hinawakan ang kamay niya at kinuha ang baril. Nakipag-agawan ako kahit nagugulat ako sa pagputok ng baril.

"Stop these sh*ts!" Nahihirapan kong wika pero tumawa lang siya sa akin habang pilit na hinahatak ang baril.

"I won't stop until you and your family suffered for ruining my life!" Sigaw niya at nilabas ang isa pang baril kaya nakuha ko ang baril niyang hawak kanina.

Parehong nakatapat ang baril sa isa't isa at mata sa mata kaming nagtitigan.

"Kung ako sa'yo, susuko na lang ako sa pulis para mas mababa ang parusa," saad ko sa kanya pero tumawa lang siya na parang baliw.

"Ano ako? Tanga?! Kahit kailan hindi ako susuko dahil ang pamilya mo ang dapat makulong at hindi ako!" Nag-aapoy ang kaniyang mga mata habang nakatingin sa akin.

Narinig ko na lang ang pagputok ng baril kaya kinalabit ko na rin ang trigger ng baril.

Agad akong napaluhod nang magmanhid ang katawan ko. Napatingin ako sa tiyan kong natamaan ng bala at masaganang pulang likido ang lumalabas dito.

Agad bumagsak ang katawan ko at nakita kong paika-ikang umalis ang babae pero nakita kong nanghihina na rin ito.

"Klein! Nandito-KLEIN!" Naaninag ko pa si Sharien na nasa harap ko pero agad akong napahinga ng maluwag ng makitang nahuli ang babaeng nakaitim.

Nauupos na ang hininga ko at nanghihinang tumingin kay Sharien pero hindi ko na maintindihan ang sinasabi niya.

"I-im sorry, I'm sorry..."

"...I can't save myself."

Tuluyang sinakop ng dilim ang paningin ko.

* * *
Author's note:

Sensya na at lagi siyang nababaril, wala eh, lapitin ng bala. Anyway, I hope you'll continue the story even it's somehow frustrating hehe. Peace ⟵(๑¯◡¯๑) Done editing.

Candle in the Water | ✓Where stories live. Discover now