Napangiti ako parang feeling close to  "oh sige kamusta ?" sabi ko naman

"eto mabuti lang naman ako magdamag kitang iniisip  tapos hindi ka man nagrereply sa mga chats ko" sabi nito natawa ako kasi makapagsalita siya matagal ko nang kakilala. 

"sorry busy kasi ako sa work ko halos kakauwi ko lang" sabi ko 

"uhhmm ganun ba sorry din. Kumain ka na ba ?" sabi niya 

bumilis ang tibok nang puso ko parang namiss ko to na may magtanong sa akin na kung kumain na ako.

"kanina pa sa mall. Ikaw ?" sabi ko

"tapos na din. Ganyan ba talaga ang boses mo ? Parang umiiyak ?" sabi niya 

"hindi. Hindi naman to boses ko" 

"So ? Umiiyak ka ? May nang-away ba sayo ? alam mo dati hindi ako naniniwala sa love at first sight pero nang makita kita sa picture mo na in love na ako." 

"hahahahahahaha ! Joker ka noh ? how can i trust you ? Hindi mo pa nga ako nakikita e in love ka na sa akin what if hindi ako sa picture na yan ? Ganyan ka ba madali magtiwala ?" sabi ko 

"I don;t care edi mamahalin ko yung taong nasa likod diyan sa picture. Mukhang hindi ka naman nangangagat kaya may tiwala ako sayo. Bakit ka umiiyak ?" 

"talaga may tiwala ka sa akin kahit di mo pa ako nakikita ?"

"ikaw ba hindi ka nagtitiwala kay God kasi hindi mo siya nakikita ? Yung tanong ko bakit ka umiiyak ? Nga pala pwede ba tayo magkita ? Gusto na kitang ligawan eh" sabi niya

"Nagtitiwala ako sa kanya. Kailan ba ? Ligaw agad ? Uhmm bakit ako umiiyak ? Uhmm my life is ruin" 

"weekend pwede ka ba ? Paano mo nasabi na magulo ang buhay mo ? mukhang maayos naman sa ngiti mo" sabi niya

"oohhh ooohh im a great pretender" kanta ko natawa siya sa kabilang linya "bakit nga ? pwede mo naman i-share. Promise mapagkakatiwalaan mo ako. Wala ka bang mga kaibigan na masasabihan ?" sabi niya

"Meron marami kaso ayoko ipakita sa kanila na mahina ako. Pag nakikita nilang malungkot ako lumulungkot din sila ayoko naman kasi yun na pinopoblema pa nila ako may kanya kanya na silang pamilya at buhay." panimula ko 

SEPARATED WOMAN DIARYजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें