S.W # 23 Frances Family

133 4 0
                                    

Mandy

Habang nasa bus ako pauwing Maynila hindi ko mapigilan ang mga luha ko eto na ang pinakamasakit na desisyong nagawa ko sa buong buhay ko.

Masakit sobra pero para sa ikabubuti ni Frances sa kinabukasan nya ginawa ko ayokong matawag siyang kabit dahil kasal pa ako kay Daniel.

Hindi ako yung right person para sa kanya ang sakit noh ? Parang sinampal ko ang sarili ko dahil inamin ko sa sarili ko na hindi ako yung tamang babae para sa kanya.

Ilang oras din ang nakalipas naka-uwi na ako sa bahay walang katao tao dahil nagwo-work na si Papa at si Jean na kina lola nagbabakasyon dahil sembreak pa.

Nagkulong ako sa kwarto ko.

Maya maya pa nag-ring ang phone ko si Xander.

"Mandy , nandito ako sa tapat ng bahay nyo." Dali dali akong lumabas para papasukin siya.

Kasama nya ang asawa nya "What's with that face Mandy ? Tumawag si Zach sa akin." Maybe sinabi nan i Frances na iniwan ko siya sa Tagaytay habang tulog siya.

Pumasok kami sa bahay saka ko niyakap si Jenny hinagod nya ako "I gave up already I accept the fact." I said patuloy pa rin ang tulo nang mga luha ko.

"Sis , you deserve to be happy." Jenny said.

"ayokong masabihan ng ganun si Frances mahal ko siya kaya ako nagsasakripisyo ano na lang sasabihin ng mga tao diba ?"

Pinupunasan ni Xander ang mga luha ko.

"Don't worry gagawa ako ng paraan magpa-annul ka na. ako na ang bahala wag ka lang umiyak."

"No you don't have too. Sa batas ng tao void yun pero sa batas ng sa itaas hindi. Xander ayoko ang mangalunya ako." Sabi ko.

I came from a Christian Family. Alam ko mali.

Pero hindi ko pinagsisihan ang kagabi nagmamahal lang ako pero una at huli na iyon. Kasalanan ang makipagtalik sa hindi mo asawa lalo na't hindi kayo kasal.

Dinamayan lang ako ng mag-asawa dito sa bahay pero hindi ko sinabi sa kanila ang nangyare kagabi.

**

"Cullen sa Pampanga ako mag-O-OJT." Request ko kay Cullen habang nasa office niya ako.

"Sige, mayroon namang staff house doon." Sabi niya "Thank you Cullen."

"Welcome , nauunawaan kita Mandy. Lagi ako nandito para sa'yo kapag may problem aka magsabi ka lang sa akin."

Pagkatapos ka sa opisina ni Cullen dumiretso ako kay Zach.

"Mandy ..." He smiled at me at ngumiti din ako sa kanya.

"May gusto ka bang kainin ?" He asked.

"Pag ba lagi ako pumupunta sa office mo pagkain agad ang ipinunta ko ?" biro ko

"Hindi naman I know what's your happiness right ?"

Tumango ako.

"Bakit hindi ka pa pumapasok sa office ?" He asked.

"Nagpaalam ako kay Cullen na sa Pampanga na lang muna ako mag O-OJT pumayag naman siya kaya maaga akong uuwi para magligpit ng mga dadalhin ko." I said.

"Hatid na kita ?"

"No , ako na nami-miss ko na ang long drive." Tumango naman siya.

"I have to go Zach." Paalam ko sa kanya "Kung maaga ka matapos sa pag-iimpake text mo ko ahh kakain tayo sa labas." Sabi niya tumango ako "Oo bibilisan ko hahaha !" I laughed.

SEPARATED WOMAN DIARYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon