S.W #16 Flashback I

109 4 0
                                    

MANDY'S POV:

Nasa office kasi ngayon ni Zach , Cullen at Zeus we're discussing something about a big client to deal with. "si Mr. Anderson gusto niyang maka-meeting sa deal ay si Mandy." Sabi ni Zeus "is He serious ?" Zach said tumango si Zeus "I will close the deal" I assure "Okay lang sayo ? Kasi Mandy baka hectic ang schedule mo" tanong ni Cullen pang 3rd year ko na sa College.

"Oo , tapos na ang examination week wala na din masyadong gagawin dahil semester break na I can help na" sabi ko. Yes nasa 3rd yr college na ako ang bilis nang panahon diba ? sa loob nang dalawang taon umiikot ang mundo ko sa school , church , family , friends at sa company nina Cullen minsan kasi pag wala akong ginagawa talaga nakikipag-meeting din ako about to close a deal. Halos ako ang hinihingi ng mga investors kaya kahit busy ako maralas binibigyan ko ng oras iyon. Tinatanong maralas ni Zeus kung hindi ba ako sa school sinasabi ko na lang na hindi kahit may mga paper works na dapat gawin.

Kung lovelife ang tatanungin wala ako. Like what I said may sarili akong mundo wala ang lovelife doon. Masaya naman ako kahit papano hindi ko kailangan ng ibang tao para maging masaya ako. Ano ang nagpapasaya sa akin ? Yung mga taong nakapaligid sa akin ay masaya sila sa buhay nila masaya na ako. Kung tinatanong nyo din kamusta kami ni Zach ayun neutral we're friends okay na okay na kami talaga nanumbalik ang friendship namin.

"Bukas ang meeting niyo you're going with my secretary" sabi ni Cullen tumango ako "You're always serious Mandy smile once in a while." Sabi ni Zeus lagi niya akong inaasar "Zeus pwede ba ?" I rolled my eyes "Epekto kasi yan nang walang lovelife e" sabat ni Xander na kakapasok lang sa opisina "Isa ka pang gago ka maka alis na nga kamusta mo na lang ako kay Baby Breanna" I said.

"Oo naman walang problema." Sabi ni Xander saka na ako umalis sa opisina ni Zach mag-go-grocery pa kasi ako . Nang nasa supermarket na ako I'm so happy mamimili ako nang pagkain ko dahil after ng meeting bukas uuwi ako agad agad para manood ng movies. Ohh speaking movies showing and fast && furious 7 ngayon. Binalik ko ang cart ko kasi ayaw ko bitbit ko ang pinamili ko sa grocery.

Bumili na ako ng ticket "Ma'am are you sure kayo lang po ?" tanong sa akin nang babae "Yes ako lang bakit mayroon ka bang nakikita na hindi ko nakikita ?" pagsusuplada ko. Hindi ko naman siya masisi na tanungin lang ako na ako lang kase lahat nang bumibili ng ticket may kasa-kasama pustahan ako na naman ang lonely na manonood. Papasok na ako kinuha ng guard ang ticket ko "Kayo lang po ba Ma'am ?" nakaka-irita na ahh "Yes I am." Sabi ko saka na ako nag-diretso sa loob ng cinema.

Ayy nako lahat occupied na ang mga uuggghh ! magba-barkada, magkasintahan at magkakapamilya lahat nang naka-upo kaya ginawa ko na lang na-upo ako sa may hagdanan perfect view naman ee I sat silently and pick some fries on the paper bag.

Honestly nagka-lovelife din naman ako kaso sandali lang ...

Flashback:

2 years ago

2 months nang maghiwalay kami ni Frances naging okay naman ako ee lalo na hindi ko na siya nakikita kahit iisang department lang kami dahil nag-intern na sya sa ibang lugar. Mas maganda talaga hindi mo nakikita ang tao para maka move on ka ng mabilis para hindi pabalik-balik ang feelings mo sa kanya.

Ginawa kong busy ang sarili ko para hindi ko sya iniisip at umuuwi ako sa bahay namin dahil nami-miss ko na ang luto ni Mommy ee Saturday lang ako umuuwi ng bahay o kaya kapag may quiz para makapag-review ng maayos dahil magulo ang kapatid ko.

Stay in na ako sa bahay.

Hindi ako makatulog nakita ko na naman ang pinsan ni Zach sa Fb he's so vulnerable kaya nag-decide ako na ichat sya

SEPARATED WOMAN DIARYWhere stories live. Discover now