S.W # 24 1 Corinthians 13:4-8

137 4 0
                                    

Mandy

Dahil sa busy ako sa OJT hindi ko na rin naiisipan umuwi sa Manila tutal marami namang church din dito nagpapa-alam ako kay Papa na hindi na muna ako uuwi at busy silang pareho ni Tito ...

Ako na naman mag-isa non sa bahay. Si Zach miss na miss na daw ako hahaha sabi niya pupunta sya sabi ko wag na muna gusto ko muna mapag-isa at makapag isip isip pa ng mabuti.

Nagsimba ako dito sa may Pandan , Angeles sa Aldersgate ... Pagkatapos kong nagsimba dumiretso ako sa may Marquee mall para kumain ng lunch. Napili kong kumain sa Ningnangan (Ihawan) sa Funside the food was good ang sarap nang nakakamay.

Bumalik na ako sa staff house sa Clarkfield pagkatapos kong nag-grocery ng iilang kakailanganin ko maya maya pa may kumatok si Gerald anak ng katiwala dito sa Staff house "Ano iyon hijo ?" I asked him "Pinapatanong po ni Lola kung nananghalian na daw po kayo." Sagot niya

Ngumiti ako "Oo tapos na hijo , sya nga pala eto pala para sa inyo pakisabi kay Lola salamat na lang. Mamaya sabihan mo si Lola na wag na syang magluluto ng dinner ko kakain tayo sa labas okay ?" binigyan ko ng groceries sina Lola Rosalia , mabait si Cullen good accomodations pa rin sya sa mga katiwala nya at yung mga Apo ni Lola Rosalia pinag-aaral ni Cullen sa isang sikat na paaralan dito sa Pampanga if I'm not mistaken Chevalier.

"Salamat po Ate Mandy." Tumango ako saka na sya umalis sinara ko na ang pintuan saka ako naupo sa kama ko humablot ako ng libro sa side table ko at nagbasa it's already 2:30 in the afternoon. Nagsi-uwian ang mga ibang natutulog dito sa staff house halos may mga asawa na ang iba at yung iba gimik days.

Zach

"Hindi umuwi si Mandy ?" tanong ni Tristan sa akin may gathering kaming magkakaibigan ngayon "Hindi e tinamad ata at para ma-miss ko daw lalo." Sabi ko "Oww poor Mandy okay na sana nila ni Frances kaso umayaw na talaga si Mandy dahil sa sitwasyon niya." Sabi ni Irish.

"Inaayos ko na ang annulment nya si Daniel na ang magpa-file nito." Sabi ko

"Papunta na daw si Frances dito." Sabi ni Zeus. Yes , Frances it's already member in our circle of friendship "Grabe nakaka-miss nga talaga si Mandy." Sambit ni Jenny

"Hayaan nyo na munang mag-isa ang tao saka aalagaan naman syang mabuti nina Lola Rosalia yun let her in peace muna guys." Wika ni Xander sa asawa saka nya niyakap ito.

Mandy is very important to us she's a loving and sweet friend sometimes masungit lang talaga sya kaya talaga miss na miss namin sya lalo na ang mga girls.

Maya maya pa'y dumating si Frances he looks so miserable at kulang sa tulog edi kung hindi mo siya iniwan noon na-process n asana ang annulment hindi kayo nagkaganyan ngayon wika ko sa isip ko.

Pag nagmahal kasi tayo kailangan natin tanggapin lahat sa taong yun. yung nakaraan past is past sabi nga nila importante yung kasalukuyan at ang hinaharap. Yung taong yun nagpakatotoo lang hindi na siya bumabaling sa nakaraan pero ikaw mismo baling nang baling sa nakaraan nya aba'y paano mo makikita ang pagkatao nya kung hindi ka focus sa kanya diba ? Atleast if a person had a bad experience from the past at sinabi nya sa'yo dapat mas lalo mo syang mahalin kasi totoo siya hindi sya naglihim at ikaw ang role mo ay samahan mo syang ayusin ang mga nasira sa kanya noong nakaraan.

Paano mo makikita ang kabutihan nya kung sa likod ka nya tumitingin diba ? Ikaw ba ay perpekto ? wala ka bang pagkakamali noon ? Love is all about acceptance at yung taong yun matapang kasi hindi siya takot magkamali at paninindigan nyang aayusin nya ang pagkakamaling iyon. Wag nating isumbat yung nakaraan ng tao imbes na mapabuti napapasama pa nawawalan ng dignidad sa pagkatao parang sa ginawa ni Frances kay Mandy ... He chose Cherry over Mandy kasi single ang civil status ni Cherry at virgin DAW.

SEPARATED WOMAN DIARYWhere stories live. Discover now