S.W # 21 Kiss

151 5 0
                                    

Mandy

Nagising ako nang tignan ko ang oras 7 pm na pala saka ang daming miss calls ni Frances at nag-leave na lang sya ng text

From: Frances

Pag gising ka na miss call mo lang ako para makapag-dinner tayo. Siguro tulog ka pa kaya di mo ako sinasagot.

I press the call ... mga tatlong ring din bago nya sinagot "Prepare lang ako sorry nakatulog ako." I said "okay lang maganda yan para makapag-pahinga ka. Hintayin na lang kita sa tapat ng pintuan mo."

"Sige ba-bye." Saka ko na binaba ang phone ko.

Nag-toothbrush ako at naghilamos ng mukha okay na din naman ang suot ko ee.

Saka ako nagsuot ng jacket dahil malamig ang klima ngayon sa tagaytay.

Binuksan ko na ang pintuan ko nakatayo si Frances saka may dala syang roses puti ang mga ito alam nya talaga ang gusto ko.

"for you."

"Thanks."

"Tara na kain na tayo baka nagugutom ka na."

Nasa rooftop kami kumakain napakaganda ng ambiance kaya hindi na muna ako magsusungit ngayon saka ang ganda ng music tapos ang view nakikita mo lahat ng ilaw parang mga Christmas lights.

Habang hinihintay namin ang order "Can we take a picture together ?" si Frances ang nagsalita "Okay lang." sabi ko tumawag sya ng waiter para kunan kami ng picture at tinanong nya ang wifi password binigay naman ng waiter.

Pinost nya agad ang picture namin sa Instagram at naka-caption

With my future wife Engineer Mandy Martin Garcia <3

"Sira ulo ka ba bakit mo nilagay yan ?" tanong ko

"Para wala ng umagaw sa'yo sa akin." Sabi niya

Hinawakan nya ang kamay ko

"Look Mandy I'm sorry pinagsisihan ko na yung ginawa ko noon hindi mo ba ako bibigyan ng chance ?"

Sakto dumating ang pagkain namin "Tara kain na tayo !" masigla kong wika saka ako nag-pray bago kumain.

Hindi muna kami nagkibuan alam nyang pag kumakain lalo na gutom ako gusto ko tahimik lang pero nahuhuli ko syang sumusulyap sa akin.

Pagkatapos namin kumain nagpapahinga ako ng kaunti dito sa labas papasok na rin nyan ako sa kwarto ko. "Frances , pasok na ako sa kwarto ko masama talaga ang pakiramdam ko." "Okay sige hatid na kita pag may kailangan ka tawagan mo lang ako." Tumango naman ako.

Bakit ngayon pa dumating to ?

Nakasandal ako sa headboard at nagbabasa ng libro napakalakas ng ulan biglang umulan ? Ayy naku pa-iba iba ang klima sabagay kahit tao pabago bago ng isip.

Tapos kumukulog pa grabe natatakot biglang bumukas ang pintuan ng terrace tumayo ako para isara yun lumilipad pa ang kurtina nakakakilabot tignan.

Napakatalim ng kidlat.

Tumakbo ako bigla sa kama ko saka ako nagtago sa ilalim ng blanket ko biglang may sumabog napasigaw ako ano ba naman to akala ko mag-e-enjoy ako sa tagaytay.

Tapos namatay ang mga ilaw.

Mas lalo ako nagtago sa blanket natatakot kasi ako sa kidlat ee dati kasi noong nagda-drive ako yung aso tinamaan namatay naawa ako sa aso.

"Mandy ! Mandy !" si Frances.

Nanginginig pa rin ako sa takot mayroon syang duplicate card sa pintuan ko sinabi nya kasi sa hotel na girlfriend nya ako pag may gusto daw ako para agad nyang mabuksan.

SEPARATED WOMAN DIARYWhere stories live. Discover now