Inner Self

9 0 0
                                    


Do i look happy? 

Maraming tao ang laging nagsasabi na ang saya kong tao. 

Jolly, Lovely and Sweet some personalities that they adore on me. 

Napakamasayahin, Napaka-strong.

Surely i look happy, but why my inner self is against of that? 

Pano ba naman kase ako magiging masaya kung wala akong kaibigan na malapitan kase

 natatakot ako, natatakot akong sabihan na ang 

'drama mo' 

na 

'okay lang yan lilipas din yan' 

na 

'ayan ka nanaman' 

o di kaya 'parehas lang tayo' 

hindi ba pwedeng makinig naman kayo sa hinanaing ko? 

Ayy, oo nga pala choice ko naman kase pala maging ganito, 

choice kong mapag-isa kaya kelangan pala ang sisihin ko ang sarili ko na malungkot ako, 

Oo nga pala ako kase ang pumili nito kaya kailangan pati yung lungkot sarilinin ko lang. 

Pero pwede bang tanungin nyo ko kung okay lang ako at makinig lang kayo? 

yung walang reaction na ang 'drama mo' kase seryoso ako, di ako nagbibiro. 

Kase sa totoo lang buti pa ang banyo, unan o kama, panyo, langit, mga ulap, bituin at buwan nakikinig sila, malamang nakakatakot naman kase kung sumagot sila diba? silly. 

Nakakalungkot man isipin pero nakakatakot maglabas ng saloobin sa tao.

Sa tuwing malungkot ako at alam kong gising pa ang lahat, umaga pa. 

Sa banyo ko nilalabas lahat ng hinanaing ko.

Lahat ng sakit, lungkot, regret, pagkamuhi. 

Yung tipong naliligo ako at todo kuskos ako sa balat ko kase ang dumi dumi ko ng tao,

masyado akong mapagkunwari, natatanong ko pa ang sarili ko sa tubig, timba, tabo at inidoro kung ako pa ba to? 

tas dun iiyak ng iiyak para pag lumabas na ng banyo di halatang umiyak ka kase may excuse ka na nalagyan ng sabon o shampoo ang mata mo kaya mapula. 

Sa gabi naman, impit na iyak ang maririnig sakin ng unan, kumot at kama, wag lang marinig ng bunso kong kapatid ang iyak ng ate nyang 'strong' daw. 

Gusto kong sumigaw, magliwaliw. Ngunit saan naman ako pupunta? 

kung bahay at skwelahan lang ang alam ko. 

Madalas tumatakbo ako, umaga at hapon. 

Tumatakbo ako hindi para magpapayat. Tumatakbo ako para takasan yung lungkot at sakit. 

Yung mga kaibigan ko, may mga kaibigan na ring bago, at kung magsabi man ako ng problema sakanila paniguradong iisipin nila na kailangan ko lang sila kaya lumalapit ako sakanila. 

Ang hirap naman magsabi sa mga magulang ko kung anong problema ko kase one time nagsabi ako ng problema ko na stress din sila. 

Ang hirap magsabi ng problema, ang hirap maging pabigat pa sakanila.

Kaya nga wala kang magagawa kundi sarilinin na lang, kaso ang hirap din pala pag napuno na, ang hirap sobra, 

 Gusto mong ilabas yung sakit ngunit papaano nanaman? 

Sa iyak at rants nanaman? 

Pero syempre kakayanin mo, mag-isa ka lang eh, mag-isang lumalaban. 

Kase yun ang gusto mo mag-isa, Choice mong lumayo kase lumayo na sila. 

Choice mong lumayo kase ayaw mo nang masaktan pa sila, maging pabigat. 

So dahil choice mo yun, lumuha kang mag-isa, makipag-usap sa langit, banyo at kama. 

Kayanin mo mag-isa. 

So do i look happy? 

I think yes to my outer self, but no to my inner self.  



Inner self
September 30, 2018

Rowdy MindWhere stories live. Discover now