"Cuz, okay ka lang?"sambit nya at umupo sa tabi ko.

"Hindi. Hindi ako okay hangga't hindi ko nakakausap si Calix." Sagot ko.

Hinagod nya ang likod ko. "Tumawag si Justine. Sabi nya ngayon na daw tatanggalin yung bala sa may puso ni Calix. Bukas malalaman ang resulta."

Nangingilid na yung luha ko. Kahit anong isipin ko hindi maalis na may chansang mamatay si Calix. Bala yon for goddamn sake! Hindi yun matatanggal ng basta basta!

"Pumunta tayo ng hospital. Kailangan ako ni Calix ngayon." Pilit ko.

"No. Hindi pwede. Kaylangan mo mag pahinga. Hayaan na natin sila don."sambit nya.

"Hindi! Kailangan ako ni Calix ngayon!"

"Tama na! Sa tingin mo ba matutuwa si Calix kapag nakita ka nyang nag kakaganito dahil sa kanya? Hindi! Kailangan mo mag pahinga! Bukas na bukas pupuntahan natin sya." Sabi ni Yeri at niyakap ako.

****

Umagang umaga gising na agad ako at naka bihis. Gusto ko nang puntahan si Calix.

Dumating kami sa hospital at bumungad samin si Bryan. Kagabi nag palit sila nila Timothy kaya naka ligo din sila at naka pag patuyo ng sarili bago bumalik dito.

"B-Bakit ganyan ang mga mukha nyo?"tanong ko.

Para silang namatayan sa itsura nila. Kinabahan naman ako bigla. Lumapit sakin si Justine.

"I-I'm sorry Azi.."

Nakagat ko ang labi ko. No. H-Hindi.. m-mali yung hinala ko diba? Buhay pa si Calix! Buhay pa sya!

Pumasok kami sa room ni Calix at nakita ko syang may taklob. Tumakbo ako papunta sa kanya at umiyak.

*end*

"Ano Azi? Ang bagal mo!"

Hindi nalang ako nag salita at pumasok na ako ng kotse ko. "Ang bagal! Mamaya tapos na yung libing wala pa tayo dun." Timothy joked.

Hindi pa rin ako nag salita. Alam ko namang nag jojoke lang sya to make me feel comfortable. Nginitian ko lamang si Timothy.

Nag simula nang mag maneho si Timothy. Naka tingin lang ako sa bintana. Naka rating kami sa sementeryo kung saan gaganapin ang libing. Naka suot kaming lahat ng white clothes. Bumaba kami ni Timothy. Kami lang dalawa kasi yung iba kanina pa nandito.

"Okay ka lang?" tanong ni Krystal ng maka lapit kami sa kanila.

Ngumiti ako at tumango sa kanya. Umupo na kami at nag simula na yung pari.

Hindi ko lubos maisip na hahantong ang lahat sa ganito.

"Azi? Tara na?"

Tiningnan ko si Angella. Tapos na pala yung libing. Tumango ako at umalis na kami doon.

Dumiretso kaming lahat sa hospital.

Pumasok kami sa room nya habang dala dala yung mga prutas na binili namin habang papunta kami dito.

Ngumiti ako sa kanya at lumapit. Ipinatong ko yung prutas na dala dala ko sa lamesa katabi ng kama nya.

"Kamusta ka?" Naka ngiti kong tanong sa kanya.

He smiled back and kiss my forehead. "Okay na ako. Andito ka na e."

Niyakap ko sya ng mahigpit. "Nakakainis ka. Lagi nalang nag papakilig." Sambit ko.

Natawa naman sya. "Atleast sayo lang."

This guy. Lagi nalang nag papakilig. I love this guy so much. Itong lalaking muntik na akong patayin sa lungkot at takot.

A-akala ko talaga nong gabi na yun wala na sya. Pinag babatukan ko pa sila isa isa non.

*flashback*

"Stop crying, troublemaker."

Nagulat ako sa nag salita. T-Teka..

"HAHAHAHAHA!"

"Damn it! Laugh trip ka Az!"

"HAHAHA! I can't stop laughing damn!"

Sinamaan ko ng tingin ang BTS at bumaling ulit kay Calix na naka ngiti sakin.

"I'm alive, wifey." Naka ngiti nyang sabi.

Hinampas ko sya sa may dibdib. Nakakainis!

Napa ubo naman sya dahil sa ginawa ko. "Ouch! W-Wifey naman! Nag rerecover palang ako oh!"

"Sorry!" At agad ko syang niyakap.

Yumakap sya pabalik sakin. "I love you, wifey."

"I love you too."

"Walang 'hubby'?"

Tiningnan ko sya at natawa. "Bakit naman kita tatawaging hubby?" pang aasar ko sa kanya.

He pouted. "Because I'm your husband?"

"Weh?"

"Aish!"

"Hahaha! Ito na nga! I love you hubby ko!" At hinalikan ko sya sa labi.

"LIVE PORN! Yuuuuck!"

Pinuntahan ko ang BTS at isa isang binatukan. "Mga hayop kayo! Pinakaba nyo ako kanina!"

Tumawa naman si Kyle. "HAHAHA! Wag kami sisihin mo! Yung asawa mo!"

Hindi ko alam kung mamumula ba ako dahil dun sa 'asawa' thing o maiinis dahil pinag mukha nila akong ewan.

Instead na mainis. Naging thankful ako dahil buhay si Calix at nayayakap ko sya ngayon.

*end*

"Kamusta yung libing?"

Tiningnan ko sya at pinag kuha ng apple. "Maayos naman. Andun sila Queen at yung magulang nya."sagot ko.

Tumawa naman si Calix. "Syempre nandun yun. Pamilya nila yung inilibing e. Ikaw talaga."

Ay. Oo nga pala. Kanina kasi pumunta kami sa libing ni Quinn. Oo, si Quinn.

After mabaril ni Calix, binaril ni Allison si Quinn dahil babarilin ulit ako nito. Inunahan na sya ni Allison. After din non, nag usap na kami. Nag kaayos na kaming lahat.

"Mamaya, pwede ka na daw ma discharge." naka ngiti kong sabi kay Calix at binigyan sya ng slice ng apple.

"That's good. Makakasama ako sa vacation." sagot nya.

Tinaasan ko sya ng kilay. "Sasama ka lang pero hindi ka liligo."

"Ba't naman?"

"Basta. Bawal."

Umupo sya ng maayos sa hospital bed at nginitian ako. "Ito talagang wifey ko, haha. Maayos na ako oh. Ikaw na mismo nag sabi na pwede na ako ma discharge." Sabi nya at tumawa ng bahagya.

I pouted. Pinanindigan nya talaga yung pag tawag sakin ng wifey, huh. Hahaha.

"Hoy love birds! Dalian nyo na at aalis na tayo!"

Epal talaga 'tong si Timothy.

Tumayo na ako at inayos na yung mga gamit.

After namin mag ayos kakalabas lang ni Calix sa banyo dahil nag palit sya ng damit. Lumabas na kami ng room at dumiretso sa kotse pauwi.

I guess this is goodbye.

The end.










Pero joke! Mga hangal may vacation pa! See you there!

NYF2: Fangirl inlove | ✓Where stories live. Discover now