Chapter 31

148 4 0
                                    

Daniel's POV

"Sir nasa meeting room na po si Mr. Heart,"sambit ng sekretarya ko ng maka pasok ako ng company.

Shit. Ang aga pa ah? Akala ko ba 8:00? It's only 6:57 am.

"Okay okay,"

Dumiretso ako sa meeting room and as expected andito na nga si Mr. Heart. Pumasok ako at nag bow sa kanila.

"Let's start this Mr. Jeon. I have a flight on 8:30 kaya inagahan ko na ang punta dito,"sabi nya.

Nag simula na kaming mag meeting at puro tungkol lang naman sa business ang pinag usapan namin. Syempre. Tch. Wala akong alam kung sino ba 'tong Mr. Heart na 'to pero ang alam ko lang, I need to act respectful in front of him.

"Meeting dismissed," sabi ko at inayos na ang mga papeles na ginamit namin.

Papalabas na ako ng meeting room ng may tumawag sa kanya. I don't eavesdrop at hindi ko sinasadyang marinig ang pag uusap nila dahil naka loud speaker din si tanda.

"Sir wala pa po kaming balita,"

"Fvck it. Gawin nyo ang lahat basta mahanap nyo ang anak ko! Damn!"

Aba si tanda marunong din mag mura. Hindi ko na sya pinansin at umalis na. Nabigla naman ako ng may bumangga sakin kaya tumilapon ang mga papeles nyang dala. Yung secretary pala. Mukhang nag mamadali kaya tinulungan ko ng mag pulot ng mga papeles.

Nung pinulot ko yung huli, ibibigay ko na sana kaso bigla syang nawala. Tiningnan ko yung papel na hawak ko.

"Willard Heart's background."

Aziriel's POV

Hindi kami pumasok ngayon dahil nandito kami sa bahay. Kasama si Queen.

"So tell us something about your evil twin,"panimula ni Juliane.

Napa ngiti ako. Kahit kailan talaga 'to. Kaya siguro kami naging mag bebestfriends. Mag kakaugali. Straight forward. Bitch. Troublemaker. San ka pa? Sa Valkyrie na. Except sakin at kay Juliane kasi lagot kayo kay Calix at Timothy.

Queen sighed and sits properly. "She's the long lost Heart."panimula nya. Hindi kami sumagot at sinenyasan syang ituloy lang.

"Sa pag kakaalam ko matagal na syang hinahanap ni Dad at Mom. Hindi naman kasi gusto ni Dad at Mom ang pinagawa ng lolo namin na ipatapon sya sa Bangtan Village. Napilitan lang sila dahil kapalit non ay ang magandang buhay ni Quinn. Pinangakuan ni lolo sila mommy na kapag andon na si Quinn, magiging maayos ang pamumuhay nito at hindi na kaylangang mag tago. Pero hindi. Lalong sumama ang ugali ni Quinn dahil sa galit sa pamilya namin. Napaka bubbly nya noon. Pero nung dinala sya sa BV, nag iba sya."sabi nya at medyo naluluha na.

Shocks. Ano kayang feeling ng may kapatid?

"Tungkol samin, she didn't know na may kambal sya dahil noon palang bukang bibig na daw ni Quinn na sana wala syang babae'ng kapatid para hindi rin maranasan ang nararanasan nya. Ang sinabi nila mom ay may kapatid lang syang lalaki at nasa ibang bansa ito't nag tatrabaho. Nung time na nawala sya sa BV pinahanap sya ni Daddy sa mga taohan nya at sinabing handa syang ibigay ang lahat mahanap lang si Quinn. Saksi ako sa pag hihirap ng pamilya namin dahil sa pag kawala nya kaya ngayong nakita ko na sya.. please tulungan nyo akong mapalapit sa kanya." Sagot nya at umiyak na.

I understand her. Ang tagal nilang hinanap si Quinn at ngayong na kita na sya ni Queen, hindi na nya palalampasin pa ang pag kakataong ito at kakausapin na agad 'to.

Tumayo si Calix kaya napatingin kami sa kanya. "We'll help you talk to your twin in another one condition."

Napa angat naman ang tingin ni Quinn. "Anything.."

"Help us find her."

NYF2: Fangirl inlove | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon