Biglang na namang nag replay sa isipan ko yung mga nangyare kagabe sa min.....Napapangiti ako ng di maiwasan. Kusang napupunit ang ngiti sa labe ko.


Hindi ko lubos maisip na magagawa nameng dalawa yun. You know naman na first time nameng pareho yung naging ganap namen. Pero namamangha ako dahil sa ginawang "pagtrabaho" ni bea, parang expert na sya sa mga ganung gawain. Iba yung galawan nya kagabe and....And aaminin ko. Nasatisfied naman ako. Hihihi....😜✌


Hala! Ano ba tong naiisip ko? Ang aga naman para sa mga ganong thoughts. Kaya agad ko ding ipinipilig ang ulo at saka napapa face palm na naman.


Papunta na ko ng bathroom para sana makapag ayos na ng sarili dahil babalik na nga kame sa manila. Saka ko na lang gigisingin ang isang ito pagkatapos ko pero may naramdaman akong masakit.


"Ahh.....Shit!" ako at muling napa upo sa bed. "Ah---raay!" impit ko.


Napangiwi ako at napahawak sa may puson ko. Mukhang alam ko na kung san masakit sa kin. Mukhang tinodo talaga ni bea kagabe , naalala ko, naka dalawang rounds kame ng damulag na to pero nananakit eh. Masakit sya. As in.


Humugot ako ng isang malalim na hininga  bago dahan dahan tumayo at naglakad papuntang cr. Naghalf bath na lang muna ako, later na lang ako maliligo pagkatapos ng training namen saka kelangan ko na ring gisingin ang damulag na humuhilik pa rin ngayon dun. Naging maayos naman na ang pakiramdaman ko, hindi na sya kase ganong kasakit ngayon. Medyo okay naman na. Kaya ko na.


"Hey, bea..." saka ko mahinang niyugyog ang braso ng babaeng ito.


Tama nga ako, ang sarap pa rin ng tulog ng babaeng ito. Bahagyang nakanganga pa nga ito habang nakataas na ngayon ang dalawa nyang braso sa ulunan nya. Napagod nga ang damulag kase naghihilik eh, pag gantong naghihilik si bea ay siguradong napagod ito. Madalas kaseng maghilik ito pag nasobrahan sa pag inom at sobrang pagod sa mga naging activities nya whole day......eh......di naman sya nakainom kagabe, yun nga lang.....Napagod sya.....


( Ahh....Napagod sa naging "activities" nyo kagabe and kaninang midnight. 😊 )


Parang ganon na nga. Hehehe..... 😅😜


( #Napagodsibea  Ahahahahaha.... )


Ewan ko sayo. Hmp!


Muli ko syang ginising, kelangan na nyang magising dahil lumalakad ang oras at malayo pa ang ibabyahe namen. May hinahabol kameng morning training, bawal ma late nga di ba kaya tinampal ko ang braso neto pero tanging ungol lang ang sinagot ni bea saka muling natulog. Kaya naman ay inupuan ko na sya at mahina kong tinapik tapik ang pagmumukha ng damulag pero hindi umepektib dahil ni ungol ay wala na.


Hay naku naman! Nahimbing ulit ang damulag.


Gigisingin ko na sana ulit ng mapahinto ako sa binabalak ko, ewan ko ba pero mas gusto ko syang pagmasdan ngayon. Pinagmamasdan ko ang himbing nq himbing pa ring si bea.....O mas magandang sabihing mine-memorized ko na ang lahat ng features nya ng ganto ng kaaga ngayon. Napangiti ako ng mapait.


Weird ba? Ayoko lang kaseng may makaligtaan ako kung sakaling......kung sakali mang..... Saka napabuntong hininga na naman ako. At di ko na naman mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko sa mata.


Baka sa susunod ay di ko na magawa pa ang ganto.....Yung gantong kalapit sa kanya. Kahit sabihin pang magkasama kame......kung di naman kame magkakaroon PA ng gantong moment, balewala din naman yun. Kaya nga susulitin ko na ngayon......hanggang kaya ko pa.....hanggang may oras pa ko......may ilang oras pang nalalabi sa min dalawa.





Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now