Chapter 6| Its Been Awhile

ابدأ من البداية
                                    

"Ano naman pake mo kung yun yung favorite word ko ngayon?!" Sabi ko. "Tss." Sabi niya.

Na sa harap ko lang yung car ko, bigla siyang sumakay sa kotse niya. Magkatabi lang pala kami ng pinag-parkan.

May pagka sports car yung car niya, actually, sports car yung car niya. Color blue, Mustang yung car niya. Sa bagay, di na ako magtataka. Mayaman siya eh.

Inistart niya na yung car niya, binaba niya yung window niya. "See you next time." Sabi niya. "Kung may next time pa!" Sabi ko naman. Tumawa nalang siya.

Sumakay na ako sa kotse ko. Gusto ko malaman kung saan na siya nakatira ngayon eh, kaya sinundan ko siya ng patago. Sana di niya mapansin.

Hangga't sa nakarating na ako sa bahay nila. Nag stop muna ako sa harap ng bahay nila. Binuksan na ng guard yung gate para makapasok si Kaizar.

Bumaba siya ng kotse niya, tapos lumabas siya ng gate. Nakatingin siya sa kotse ko. Patay! Nahalata niya ata!

Naglakad siya papunta saakin. Kumatok siya sa window ko, binaba ko naman yung window ko.

"Sabi na nga ba susundan mo ako eh." Sabi niya. "Eh, wala kasi ako magawa eh." Sabi ko. "Ganun ba?" Sabi niya, mag sasalita na sana ako. Kaso biglang may dumating.

Isang kotse, may bumaba na isang lalaki. Tinaggal niya yung sunglasses niya. Daddy ni Kaizar.

"Cember? Ikaw ba yan? Long time no see." Sabi ni tito. "Oo nga po eh." Sabi ko, ngumiti nalang si tito. Tapos biglang may pumunta din saamin. Which is yung mommy ni Kaizar.

"Cember!" Nakangiting sabi ni tita. "Hi po, tita." Sabi ko. "What are you doing here? Bakit hindi ka muna pumasok sa bahay namin?" Sabi ni tita.

"Ay naku, hindi na po. Aalis na din po ako eh." Sabi ko. "Ngayon na nga lang ulit tayo nagkita eh. Tatanggi ka pa." Sabi ni tita.

"Sige na nga po." Sabi ko. Di ko naman pwede tanggihan sila tita. Pumasok na kami ng bahay nila. Ang ganda ng loob. Wow.

Pinaupo muna ako ni tita sa sofa nila, katabi ko si Kaizar ngayon. "Sandali lang, Cember ah. Palit lang ako ng damit." Sabi ni tita. Tumango nalang ako, umakyat muna si tita at tito.

Kami nalang ni Kaizar ang natitira ngayon. "Pahiram phone mo. Lowbat na kasi ako eh, kaya nagchacharge yung phone ko ngayon. Please, may titignan lang ako. Di mo na kailangan iano yung password. Gusto ko lang malaman kung anong oras na." Sabi niya.

Binigay ko naman ito sakanya.

Biglang may pumasok sa pintuan. Isang babae. Nilapag muna ni Kaizar yung phone ko sa table na kaharap namin. "Kaizar!" Sigaw neto, pumunta siya kay Kaizar. Nag hug naman silang dalawa.

Sino toh?! Ano ginagawa neto dito?! Ano kaya yung relasyon nila? Sila ba? Magkaibigan lang ba sila?? Bakit ba ang daming tanong sa isip ko ngayon?!

"Uhm, sino siya?" Tanong ng babae. "My best friend, si Cember." Sagot naman ni Kaizar. "Oh. Hi Cember." Sabi ng babae. Nag smile nalang ako sakanya.

"Oh, nandito ka na pala, Maine." Sabi ni tita. "Oh, hi po tita." Sabi ni Maine. "Mag lunch na muna kayo, Cember at Maine." Sabi ni tito. "Ay hindi na po. Kailangan ko na po talaga umalis eh." Sabi ko.

"Ganun ba? O sige." Sabi ni tita. "Sige po, mauna na ako." Sabi ko, nag paalam na ako sakanila. Pumunta na sila sa dining, nakaupo na sila. Ready to eat na sila.

Narinig ko silang nag-uusap pero di ko na inintindi pa iyon, papasok na sana ako sa kotse ko, kaso, narealize ko...naiwan ko pala phone ko. Bwiset naman.

Bumalik ako sa loob, pag kuha ko ng phone ko. Narinig ko yung pinag-uusapan nila. Tungkol kay Maine at Kaizar.

"Pagkatapos niyo mag college, we will prepare everything. Para sa kasal niyo." Narinig kong sabi ni tita.

Kasal?! Ikakasal na agad sila?! After college?!

"Mom, malayo pa naman yun eh. Kumain nalang po muna tayo." Sabi naman ni Kaizar. "Uhm, I'm so excited for it!" Sabi naman ni Maine.

"Sige, next time na natin yun pag-usapan." Sabi naman ni tita. Lumabas na ako ng bahay at nag drive na ako pauwi.

Grabe, kasal agad. Wala man lang siya sinabi saakin na ikakasal na pala siya after college. Loko talaga yung lalaking yun. Argh!

He's Backحيث تعيش القصص. اكتشف الآن