Candida 2:Meet Candida

4 4 0
                                    

Siya daw ang hinahangaan ng mga kalalakihan at kinaiinggitan ng mga kababaihan dahil sa taglay niyang kagandahan pero tila ang lahat ay na kukuryosohan sa kanya.At bakit ang lahat ay tila ngangangambang lapitan o kausapin man lang siya.Siya ay namumuhay ng mag-isa.Nakikitang naglalaba at naliligo sa sapa.Nangangahoy sa kakahuyan at namimili sa palengke sa kabayanan.Sinasabi nilang nakatira raw ito sa gubat.Pero walang nakakaalam kung saan.Nalaman lang nila ang pangalan nito sa tanging kaibigan daw nito.Hindi nila alam ang trabaho nito at kung may mga magulang pa ba ito.Ang lahat sa kanya ay misteryoso.Minsan siyang pumunta sa bayan at parang ang lahat ng tao ay nahipnotismo sa kanya.Ang malarosas niyang amoy.Ang balingkinitan niyang katawan,Ang morena at makinis na kutis,katamtamang taas ang mapupungay niyang mga mata.At nung araw ding yaon ay nagtaka si Ismael na pagdating niya sa bayan ay nakatingin sa iisang direksiyon ang mga tao.

Naisip niyang baka si Candida iyon.Napansin niyang ito ang babaeng nakatalikod habang bumibili ng isda.Tila sa amoy pa lang ng dalaga ay naakit na siya pero hindi siya nagpahalata.May mga matang nagnanasa sa dalaga at mayroon ding mga matang nakatingin ng may poot.Nang papaalis na si Candida ay doon pa lang siya natauhan at unti-unting bumalik sa kani-kanilang ginagawa ang mga tao.Sinubukan niyang sundan ang dalaga pero biglaan na lang itong nawala.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 27, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

CandidaWhere stories live. Discover now