I exited the hotel lobby and hailed a cab. What a perfect ending to our post 8th anniversary dinner.

The next morning, I booked a flight to Korea for the following weekend. I needed to get away. My mom kept bugging me with questions when I got home in a cab. She was in my room the next morning asking why Tyler sent over dozens of pink flowers. I told my Mom we were over and asked her to leave my room. When I told her at dinner that I was going to fly out of the country for a while, she wasn't surprised. She was used to me travelling alone and I guess, Mom knew I needed time by myself.

I stayed in South Korea for 2 weeks and just came back this weekend. I didn't even get the chance to tell my girls about what happened. I sent them all the same message before I boarded the plane, "Going to Seoul for a while. Single again. If Tyler calls you, don't mind him. See you when I get back!" then I turned off my phone the rest of the trip.

Come Friday evening, we were at our favorite café while having our cars washed. Everyone opened up their schedule to meet with me. They were so anxious to hear about what happened. My girls - Nadine, Sophie, Julianne. All present.

"What in the world happened??!" tanong agad ni Sophie pagkaupo na pagkaupo namin.

"We were practically planning your beach wedding and the names of your cute little babies!" hirit naman ni Julianne.

"Zelene, ano ba yan?!" singhal sa akin ni Sophie, my bestest friend.

"High ka ba? Nakasinghot ka na naman ng sapatos? Tigilan mo na kaka-sunog ng mga designer shoes mo. O may bagong prescription ka na naman ng gamot at ito ang side effect?" eto talanga si Nadine napaka creative.

"Well, I missed you all too." I said dryly.

"Di tayo nagkita ng ilan buwan tapos may post ka pang collage na happy 8th tapos BREAK NA?! ano yan?!" sabi ni Julianne

"Nagising nalang ako na ayoko na kay Tyler." Hinalo ko ang kape ko.

"Bumalik ka na naman ba sa pagiging Samantha Jones mo?" pinandilatan ko si Sophie. Wow, ang Samantha Jones na Zelene ay matagal nang hindi lumalabas. Halos 8 years na.

"May bagong boylet? O may nagbalik?" pag-usisa ni Nadine.

"AS IF naman I'd take them back pag may bumalik!" agad kong sagot.

"Ay oo nga pala, ito si no return no exchange" Never akong may binalikan sa lahat ng relationships. Pag break. Break. That's it, pansit. Hindi kasi ako naniniwala na magagawa mong makipaghiwalay or even maisip mo man lang na makipaghiwalay sa isang tao kung totoong mahal mo ito. Kahit gaano ka kagalit or hurt, dapat ingat sa mga lalabas sa mga bibig. Kung nakipaghiwalay ka, siguraduhin mong sure ka! Walang bawian.

"So... yun talaga ang reason mo? Pagod ka na? Fed up?" tanong ni Nadine

"Namiss ko maging single." Napabuntong hininga ako.

Napagod lang talaga ako sa lahat ng detalye ng buhay siguro; isa si Tyler dun. Kaka-resign ko lang sa trabaho ko sa isang advertising firm. Ang parents ko naman pine-pressure ako na pamunuan ang mga negosyo namin. Nag-iisip na din ako kung tutuloy ba ako sa Grad School o sa Law School. FML.

"Kung kelan lahat kami may asawa na at ehem, ka-relasyon saka mo gusto maging single?" bulalas ni Julianne.

"Kung kelan ka mag-31 at in between careers? Midlife crisis ba yan?" si Sophie naman ang humirit.

"Grabe dami nyong sinabi. Nakipag break lang ako, parang di kayo sanay. Di ba after break up ano ba diba? NEXT!! Ganon!" pag pitik ko ng kamay sa kanila.

"Girl, 8 years kayong magjowa. Natural ma-shock kami. Yun asawa ko nga halos mabilaukan sa wine nya nung sinabi ko." Bungad ni Julianne.

"Yun asawa ko pala, pinapasabi na mag-iinuman daw kayo bukas kung gusto mo, kung gusto mo daw araw araw basta sa bahay namin" sabi ni Nadine

"Ang supportive talaga ng mga asawa nyo. Nakalimutan ata nilang hindi ako nainom dahil lang malungkot or kung anuman trahedya." Drinking buddies ko si Louie at si Jordan pati yun ibang barkada nila. Being the one girl sa barkada ng mga asawa nila na malakas uminom. Sinasama nila ako sa mga session nila kaya't kahit mga kamag-anak nila ay alam na kaya kong uminom ng matagal.

"Eh okay ka lang ba talaga?" Nadine asked. Seryoso niya akong tinitigan. I can never hide anything from Nadine.

Natahimik ako. I wasn't sure how to respond. Okay ako, medyo relieved? Malungkot. Masakit din. Pero paninindigan ko to.

"Of course I'm okay" I assured her. Or myself.

"Ulol mo." Sagot nya. Nadine and I were the kind of friends na wala nang kailangan sabihin. It's like one knows exactly what one is feeling.

"Tae mo okay nga lang ako!"

Si Julianne at ako, halos limang kalsada lang ang layo sa isa't isa habang lumalaki. Madalas kami sa bahay ng isa't isa. Si Sophie at ako, vibes na vibes na lahat umpisa palang; same wavelength agad. SI Nadine naman at ako, kakaibang bond; madalas ding on guard kami sa mga nararamdaman namin pero alam na namin agad ang nararamdaman ng isa't isa. Halos pareho kami pero may pagkakaiba.

"Desisyon mo yan panindigan mo. Wala naman makakapagbago ng isip mo." Dagdag niya.

"Salamat sa suporta. Sa susunod na eleksyon wag nyo kong kalimtan!" biro ko habang nag-ffistbump sa hangin.

"Wala kang pag-asa, Zelene!"

The night went on as usual, full of laughter and a lot of catching up. Our friendship has occasional drama, but no one is allowed to cry because of heartbreak or a break-up. Ako pa ang unang babatok sa iiyak. Heartbreak is not a sign of weakness; sabi ko sa kanila noon, sign yun na malakas ka. Malalaman mo na ganoon ka katapang to let go at ganoon ka rin katapang para maramdaman at maranasan ang sakit na kaakibat nito.

I live by certain life rules. Wag aamin. Never assume. Huwag papahuli, at kung mahuli ka, never confess. Kung may siraulong manloko sayo, susunugin ang kotse o bahay. Mga payo yan galing sa Uncle at sa Dad, given to me when I was 12. Na-perfect ko na siguro ang laro ng pag-ibig at pakikipagrelasyon. Madami na din akong seryoso at hindi masyadong seryosong naka-relasyon. I don't have a bad reputation though, because I can be quite discreet. I do have a bit of a player rep but I think the 8 years with Tyler slowly erased that. Despite being with anyone, I don't even bring dates in any of the important occasions. As much as possible, hindi ko sila kasama kahit pa imbitado sila; I try not to depend too much on someone else.

Maayos ang umpisa namin ni Tyler. Mabuti kaming magkaibigan, nagsimula kaming lumabas na kami lang, walang ligawan; isang gabi nalang tinanong niya ako kung pwde niya ba akong maging girlfriend, um-oo ako. We seemed happy to most people. Ewan ko lang kung ano pa nga bang kulang. Hindi ko naman nagawang sabihin sa kanya na medyo... ewan ko.. di ko alam.. parang... empty?

-----------------------

Gong Yoo as Tyler Reuben Chen

All Strings Attached (taglish)Where stories live. Discover now