Kabanata 1: Ayokong Lumayo

9 1 0
                                        


" He's not my first crush , first love nor my first heartbreak. He's just my stupid second crush , stupid second love but break me into stupid pieces ...."

Kailan kaya muling makakatawang

Hindi ko pinipilit,

walang lungkot na sumisilip?

Kailan kaya muling makakamit

Ang iyong yakap at halik nang hindi sa

panaginip ?

Kailaaaaann? Kailaaaannn? Kailaaaann ang Dating Tayo ...

Marahas kong pinalis ang mga traydor kong luha na tumakas sa mga mata ko. Bushet naman oh. Sa milyong milyong kanta sa mundo, bakit iyan pa ang pinatugtug ng tsuper ng jeepney na'to? Nananadya lang ?! Nananadya ?! Natigil ang paghahalungkat ko sa dala kong bag dahil sa paghahanap ng panyo ng marinig kong nagbubulung- bulungan yung dalawang estudyante sa harap ko.Teka, bulong pa ba yun? Parang hindi na eh.

"Ano ba yan girl? Iiyak na lang sa jeep pa?Tsk." chismosang palaka no. 1

"Sinabi mo pa. Baka iniwan ng boyfriend niya?Sabagay, di naman siya maganda."chismosang palaka no.2

Aba't tumawa pa talaga ang dalawang to ah.Ang kakapal din. Kala mo kung sinong maganda. Kala mo kung sinong mga santo eh halos mapunit na yung palda nila sa sobrang iksi.Teka estudyante ba talaga ang mga ito? Mukhang clown eh.Lakas makapag dive sa foundation.Parang binugbog yung labi at pisngi, ang pupula.Anlalaki ng hikaw.Kala mo naman hulahoop.Tss.

"MANONG!PARA!!" Sigaw ko sa loob ng jeep na naging dahilan sa biglaang pagpreno ng sasakyan.Halos sumubsob na yung iba sa kani-kanilang mga katabi dahil dun lalo na yung dalawang echoserang palaka na natumba pa sa inuupuan nila.Tsk.Buti nga.Bleh.Buti na lang mahigpit yung kapit ko dito sa bakal na malapit sakin.

"Ouch.May sugat ako."daing nung isa.Poteks, ang arte pa ah.Umirap ako sa kawalan at pinagpag ang palda ko.

"Hoy ikaw.Kung broken-hearted ka man o ano, wag mo ng dalhin yan dito at---"Nanliit ang mga mata ko na bumaling sa echoserang ito.

"Hoy karin.Excuse me ah?Di ako broken-hearted , napuwing lang teh! Pagamit ng common sense minsan ah.At ikaw..."Pinandilatan ko yung isang echosera at bahagyang tumaas yung kilay niya.

"Alam kong may boyfriend ka.Psh.Iiwan ka rin niyan.Walang Forever."

Pagkatapos nun, hindi ko na alam kung gaano ba kailis yung mga paa ko sa paglakad para makababa at malayo sa lugar na yon.Sa jeepney na yon at sa mga echoserang palakang bwisit sa araw ko at sa kantang iyon na pinapaasa na naman ako.

Huminga ako ng malalim bago tuluyang pumasok sa classroom namin.Di pa nga ako nakakaupo ng bigla bigla nalang bumilandra ang pagmumukha ng unggoy na'to sa harapan ko.

"Hi Xaviiiii~ Good Morning!! " Umirap ako sa kanya at nilayo ang mukha ko sa pagmumukha niya.Di naman sa pagiging maarte pero di lang talaga ako sanay na malapit sa lalaki .

"Lumayo ka nga Aeiou."Nilagpasan ko siya at nilapag ang gamit ko sa upuan.Tiningnan ko ang oras sa relo ko at nalamang ilang minuto na lang ay magsisimula na ang klase kaya umupo na ako sa upuan.

"Ayoko nga.Ayokong lumayo."Singit na naman ng unggoy na'to at umupo rin sa katabing upuan ko at nangalumbaba.

"Ui, hindi ka diyan nakaupo.Umalis ka dyan."Bumaling ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay.Nahuli ko siyang nakatitig sakin kaya kumunot ang noo ko, ngunit umiling lang siya at ngumisi na naging dahilan para lumabas yung dimple niya sa magkabilang pisngi.

*LUNOK*

Jusko naman .Ba't parang may kung ano sa tiyan kong nakita ko siyang ngumisi?Naku, ba't ba gumagwapo siya sa paningin ko?Inhale.Exhale.Nag-iilusyon na naman siguro ako.

Tuamayo siya at umalis sa inuupuan niya.Nakahinga ako ng maluwag.Pero yung akala kong babalik na siya sa inuupuan niya ay hindi pala.Nilapitan niya yung kaklase naming katabi ko at mayroong sinabi at iminuwestra yung katabing upuan ko at upuan niya.Don't tell me na---- Na nakapagpalit siya ng upuan?Argh.Ang kulit.

Natigil ang pag-iisip ko ng pangiti-ngiti siyang bumalik sa upuang katabi ko dala-dala yung bag niya.Napailing na lang ako at hinalungkat yung bag ko para kunin ang notebook at ballpen ko para sa susunod na asignatura.

"Di mo ako pipigilan?" Tanong niya at nakadekwatrong umupo sa upuan.

"Bakit?Magpapapigil ka ba ?" sagot ko nang di tumitingin sa kanya pero ramdam ko yung titig niya sa akin at nakakailang yun.Di ko alam kung bakit.

"Hindi.Sabi ko naman sayo eh . Ayokong lumayo."Tumingin ako sa kanya at bigla na lang siyang kumindat .Aba! Ang lande talaga ng unggoy na'to !

Author's Note : Annyeonghaseyo! Sana nagustuhan niyo po ang pagsisimula .Please support my story and comment for the next update .Kamsahamnida!!!

Loving XavieraPovești de care să fii obsedat. Descoperă acum