Kabanata 19: Kaibigan

Start from the beginning
                                    

     Hindi kami makapagsalita kaya nagpatuloy naman si Shena. "It was really hard for him. Pero dumating ka Ate. Hindi ko alam kung paano mo siya na-inspire pero nang nagsimula kayong nagkausap sa phone, sumasaya siya. May mga problema pa rin, hirap pa rin siya sa pag-focus sa school at sa paghanap ng matitinong kaibigan, nag-aaway pa rin sila ni Papa minsan, at nauubos ang oras sa pag-aalaga sa 'min ni Mama, pero hindi siya tuluyang napariwara sa buhay."

     Ngumiti ako, hindi makapaniwalang malaki 'yung naitulong ko kay Chase. "Naniniwala akong hindi siya sumuko higit lalo para sa inyo..."

    "No Ate. Hindi mo lang alam. Pero napakalaki ng epekto mo sa kanya. Unti-unti siyang nagbago simula nang nag-college. Pero nang namatay si Mama, tumigil 'yung oras para sa 'min. Lumala lalo 'yung problema sa bahay kasi si Papa naman 'yung nawalan ng pag-asa. Mas lalo silang nag-away. Nagsikap na lang si Kuya sa pag-aaral. Matagal din bago natauhan si Papa, nagkaayos din sila kalaunan."

     I felt sad but I felt proud. Hinawakan ko 'yung kamay ni Shena. "Salamat sa pag-share. Sa kabila ng mga kwento mo tungkol sa pamilya niyo, mas proud ako sa 'yo na nalampasan mo rin lahat. Na-witness mo 'yung pagbabago ng mga mahal mo sa buhay. Siguradong mahirap din 'yon para sa 'yo."

     "I'm so proud of you..." sabi rin ni Jack sa kanya.

Chase:

Nandito na 'ko.

     "Nice..." sabi ni Jack at napatingin sa labas ng glass window.

     Nandoon na si Chase at kaka-park lang ng motorbike.

     "Alam ko kung alin 'yung tinutukoy mo Jack," sabi ni Shena.

     Napatingin tuloy si Elaine at na-gets 'yon. Ngumisi siya. "'Yung motorbike!"

     Ilang sandali lang, nasa loob na siya ng coffee shop at nahanap niya kami sa pagkaway ni Shena.

     "Chase pare." Si Jack. Nagbatian sila saglit.

     Kumuha naman muna si Chase ng upuan sa malapit.

     "Nanliligaw na ba? Kailan pa? Nung birthday ni Jack?" tanong ni Elaine.

     "Kami na po ang magkukwento sa 'yo Ate Elaine, may pupuntahan yata sila," sabi ni Shena.

     "'Wag niyo 'kong alalahanin kung may pinag-uusapan pa kayo," sabi ni Chase nang nakaupo na rin.

     Umiling-iling naman si Elaine. "No. Okay lang. Etong dalawa na rito ang bahalang magkwento sa 'kin."

     "Supportive din a," pang-aasar ni Jack.

     Natawa na lang ako sa mga kaibigan ko.

     "I believe hindi pa 'ko nakakapagpakilala sa 'yo. I'm Chase, nililigawan ko 'yung kaibigan mo," sabi ni Chase kay Elaine.

     Tumango-tango naman ang kaibigan ko, tila nag-isip. "You're straight-forward huh. Pakisabi naman sa friend ko sabihan ako kung sakaling sinagot ka na niya. 'Di nagkukwento," pagpaparinig niya.

     "Sige," nakangising sagot naman ni Chase.

     "Tara na nga," pag-aya ko sa kanya.

     Tumayo na siya at gano'n din ako. Nagpaalam kami sa mga naiwan at masaya naman silang kumaway.

     "Pakihatid si Shena, Jack," simpleng bilin niya.

     "Makakaasa ka."

     Nang nakalabas na kami ng coffee shop, dumiretso kami sa motorbike niya. Iniabot niya sa 'kin 'yung isang helmet at nagsuot din siya ng kanya.

Just TodayWhere stories live. Discover now