28 - Painful Decision

Start from the beginning
                                    

- - -

"Anong nangyari, Ya?" tanong ko habang nasa daan kami at kasama ko si Dada. Tinawagan ko si Yaya at nasabi niyang si Mama Amanda at Mang Julio ang nagsugod kay Jade sa hospital at naiwan ang mga bata.

"Hindi pa sila nakakaalis ng bahay, Althea pero kita ko nang hirap na hirap si Jade kaya kako ay tawagan ka at punta na lang kayo ng doktor pero pinigilan niya ako kaya ang Mama Amanda na lang niya ang tinawagan ko dahil nagpipilit pa ring ihatid ang mga bata sa school. Pagdating ni Amanda ay kinumbinsi na siyang magpatingin pero ang sagot lang ay hihintayin ka. Kaso nakita siya ng kambal na halos mahimatay na sa kwarto kaya antimano isinugod na nila sa hospital."

- - -

"I'm sorry, Althea. It was not detected at an early stage, Jade's life is in danger because of ectopic pregnancy. We need to act now or she'll be in great danger. She already had internal bleeding. We have no choice, you cannot keep the baby, hindi rin mabubuhay ang bata because the baby's outside her womb...I'm really sorry, Althea." Balita ng doctor at pakiramdam ko ay para akong nasakluban ng langit at lupa. Hindi ko magawang maniwala sa narinig ko, parang panaginip lang. "Althea...." Tawag ng doctor.

"H-how?...I mean...Why?" Wala akong mahagilap na sabihin.

"I already suspected that it was the case when she called me and asked about her symptons. Actually I asked her to visit the clinic often especially when she felt severe pains...But she said it's too early to come."

"P-pero wala siyang sinasabi sa akin..." sagot ko.

"M-maybe she thought it's just normal and like I said maaga pa para sa kanya."

"You should've called me, Doc."

"I'm supposed to, Althea. Kung hindi pa siya pupunta ngayon. I will really call you. You have to talk her, I already explained her situation but she insisted in keeping the baby."

"Is there really no chance for the baby?"

"I'm sorry Althea, wala sa tamang lugar ang bata. The baby cannot make it. Jade's life will be in danger kung patatagalin pa niya ang bata sa katawan niya. Tell me when you both are ready, I can't let her leave this hospital with her condition." Sabi ng doctor at hinawakan ang aking mga kamay "I'm sorry Althea, there is nothing we can do with the baby." Sabi nito at niyakap ako.

- - -

"No, Althea. I will keep the baby."

"Pinaliwanag na sa akin ni Doc. Lei, Jade and I know she explained to you, too. Hindi rin mabubuhay ang bata..."

"Maaga pa para sabihin nila yan..." she reasoned. She's now in a private room. I looked at Mama Amanda and worry is visible in her face.

"Jade, nahihirapan ka na. Namumutla ka na. You're bleeding. Pag tumagal pa you'll get worst and I won't let that happen."

"I'm alright, Althea. Normal sa akin ang makaramdam ng ganito."

"No, you're not. Please Jade."

"This is my body and my baby, Althea. Ako ang magdedisisyon." pagmamatigas niya at binitawan na ang kamay kong hawak hawak niya. "I will keep this baby..." Napalingon ako kay Mama Amanda at napapailing siya habang kita na ang sobrang pag alala sa anak.

"You're putting yourself in danger, Jade."

"I'm not, maaga pa para sabihin niyong hindi mabubuhay ang bata."

"Maaga pa pero nahihirapan ka na, Jade. We have to save you."

"No!" matapang niyang sagot. "

"Anak..."tawag ni Mama Amanda kay Jade.

Life With YouWhere stories live. Discover now