29 - Heart Over Hurt

6.1K 266 26
                                    

Jade

Nagising akong nauuhaw kaya bumaba ako at deretso sa kitchen. Baka nasa kwarto namin si Althea kaya ayaw kong pumasok doon, dito pa rin sa kwarto ng kambal ako natutulog. I feel so depressed of what happened, pakiramdam ko wala na akong silbi dahil hindi ko nabigyan ng anak si Althea. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko, hindi ko mapigilang mag isip at maawa sa sarili ko. Paano pag hindi na ako magkaanak? Will Althea find another woman? Nanikip ang dibdib ko sa isiping yon. I missed my baby, bakit siya nawala sa akin? Yon ang nasa isip ko habang naglalakad ako at hawak hawak ko ang tiyan ko. It's been 4 weeks or so pero pakiramdam ko parang kahapon lang ng nawala ang baby sa tiyan ko. Hindi ko nanaman napigilan ang umiyak. Heto at umiiyak ako habang pababa ng hagdan. Kahit si Sally ay nagaalala sa akin. Her constant visits and calls meant that she's not convince in my lies that I am well and ok. I sighed as I opened the fridge but just stood there staring what's inside. I couldn't remember what am I supposed to get. All my mind and emotions are still at that moment when I lost my baby. I've been praying for this feeling to go away pero bakit hindi mawala ang sakit. Naaalala ko pa rin.

"Please stop crying, Jade." I heard a voice at my back. It's Althea. I didn't move to look at her though deep inside I miss her so badly but afraid that time will come I'm might gonna lose her, too. Naramdaman ko na siyang nasa liko ko at ang mga kamay niya na sa magkabilang braso ko. "Try to calm down and take a seat." bulong niya habang inalalayan akong umupo sa upuan. "Can't sleep?" Mahina niyang tanong.

"I'm thirsty..." sagot ko lang but still not looking at her, my head bowed down. Pasulyap sulyap ko lang siyang tinitingnan mula nang manggaling ako ng hospital. Mahirap para sa kanya at ramdam ko yon pero bakit hindi niya akong magawang lapitan ngayon, tanong ko sa isip ko. Ilang linggo na niya akong natitiis.

"Ok, I'll get you a glass of water." mahina niyang sabi na nagpagising sa diwa ko. Ilang saglit pa ay nasa harap ko na ang isang baso ng tubig.

"If you don't mind, I will prepare you warm milk so you can go back to sleep." Alok niya pero hindi ako umimik, naramdaman ko muli siyang gumalaw sa kitchen. Matapos ang ilang minuto ay nasa harap ko na ang isang baso ng gatas.

"I hope you will drink that." mahina niyang sabi saka ko naramdamang humakbang siya papalayo.

"Bakit gising ka pa?" habol kong tanong sa kanya pero sa baso ng tubig at gatas ako nakatingin. Nanatiling nakatalikod sa kanya.

"Can't sleep..." sagot niya lang.

"Then you should be the one drinking this milk." Sabi ko.

"I...I think I need more than milk." sagot niya.

"And what is that?" tanong ko muli.

"It's not what..." sagot niya. Gusto kong itanong kung hindi what ay ano pero siya na rin ang sumagot."It's who..." mahina niyang sabi. Althea tawag ko sa isip ko. It's the same reason I can't sleep too, sagot ng isip ko.

"Why aren't you sleeping in our room?" pag iba ko ng tanong dahil napansin kong  hindi nagagalaw ang kama sa kwarto namin pag pumapasok ako doon pag umaalis na si Althea for work.

"I cant sleep there alone. I'm missing the one sleeping at the other side of the bed." sagot niya, napahawak ako sa aking dibdib. I missed you too, Althea. Pero natatakot ako.

"Then you're staying at the attic?" halos pabulong kong tanong muli na parang ayaw ko pa siyang umalis.

"No." sagot niya "Uhm, I'm sleeping at the sofa." Sagot niya. Kaya pala nakita niya siguro na may ilaw sa kitchen kaya andito siya. Bakit kaya dko siya napansin na sa sala natutulog? Ah oo nga pala maaga siyang umaalis at late na ring dumarating. "You should sleep in our room, Jade, so you'll be comfortable. I won't enter our room pag andon ka. Don't worry." dugtong niya at tuluyan na siyang lumabas ng kitchen dahil tumahimik na ang paligid.
Muling pumatak ang luha ko, paano kung sa katagalan ay ayaw na sa akin ni Althea? Bakit hindi na niya ako nilalapitan ngayon? Hindi sinusuyo? Pero bakit sabi niya namimiss na daw niya ako? Naiiling kong sabi. Matagal akong nanatili sa aking upuan, bago ako tumayo ay ininom ko muna ang gatas. Pero nagulat ako sa pagtayo at pag ikot ko ay andon pa pala si Althea.

Life With YouМесто, где живут истории. Откройте их для себя