26 - Tides and Waves

Start from the beginning
                                    

"I think you had enough for tonight. It's already late, matulog na tayo." aya ni Jade.

"We'll sleep after Aly here speaks of what she knows."

"Althea--"

"--C'mon Aly, tell me. Who's behind it."

"Let's sleep..."

"Bullsh.it---" nabulalas ko.

"Althea!" tawag sa akin ni Jade pero hindi ko siya pinansin. Dala na rin siguro ng alak kaya hindi ako papigil.

"Just tell me, Aly. Si Mr. Cruz ba?" tanong ko na sa mataas na boses. Pero nanatili siyang pipi. "Your silence is a yes." sabay tayo ko.

"Althea? Where are you going?" tanong ni Jade nang akma na akong lalakad.

"I will see to it na magbabayad siya." banta ko.

"You don't have to do that..." si Aly.

"And why not?" balik tingin ko kay Aly at tumayo na rin siya. Tumayo na rin si Jade at tumabi sa akin habang si Denise ay mahigpit ang hawak sa kamay ni Aly.

"Just don't..." halos pabulong na sagot ni Aly.

"I can do whatever I want in my company Aly..." paninindigan ko. "Kahit parusahan pa ang mga seniors..."

"Hindi mo na kailangan gawin yan, Thea..."

"Bakit nga?" pansin na nila ang inis sa boses ko. "May nagbabanta ba sa'yo?" tanong ko.

"No. Hindi. Wala. Basta hayaan na lang natin."

"Fu.ck it Aly...Hayaan? It almost cost you your engagement!" sigaw ko na.

"Althea!" diin ni Jade sa pangalan ko.

"Ok naman na di ba!? Engaged na kami ni Denise at maayos na kayo ni Jade!" sigaw pabalik ni Alyssa.

"Ganon lang kadali para sa'yo na palampasin yon!" Sagot ko sa mataas na boses at kita na ang pag alala sa mukha ni Jade at Denise.

"Love..." Tawag sa akin ni Jade pero parang wala akong naririnig.

"Who are you afraid of, Alyssa?" galit ko ng tanong.

"Wala akong kinakatakutan, Althea." galit na rin ang boses niya habang halos yakap na ni Denise.

"B-babe, I think you had enough already. Let's go to our room." Yaya na ni Denise.

"Kung hindi ka takot bakit ayaw mong malaman kung sinong may pakana ng nangyari?" Tanong ko pero hindi siya umimik kaya lalo akong nainis. "Kung ayaw mong sabihin. Fine. I'll find it out myself."

"Ang tigas talaga ng sintido mo noh, Althea!" sigaw na niya sa akin. "Sabi ng hayaan mo na. Bakit kasi kailangan mo pang balikan maayos naman na tayo!"

"Anong sabi mo? Mas matigas ang sintido mo dahil ayaw mong sabihin ang nalalaman mo!"

"Stop it! Please!" rinig naming awat ni Jade. "Baka magising ang mga bata. Althea, Alyssa."
Bigla kaming nahintong dalawa. "You both had too much alcohol. Aren't you both drunk before when that picture was taken? Histsura niyo doon para kayong honeymooners, tapos ngayon kung magbangayan kayo para gusto niyong magpatayan..." seryoso niyang sabi.
"Sana ganyan na lang kayo nong mga panahon na yon para hindi pa kayo na iskandalo."

"Iba noon, Mahal." sagot ko.

"Yeah, maganda ang usapan noon." dugtong ni Aly.

"Bakit maganda naman ang usapan niyo ngayon di ba?Pero humantong sa ganito dahil parehong ayaw niyong makinig sa isa't isa." Si Jade.

Life With YouWhere stories live. Discover now