Ang sanang TAYO

904 9 0
                                    

Ang sanang TAYO

By: me💗

Masama bang magmahal?
Hindi ko alam na ito pala ay bawal.
Bakit sa dinami dami ikaw pa?
Pwede naman akong mahulog sa iba.

Mahirap man paniwalaan,
Ngunit ito ang aking pinaglalaban,
Sa mundong ito na aking ginagalawan,
Ikaw ay ang aking naging sandigan.

Nagsimula ang lahat sa isang 'hi' mo
At agad na nagkakulay ang aking mundo
Gabi-gabi ako ay iyong pinapasaya,
At tingin ko ako saiyo ay nahulog na.

Sa iyong mga ngiti ako ay di makawala
Ang makasama ka'y para sakin langit na
Sa puntong yun ako'y naging kuntento na
Dahil akala ko lahat ay okey na.

Akala ko kasi may ibig sabihin
Ang bawat 'good night' na sinesend mo sakin
Akala ko'y parehas tayong may nadarama
Pero lahat ng iyon ay akala lang pala.

Kaya ang katotohanan ay sinapal ako,
Hindi pala pwedeng magkaroon ng tayo.
Pagkat may laman palang iba yang puso mo,
At ang masakit dun ay hindi yun naging ako.

Kahit na alam kong wala talagang pag-asa,
Ako parin ay nananatiling umaasa,
Umaasang mamahalin mo ako,
Tulad ng pagmamahal ko sayo.

Napakasakit talagang isipin,
Ikaw pala'y hindi pwedeng maging akin,
Kahit ano pala ang aking gawin,
'Kaibigan' lang ang kaya mong ibigay saakin.

Sabihin man nilang malandi ako,
Sabihin man nilang napaka-sama ko.
Ngunit ano pa bang magagawa ko?
E ikaw ang nilalaman nitong puso ko.

Alam ko tayo'y tinadhana para sa isa't-isa
Masakit, nakakapagod at nagdurusa
Ngunit pangako ko'y di ako susuko
Hanggang mabuo ang salitang 'tayo'

-
Sana nagustuhan nyo! 💗

All about Wattpad Where stories live. Discover now