*Sixty one.two: SOTW~holy light daggers *

Start from the beginning
                                    

This would be crazy. Pero ito ang paraang nalalaman namin para matalo namin lahat ng halimaw at dahil narin sa dugong ipinainom namin sa kanila na mismong nanggagaling sa aming lahat.

"We shall be regenerate, through the stone of light and the light from above. Heavens of holiness and light, give us this desire and help us to be revive." Bulong namin sa hangin at sabay sinaksak ang sarili na kung saan rin kami kasalukuyang sinaksak ng mga ugat.

Hindi rin nagtagal, naging maliliwanag na abo ang mga holy light daggers at deritsong hinigop ito ng aming mga sugat.

~Third Person's POV~

Umilaw ang kanilang buong katawan ng hinigop ng kanilang sugat ang naging makikinang at nagliliwanag na mga abo ng holy light daggers.

Hindi rin nagtagal, bigla nalang naging abo ang lahat ng mga halimaw at dahan-dahan na silang bumababa sa battle ground.

Hindi makapaniwala ang mga nakakita sa lahat ng mga nangyayari. Hindi nila maipaliwanag sa sarili kung totoo ba o hindi ang lahat. At kung paniniwalaan ba nila kaagad ang kanilang mga natunghayan.

Natanggal na ang mga nakagapos sa mga kalalakihan, pati narin ang barrier na ginawa ng reyna.

Agad nagmadaling pumunta ang mga kalalakihan sa battle field, patungo kina Violet, maliban nalang kay Hale na kinausap pa ng reyna.

~Hale's POV~

Nang sinabi ng Empress Amaterasu na pagkadating ng pagkadating ko sa clinic kapag babalik na ako doon, hindi rin tatagal, gigising na daw si Yoshin. Kaya agad akong nagmadaling bumalik sa clinic.

Pagkapasok ko, agad hinawi ang puting kurtina para makita kung gumising na nga ba si Yoshin. Pero malaking gulat ko ng pagtingin ko sa hospital bed, wala na siya.

Dumating si Miss Ella.

"Miss? Nasaan po si Yoshin?" Nag-aalala at nagtataka kong tanong sa school nurse. Ngumiti lang siya sa akin. Nagkasalubong ang mga kilay ko sa pagtataka sa kanyang tugon sa akin.

"Ako ba ang hinahanap mo? Nag-alala ka siguro ano?" Biglang salita ng tanong na sa likuran ko. Agad akong napalingon sa kanya. "O? Bakit para kang nakakita ng multo.?" Nakangiti niyang sabi.

Magaling na nga siya. Kaya agad ko siyang niyakap ng mahigpit. Tumugon narin siya at sabay hinahaplos ang likod ko.

"Pinag-alala mo talaga ako. Akala ko, huli na ako. Mabuti nalang dumating si Empress Amaterasu. Kung hindi, baka ako na ang masusunod sa hukay dahil sa pag-alala sa'yo. Akala ko talaga, mawawala ka na sa'kin." Ako. At ibinaon ang mukha ko sa may leeg niya at napaiyak.

I felt her chuckled and she embraced me, tightly.

"Hindi yun mangyayari. Kung mangyari man yun. Ayoko na muna sa ngayon. Gusto ko pang kasama ka ng matagal. Dadaan muna ang ilang libong taon, bago ako mawala sa mundo." Sabi niya na puno ng masayang emosiyon at talagang sigurado siya na mangyayari ang sinasabi niya.

Kumalas na kami sa pagkakayakap at hinarap ang isa't isa.

"Parang siguradong-sigurado ka sa mga sinabi mong ilang libong taon muna ang dadaan bago ka mamatay ha." Ako. Napatawa siya konti. Ngumiti siya ng makahulugan at kumuha ng blade sa isang drawer.

Bumalik siya sa pwesto kung saan ako nakatayo. Huminga muna siya ng malalim. At ikinagulat ko ang ginawa niya.

~Yoshin's POV~

"W-Wait. Anong gagawin mo sa bagay na yan?" Nagtataka niyang tanong. Ngumiti lang ako ng makahulugan at agad na sinugatan ko ang palad ko. Nambilog naman ang mga mata niya at talagang kitang-kita sa kanya ang pagkakagulat.

"See? Agad-agad na naghihilom ang mga sugat ko. Ibig sabihin..." Ako. Ngumiti ako ng matamis sabay hinawakan ang dalawa niyang kamay. At pinisil konti. "I'm in my immortal state, Hale!" I said happily.

"Really? P-Pero...pa'no nangyari yun?" Masaya pero may pagtataka parin niyang sabi.

"Dahil kanina, noong umalis ka, naramdaman ko na patay na ako. Temporaryong tumigil sa pagtibok ang puso ko. May bigla nalang akong naramdaman na isang mainit na bagay sa kaloob-looban ko. At nalaman ko, pinakain ako ni Empress Amaterasu ng bato. I mean, a gemstone ng holy light dagger. And after that, I'm in this kind of state!" Masaya kong sabi.

Niyakap niya ako dahil rin sa saya. Pero ramdam ko parin ang lungkot sa kanyang mga mata at sa kanyang kalooban.

Talaga bang...ayos lang na maging imortal na kami?

Ano pa kayang pagsubok ang darating sa amin?

This should be a crazy thing to say it, this time. But I'm so excited about the things, next to all of these things that are happening to us.

ACADEMY OF SUPREME POWERS: Legendary Supreme StudentsWhere stories live. Discover now