*Sixty one.two: SOTW~holy light daggers *

79 2 0
                                    

~Empress' POV~

" Empress Amaterasu." Sabay na sabi ni Mira at Haruka at sabay yuko bilang paggalang.

"Iangat n'yo na ang iyong mga ulo." Kalmado kong sabi.

Agad naman nilang iniangat ang kanilang ulo.

"Bakit po kayo naparito?" Nagtataka ngunit may pagkagalang parin ang pagkakasabi ni Mira.

Ngumiti lang ako. At tinignan ang mga nakagapos na mga babaeng estudyante sa battle field.

"Tinitignan mismo ang puspusang pag-ensayo ng ating mga bago at mahal na mga LSS. Gusto kong, mismo ako, ay ang makakita sa kanilang magandang pagbabago. Mas lumalakas na." Ako.

"P-Pero...mahal na empress. Delikado na ang kanilang buhay! Kailangan na namin silang iligtas!" Natataranta ng sabi ni Haruka. Tumawa ako konti. At sabay tinuro ang mga sinasabi nilang napapahamak na mga estudyante.

"Tignan niyo lang sila. Ganyan talaga, mauuna na muna silang masaktan at mamatay, bago nila makuha ang buong kapangyarihan nila. At maperpekto ang matagal niyo naring pinaghirapan Mira." Kalmado kong sabi. Nagulat sila ng matunghayan nila ang kagimbal-gimbal na ginawa ng mga halimaw.

Nakita namin ang pagtusok ng mga galamay at ugat sa kanilang mga bandang dibdib. Tumalsik ang mga dugo sa sahig ng battle field. Sumuka narin sila ng dugo. Halos may halong itim na nga ito.

Napalapit si Mira sa barrier na ginawa ko at wala siyang magawa, kundi, ang pagmasdan nalang sila na unti-unti naring nalalagutan ng hininga at naliligo na sa sariling dugo.

Hindi narin mapigilan mapahagulgol at mapasigaw ng mga partner nila.

"Miss Mira! Si Y-Yoshin." Sabi ni Hale ng makita niya ang mga kasalukuyang nangyayari. Napatigil siya. "A-Ano pong nangyayari dito?" Ang tangi niya nalang nasabi.

Alam ko naman na ito'y isang tinuturing na...nakakabaliw na paraan. Pero, ito talaga ang natatanging paraan, para maayos ang lahat at maging perpekto ang inaasam na walang hanggang buhay. Ang pagiging 'immortal'.

~Violet's POV~

Ang sakit. Sobra. Parang namanhid na ang katawan ko. Pati kaluluwa ko. Nang sinaksak na nga kami ng mga ugat ng halimaw. Napasuka kami ng dugo at kitang-kita namin mismo ang pagtalsik nito sa sahig, ng battle field.

Nilingon ko ang mga kaibigan ko kahit na mahirap ng gumalaw dahil sa hindi pa tinatanggal ng ugat ang pagkakatusok sa bandang dibdib ko na tagos hanggang likod. Napangiti nalang ako ng mapait at tumango konti na hudyat na para gawin ang pinaplano namin. Tumango naman sila ng konti at ngumiti ng mapait kasabay ang pagngiwi sa sakit.

ACADEMY OF SUPREME POWERS: Legendary Supreme StudentsWhere stories live. Discover now