Chapter 1: Ouch

9 1 0
                                    

"P-pardon me?" sabi ng nag-iisang Cholo Elnido.

Cholo Elnido... gwapo, macho, sobrang bango at mayroon makapal na bangko. Yun nga lang, gago at tarantado.

In short, si Cholo na sayang kasi siraulo.

"A-ang sabi ko g-gusto kita C-cholo. Gusto kita." sabi naman ni Tikang.

Tikang... hindi uso ang salitang suklay, nakabakod ang mga ngipin, nagkakapalang salamin at pang 90's na mga damit. Idagdag pa ang kaniyang not - so - fair na iskin.

In short, si Tikang na mukhang mangkukulam at mambabarang.

"Gusto... mo... a-ako?" tumango ang pangit na Tikang. "H-hahahahahahahahaha!" pero ouch tinawanan lang siya ni gagong Cholo.

"Hahahahaha oh my gosh! I can't believe this!"

"Did she just confess to Cholo?!"

"Pinapahiya niya lang ang sarili niya!"

"Hay, kawawa naman si Tikang Pangit hahaha!"

Oh, here comes the characters na laging present sa lahat ng high school love stories... the tsismosos and tsismosas.

Napayuko na lang si Tikang sa kahihiyan habang pinapakinggan ang tawanan at bulungan ng mga kaschoolmate nilang nakarinig ng kaniyang Legendary Confession.

Kahihiyan nga naman. Imagine a not - so- beautiful girl confessing her feelings to the heartless heartthrob of the campus. Cliché as it may seem but never will a heartthrob like a girl as ugly as Tikang. Double ouch.

"Hoy pangit nagpapatawa ka ba? Hahaha nakakatawa naman haha pwede ka pala sa carnival eh hahahaha." hindi mapigilan ang tawa ni Cholo na may bahid ng pang-iinsulto, pagkamayabang at triple ouch pandidiri.

Nag-angat ng tingin si Tikang, "P-pero hindi ako nagbibiro. Gusto talaga k-kita." naluluha na sabi niya.

"Hindi ka ba kinikilabutan sa mga sinasabi mo? Gusto mo kamo ako? Hah! Have you looked at yourself in the — ah no, do you even look at yourself ?" seryosong turan ni Cholo. "You're disgusting!"

Ouch raised to the fourth power.

Tuluyan ng bumagsak ang mga luha ng pangit na si Tikang. Sobrang sakit ang nararamdaman niya sa mga oras na'to. Hindi niya inaasahan na magiging ganito ang kalalabasan ng gagawin niyang Legendary Confession.

Sa sobrang sama ng loob ni Tikang sa mga sinabi ni Cholo, tinignan niya ito ng may nanlilisik na mga mata.

"A-ang sama mo! Ang sama sama m-mo..." pero hindi niya kayang magtapang-tapangan. Humagulgol siya ng tuluyan sa harap ng mga kapwa niya estudyante, sa harap mismo ni Cholo.

Samantala, ang mabait namang si Cholo ay ayun hindi man lang naawa sa dalaga.

"Ako pa ngayon ang masama? Eh kung sanang maganda ka, edi baka pinatulan pa kita. Kaso hindi! Hahaha mukha kang mangkukulam Tikang! Ang lakas ng loob mong umamin ah! Kinikilabutan ako sa pag-ami— woook." hindi na natapos ni Cholo ang sasabihin niya dahil naduwal siya ng walang suka.

"A-ayos ka lang ba Cholo? Anong nangyari?" nag-aalalang lalapitan sana ni Tikang si Cholo kaso tinignan siya ng binata ng may nandidiri at nangungutsang mga mata.

"Tanga! Kasalanan mo ito! Nakakasuka yang pagmumukha mo! Lumayas layas ka na nga sa harapan ko baka mamatay pa'ko ng dahil sa kapangitan mo pwee!"

And that's it! Ouch raised to the power of five.

"Tarantado ka!" naibulalas ni Tikang na ikinabigla ng lahat.

Sinong hindi mabibigla. Sa loob ng tatlong taong pananatili ng dalaga dito sa ANA University ay ngayon lang nila narinig na magmura ang dalaga. Sa loob ng tatlong taong pamamalagi nito sa unibersidad ay ngayon lang nila ito narinig na lumaban. Ngayon lang narinig ng mga taong nakapalibot sa kanila ang galit na tinig ng dalaga. Ngayon lang, ngayon lang na patapos na ang araw na may mga pasok.

"T-tutal *sniff* wala na rin namang pasok sa susunod na linggo, ilalabas ko na lahat!" patuloy pa rin sa pagpatak ang mga luha niya. Pero makikita ang sobrang sakit na dinadala niya.

"Tangina mo Cholo! Napakawala mong puso! Ang lakas lakas kamo ng loob kong umamin sayo?! Hah! Eh tangina ka pala eh! Ikaw! Ang lakas lakas ng loob mong ipahiya ako ngayon! Eh kung isampal ko kaya sayo ngayon na  hindi ka sana magfo-forth year next school year kung hindi dahil sakin! Assignments, activities, seat works at pati projects mo ako lahaaaaat gumawa! Ako lahat Cholo..."

"Kulang na lang ipagsiga kita ng kahoy, ipang-igib kita tubig at kung gusto mo ako pa maghugas ng puwet mo! Tapos ipapahiya mo lang ako ng ganito?! Gagoooooo! Akala mo gwapo ka ha? Akala mo gwapo ka?! Pwes oo! Gwapo ka nga pero napakawala mong puso! Wala kang puso animal ka! Huhuhu..."

"Nung minsang inutusan moko na bumili ng briefs mo dahil nalagyan ng dugo ng babaeng kinama mo... nakita ko..." ngumisi si Tikang. Yung ngising ang sagwa tignan kasi nga pangit siya.

"Gwapo ka lang Cholo... pero yung gitnang daliri ko, mas malaki pa sa titi mo gago." pambitiw na linya ni Tikang na nagpatigil sa mundo ng lahat.

Napapatulalang napatitig nalang si Cholo sa babaeng tinapakan ang pagkalalaki niya na ngayon ay nakatalikod na sa kaniya. Samantala, ayun nga at pagkatapos ng not - so - dramatic scene na ginawa ng ating bida, tumalikod siya at nagsimulang maglakad ng mabagal sa gitna nga mga estudyanteng hanggang ngayon ay tulaley pa rin.

Hindi kalaunan ang mabagal na lakad ni Tikang ay nagsimulang maging mabibilis na mga hakbang na di naglaon ay naging mabilis na takbo na. Sa pagtakbo niya ay patuloy pa rin sa pagpatak ang mga luha niya habang iniisip ang mga sinabi ni Cholo sa kaniya. Kasabay ng kaniyang literal na pagtakbo ay ang pagtakbo din ng mga dahilan kung bakit ni minsan sa buhay niya ay wala pang nagkagusto sa kaniya.

'Dahil pangit ako? Huhuhu! Bakit sabi ni mama cute naman daw ako ah! Sabi ni mama kahit hindi daw ako sobrang ganda okay lang kasi cute ako. Sabi ni mama yung buhok ko maganda daw kasi natural na kulot. Yung mga mata ko naman tantalizing! Tumitingin naman din ako ng salamin at lagi kong nakikita ay maganda! Kaya bakit?! Huhuhu bakiiiiiiiit?!'

'Maganda naman ako eh! Maganda akooo'

BOOOOOOGSH

"ARAY!"

"OUCH!"

Dahil sa pag-iilusyon este pag-iisip ay hindi namalayan ni Tikang na may makakabangga siya. Hinawakan niya ang ulo niyang tila nabangga sa isang pader dahil sa sobrang tigas na dibdib ng taong kaniyang nakabangga.

"Stupid! Look where you're going!"

Napaangat ng tingin si Tikang. Pagkakita ng dalaga sa lalaking nakabangga...

~hallelujah, hallelujah

Tila isa isang nagsibabaan ang mga anghel at pinalibutan itong lalaking mistulang Adonis. Mula sa buhok nitong wala sa ayos pero ang gandang tignan, sa kilay na makakapal, sa mga mata nitong napakalalim dahil sa mahahaba nitong pilik-mata. Sa kaniyang ilong na matangos, sa labi nitong yum yum yummy! Sa adam's aplle nitong pak na pak. Pababa sa katawan nitong super masculine and super yummy at sa pagitan ng mga hita nitong o to the m to the g! He looks like a Demi God—

"Stop fantasizing me you ugly duckling!" tinulak siya nito kaya napasubsob siya. Wala namang pasintabing umalis sa harap niya ang mukhang Demi God—

Ouch raised to the extreme power!

"Hah! Demi God?! Mas mukha ka pang Demon God! Kung makaouch ka naman! Bakla! Bakla!"

___________________________________

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.

Legendary ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon