Ibinigay na nito ang credit card nito sa cashier. Nanatiling tahimik nalang siya dahil naiinis parin siya.

"Let's go." Aya sakanya ni Vin at inabot sakanya ang isang paper bag.

"Ayoko. Dalhin mo ang mga iyan!" Naiinis parin na sabi niya.

Natawa nalang si Vin sa kanya at nauna nang maglakad. Sumunod nalang siya dito, at nakunsensya naman siya kaya kinuha na niya ang isang paper bag na dala nito at nauna nang maglakad. Narinig niya pa ang pagtawa ni Vin sa likod niya pero hindi na siya lumingon pa.

Pagkarating sa unit niya ay mabilis na inilagay niya ang paper bag sa kitchen counter at nagdiretso na sa kwarto niya.

------

Napapangiti nalang si Vin dahil sa pagtatampo ni Erin. Ang cute kasi nito tignan sa tuwing nagtatampo o nagagalit ito. Ayos lang naman sakanya dahil gusto rin naman niyang suyuin ito.

Inayos nalang niya ang mga pinamili nila at nilagay na sa cupboard at refrigerator. Inihanda na niya ang mga lulutuin niya para sa lunch ni Erin. Sigurado kasi siyang tulog na ito sa kwarto nito.

Kinuha niya ang liempo sa freezer at binabad sa toyo na may paminta. Habang hinihintay iyon ay biglang bumalik sa isip niya ang nangyari kanina.

Hawak niya ang kamay ni Erin habang naglalakad sila. At kanina pa ito nagrereklamo kung gaano kalayo ang grocery store na nasa isang kanto lang naman.

"Ano'ng malayo? Sa kabilang kanto lang ang grocery store 'di ba? Kulang ka kasi sa exercise eh. At tsaka masarap maglakad sa umaga. It's good for the heart."

Narinig niyang nagsalita si Erin sa likod niya pero napakahina. Idagdag pa ang mga tunog ng mga sasakyang nagdadaan.

Ang tanging sigurado lang niyang narinig ay ang mga salitang 'walking', 'good', at 'heart'. Hindi na siya nagtanong pa kung ano ang sinabi nito dahil baka naman sumang-ayon lang ito sa sinabi niya.

Kanina sa grocery store, napapailing nalang talaga siya sa mga pinagkukukuha ni Erin na mga pagkain. Kung ano ang makita ng mga mata nito ay kukunin nalang nito bigla. Ang lakas pa ng loob eh iyon naman pala walang dalang pera. Gusto niya sanang matawa pero pinigilan niya ang sarili dahil halata na nga dito ang pagkainis, ayaw naman niyang sagadin ito.

Ipinagpatuloy nalang niya ang pagluluto ng lunch ni Erin at nang matapos na ay tinakpan niya lang ito at nilagyan ng note at tsaka umalis na sa unit nito. Kailangan niya pang umuwi at maligo dahil papasok pa siya sa opisina.

-----

Nagising si Erin ng eksaktong alas-onse ng tanghali. Medyo nakaramdam narin siya ng gutom, kaya naman lumabas na siya ng kwarto, agad na hinanap ng kanyang mga mata si Vin pero wala ito sa sala kaya naman pumunta siya sa kusina sa akalang naroon ito pero wala rin.

Naisip niya na umalis na ito. Pupunta na sana siya sa cupboard para kumuha ng cup noodles nang mapansin niya ang ulam na nakatakip sa may lamesa niya. Nakita niya pa ang note na malamang ay si Vin ang may gawa.

I cooked your lunch. Rice is in the rice cooker. Huwag mo nang subukang mag-cup noodles it's not healthy! And huwag ka na magtampo please. Maganda ka naman eh. Have a nice day, Erin! Text me if I'm forgiven. Please.


Napangiti siya sa note ni Vin at kinuha ang phone at tinext ito.

-

To: Vin Fortez

Hey, superman! Thanks for my lunch. Sorry for acting like a spoiled brat. Kulang lang sa tulog. Have a nice day din. Take care. :)

-

Nagsandok siya ng kanin at naglagay ng ulam niya at masayang kumain. Hindi man kasingsarap ang luto nito kumpara sa luto ni Jeremiah, pero para sakanya ay mas masarap pa ito kesa sa luto ng isang chef dahil alam niyang pinaghirapan ito ni Vin para sakanya.

Kinuha niya ang phone niya nang tumunog ito.

-

From: Vin Fortez

It's okay. Immuned na ako sa iyo. I'll pick you up later. Dinner?

-

Mabilis na nagreply siya rito.

-

To: Vin Fortez

Okay! See you!

-

Grabe na talaga itong nararamdaman niya. Parang circus na! At heto siya mukhang tanga dahil sa laki ng ngiti niya sa mukha. Niyaya lang naman siya ni Vin sa isang dinner. Hindi na bago sakanya iyon dahil ilang beses na silang nag-dinner pero bakit pakiramdam niya ito ang unang beses na magdi-dinner sila ni Vin? Bigla nalang rin siyang nakaramdam ng excitement at kaba.

Saan kaya siya nito dadalhin?

------

VOTE AND COMMENT.
Follow @kendeyss

It Might Be You [Fin]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن