72

747 37 5
                                    

Isang linggo ang lumipas at heto, may maayos na akong tulugan at tuluyan na nga akong nawalan ng kontak sa aking mga magulang. Ibig sabihin, kailangan ko na talagang maging independent dahil ako na ang bubuhay sa sarili ko. Busy na sila sa mga bago nilang pamilya at nakalimutan na nila ako. As usual pa rin ang takbo ng relasyon namin ni Adrian. Minsan napapaisip akong hiwalayan ko na lang siya, pero sa tuwing naiisip ko ang bagay na ‘yon… kumikirot ang aking puso. Hindi ko kayang hiwalayan siya ngunit aaminin kong medyo nauumay na ako sa mga sugar coated words niya sa chat. Palagi na lang I love you ngunit ‘di ko naman ramdam. Napapadalas na rin ang pagkakatampuhan namin dahil sa aking pagiging makulit na mag-date kami sa personal.

“Besssss!” sigaw ni Arlene nang pumasok siya sa kuwarto at nagtatalon-talon pa ito habang may hawak na maliit na kahon. Pinaningkitan ko lamang ito ng mga mata sa pagtili niya.

“May regalo ka galing sa special someone mo!” masayang sigaw niya at agad na iniabot sa akin ang kulay yellow na kahon. Tiningnan ko lang iyon, hindi kinuha sa kamay niya.

“Kanino galing? Nako! Baka malaman ni Adrian ‘yan, mag-aaway na naman kami.” tinalikuran ko siya bilang pagtangging kunin ang bagay na ‘yon. Ngumuso ito at umupo sa aking kama.

“Hindi naman niya malalaman. Nandito ba siya? So, what kung malaman niya. Mabuti pa nga itong special someone mo nage-effort magbigay hindi gaya ng boyfriend mo na wala man lang ibinigay na katiting!” pagalit niyang singhal.

“Bes, kapag bigay ‘yan ni Adrian, tatanggapin ko pero hindi, eh, kaya itapon mo na ‘yan o kung gusto mo sa’yo na lang.”

“Hindi mo talaga tatanggapin? Pangalawang beses mo na itong tinanggihan saka bes, walang masama kung tumanggap ka ng regalo saka wala namang nakalagay kung sino ang nagbigay sa ‘yo. Malay mo babae pala ito,” sabi niya na pilit akong kinukumbinsing tanggapin na ito.

“Arlene, sayo na lang. Tumatanggi ako sa regalo.” nakita ko ang pagsimangot niya sa akin at hindi ko naman kayang makita siyang nakasimangot kaya wala na akong nagawa kun’di hablutin ang box sa kandungan niya.

“Basta huwag na huwag mong sasabihin sa iba ang bagay na ‘to. Tayong dalawa lang nakakalam.” tumango siya sa aking tugon at muling sumilay ang ngiti sa labi niya. Paandar lang yata ng bruhang ito, eh, para tanggapin ko.

‘From: your stranger
To: Ms. Loyal kay baby loves niya’

Nangunot ang aking noo. Sino kaya ang taong ito? Bakit niya ako pinapadlhan ng regalo? Weird.

“Hyziel, naalala mo pa ba si Aldrin?” nag-angat ako ng tingin nang banggitin ni Arlene ang pangalang iyon. Miss ko na siya.

“Naka-graduate na pala siya at nakakamanghang cum laude pa ang poging mysterious,” sabi niya na bahagyang ikinangiti ko. Mr. M talaga siya, matalino.

“Nakaka-chat mo pa siya?” tanong ko.

“Oo, ka-chat ko siya kagabi.”

“May girlfriend na ba siya?” curious kong tanong. Siguro may girlfriend na ang isang iyon at masaya ako kung meron na nga dahil sa wakas may ka-forever na siya. Nagkibit-balikat si Arlene sabay iling nang marahan.

“Hindi ko lang alam— hindi na ba kayo nagcha-chat?”

“Apat na buwan ng hindi,” makungkot kong sagot. Kahit nakakainis siya madalas, natutuwa ako sa kakulitan niya dahil natitiis niya pa ako kahit ang sungit-sungit ko sa kaniya. Makikita mo ang sincerity sa words niya at umaasa ako sa araw na ‘to na sana magparamdam siya sa real account niya.

“He’s here in Manila, naghahanap ng trabaho. Gusto mo makipagkita tayo sa kaniya?”

Nagulat ako sa sinabi niya. Nandito siya? Nilipad na niya ang Manila mula Palawan? May word of honor pala siya pero hindi nga lang para sa akin dahil sa trabaho. Pasimple kong tinampal ang sarili.

“H-huh? H-hindi na. Baka makonsensya pa ako lalo kapag nakita ko siya. Dami ko ng atraso sa lalaking ‘yon.” wala na akong maihaharap sa kaniya.

“Mabuti alam mo. Akala ko pa naman wala kang hiya.” Sabay hagalpak nito sa tawa na aking nginiwian at tinaasan ng kilay. Happy.

“Ano bang pangalan niya sa facebook?”

“Friends kayo ‘di ba sa isa niyang account?” nakangiwi akong umiling sa kaniya.

“Na-block ko ulit siya.” nasapo ni Arlene ang kaniyang noo at umiling-iling.

“Bes, block pa more. Ang bait niya kayang ka-chat tapos gano’n gagawin mo? Aldrin Sly Domingo ang name niya.” at dismayado itong nilisan ang kuwarto.

Agad kong hinanap sa facebook ang account niya. Maraming lumabasa na Aldrin Sly Domingo, hirap na hirap kong hinanap ang account niya dahil hindi ko na tanda ang profile picture niya pero ang pinagbabasehan ko na lamang ay kung saan siya nakatira. Nang makita ang fb account niya dahil ‘from Palawan’ ang nakalagay ay in-stalk ko ito ngunit naka-private pala. Hindi ko ma-add, wala ang ‘add friend button at message button’ tanging follow button lamang ang mayroon. Wala na talagang pag-asang bumalik pa kami sa dati ng online friend kong ito.

He’s totally my stranger right now. Sinayang ko ‘yong mga araw na nandiyan pa siya at nangungulit. Gano’n pala, saka mo lang ma-aapreciate ang presence at halaga ng isang tao kung wala na siya.

Madalas siyang sumasagi sa isip ko dahilan para hindi na ako makatulog. Nami-miss ko na ang lalaking ito. Bawat araw hinahanap-hanap ko ang chat niya sa aking messenger ngunit wala na pala.

“Nagsisisi akong blinock kita.”

Our Chat Story (CHAT SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon