Prologue

36 5 0
                                    

"Ipaigting ang depensa!" sabi ng beteranong si V. Ironhead


//Tumunog ang napakalakas na mga kanyon//


"Wag pabayaan ang Kapitolyo! Ito na ang pinakahuling base na siyang ating pag-asa! LABAN!" Sabi ng beterano.


Tumakbo ako papuntang front line upang tumulong.


"Kung mamatay man, mamatay tayo para sa bayan!" Sigaw ko sa aking mga kasamahan.


"PARA SA BAYAN!" sagot naman nila.


//Pew! Pew! Pew!// Tumunog ang mga plasma guns na dala dala namin. Patuloy naman ang pag-opensa ng mga Death Hunters sa aming huling base.


Pinalabas na ng mga ARCHI defenders ang kanilang mga shield at saber swords upang kami ay salakayin kasama ng mga Double A.


"AHHH!" Isa sa mga ARAC extermination unit ay natamaan ng atomic slicer ng Double A.


"Fall back! All men fall back!" nasira na ang depensa sa frontlines.


"Plan B1, Commence! All troops deployed, you have 1 minute to reach the battlefield, GO, GO,GO!" sigaw ng isang mercenary sa itaas ng tore.


Tumakbo ako papalayo sa battlefield nang...


"AHHH!" natamaan ako ng saber sword ng isang ARCHI robot.


"Men down, men down. I repeat..." bigla na lang nagmala-ulap ang aking mga paningin. Hindi ko na marinig ng mabilisan ang sinasabi ng isang extermination unit. Bigla na lang ako nahimatay


"...Sir, sir. Are you ok?" May isang tinig ang narinig ko. Isang nars pala iyon.


"Ouch. Masakit yung batok ko." pagmumura ko naman sa nars.


"Sir, narito po kayo sa refugee hospital ng Base 1. I'd like to remind you na unti-unti nang nawawasak ang tore." sabi ng nars.


"D-dapat akong bumalik sa frontli..." patapos na ako nang...


"Commander! Ano ba gagawin natin?!" sabi ng isang guwardiya na bata-bata ko.


Tumayo ako nang may tahi sa likod. Pagkatapos ay nagbihis ng uniporme. "Full force deploy tayo ngayon. Proceed to Plan Z." sabi ko sa kaniya.


"Pero sir ang Plan Z ay..."


"Wala na tayong ibang paraan. Ito na ang ating last resort for the day." explain ko sa kaniya.


"Leader, yes sir. Proceed to Plan Z!" sigaw niya sa kaniyang mga kasamahan.


Hanggang sa huling hininga...


Pumunta ako sa tore kung saan nandoon nakabantay ang mercenary. Bago pa man ako makapunta sa itaas, nakita ko nalang ang paaralan kung saan una kong nakasalamuha ang aking mga kaibigan ay nagiba. Pumasok sa isip ko, hindi na tayo mananaig. Hindi na tayo magtatagal. Dugo ang siyang kinukunan ng lakas, dugo rin ang siyang kukuha. LABAN... LABAN...


"Mercenary sir, we shall now commence Plan Z." inform ko sa kaniya.


"Tama ka bata. Proceed to Plan Z. PROCEED TO PLAN Z! Bata, hanggang sa kamatayan." sigaw niya sa mga troops sa ibaba at bulong niya sa akin.


"Hanggang sa kamatayan, Sir." tugon ko naman. Pagkatapos noon ay bumaba na ako at nagsimula nang magcommand.


Ang Plan Z ay isang plano na isinagawa ng Anti-Robotic Army Corps Veterans kung sakali man makasusulong ang mga ARCHI Death Hunters at Bad Blood sa higit walong bases pataas. Ang Plan Z ay ang pagsalakay head-on sa mga ARCHI robots. Ngunit sa kasamaang-palad, nagsanib puwersa ang Bad Blood, Death Hunters at ang aming arch nemesis na Double A o Anti-ARACs na siyang ikakadownfall ng aming tropa. Ito ang buong detalye ng Plan Z:


ANTI-ROBOTIC ARMY CORPS

Plan: Zebra
Proposed by: Veteran Ironhead

I. Sector 1: Head-on

(1) All ARCHI Extermination Unit shall proceed to frontline, thus, committing their blood and lives to the whole ARAC denomination.

(2) Every Disciple, Intern and/or proceeding to Actual Combat Training shall be the second frontliners, thus, committing their whole being to the Army Corps.

(3) All guns, swords, and knives possessed by the Army Corps shall be used to defend the remaining Veteran and/or higher officials, hence, defending the last 'KING' of the Corps.

(4) Every last soul that survive should fully pledge to protect the remaining higher-ups.

(5) If almost losing, a soldier must commit suicide by detonating the Atomic Reactant Assassinating Bomb or ARAB to protect the higher-ups and killing the Death Hunters, Bad Bloods etc. up to a 700 m radius.


At iyon ang full detail of the Plan Z. Nagcommence na ang plano. Tumakbo ako papunta sa aking batalyon.


"All ARAB weapons ready! All guns, knives, and swords ready!" sigaw ko sa kanila sabay wahis sa aking samurai saber sword.


"For by blood we live, thus, by blood we die!" sigaw ko with all my heart and with all my soul.


"SULONG!!!" sigaw naming lahat.


//Swish! Pew! Pew! Pew! Boogsh!// Marami kaming mga sundalo ng ARAC ang sumulong patungo sa aming kamatayan. Wari ba na panaginip lang ang lahat. Ang buong sakit, kirot, kasiyahan, at kalungkutan ay nagcocombine. Hindi na namin namalayan na may pumindot na pala ng ARAB weapon nila.


//BOOM!!!// Isang napakalakas na alingawngaw ang tumabon sa lahat ng aming tenga. Patay na si Johnson. Patay na ang aking colleague at kamag-aral ng aking kabataan.


Tunay nga. Para sa bayan, para sa kapakanan ng kabutihan. Isusulong ko hanggang kamatayan. Kung hindi lang sana nagkamali ang mga kabataan noong unang panahon, hindi sana namin maranasan ang ganitong sakuna...NGAYON.


PAALAM.

*******************************************************************************************************

Hi guys! You just caught a glimpse of the story of Project E.N.D. Kung gusto niyo malaman kung ano ang buong istorya nito, just read the next chapter then we'll see you on the other side.

P.S
Spoiler Alert po ito!

Please READ, VOTE, and FOLLOW me po!

©All Rights Reserved @Chisana_Hoshi

Project E.N.DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon