" I'm going to throw up " nahirapang sagot ni Deanna

"sandali! sandali " natatarantang wika naman ni Jema.

Walang pumapasok sa isip niya, palakad lakad siya sa loob ng kwarto pilit iniisip kung ano bang dapat na gawin niya.

Nang bigla na lang...

" Tama! dito sa banyo " mabilis ang ginawang paghawak ni Jema sa kamay ni Deanna, pero bago pa sila makapunta sa banyo  ay nagsuka na si Deanna at sa dibdib pa ni Jema mismo

"Deanna Wong!!!!!"  gigil na sigaw ni Jema

Nang mahimasmasan si Deanna ay tsaka nya lang napansin ang ginawa niya

Inis siyang tiningnan ni Jema at walang kibong tumalikod para magpunta ng banyo, at dahil masakit pa rin ang ulo ni Deanna at wala ito sa mood na magsalita, mas gusto na lang nitong matulog kaya bumalik siya sa kama para humiga.

Matapos maligo ni Jema, ay nadatnan niyang nakatulog na ulit si Deanna sa kama niya, napabuntong hininga na lang ito ng makita si Bata na tulog na naman. At dahil kagagaling lang nito sa pagsuka ay pinunasan ulit ni Jema ang mukha ni Deanna bago kinumutan ang katawan tsaka nagbihis at tumabi kay Deanna na mahimbing ng natutulog.

---

Umagana at kasalukuyang nakaupo si Deanna sa harapan ng lamesa kung saan naghahanda ng pagkain si Mafe

"kain ka na " sabi ng babae sabay lapag ng huling pagkaing niluto niya sa harapan ni Deanna

Tiningnan ni Deanna ang hinandang pagkain ni Mafe, may itlog, hotdog, bacon, kanin, and cornbeef

"Ayaw mo ng food? ano gusto mo ipagluluto kita? " tanong ni Mafe

" no, thank you " nakngiting sagot ni Deanna

Ngumiti naman si Mafe, nang makita niyang kumuha ng rice at bacon si Deanna at nagsimula ng kumain

" Mafe nga pla, kapatid ng babaeng nag take home sayo " pagpapakilala niya sa sarili

" Deanna " at pilit na ngumiti

" I know you, ikaw yung setter ng Lady Eagles dba? sikat ka kaya sa school namin, ang galing mo kasi " puri ni Mafe sa kanya

" t-thank you " d kumportableng wika ni Deanna at nagpatuloy sa pagkain

" Matagal na kayong magkakilala ni Jema? " curios na tanong niya sa babae

" hindi naman masyado " kibit balikat na sagot ni Deanna

" ah..... alam mo ba weird yang si Jema " pagumpisa ni Mafe ng kwento

" weird? pano mo naman nasabi? " parang gustong matawa ni Deanna sa pinagsasabi ng kapatid ni Jema

" pano naman kasi, may nagbigay sa kanya ng 1 box donut at 1bucket ng chicken joy nung isang araw, alam mo bang hindi niya ako binigyan ng kahit isa lang? at heto pa tinabi niya pa sa pagtulog yung donut at chicken " kwento ni Mafe

Biglang nabulunan si Deanna sa narinig niyang kwento ng kausap

" okay ka lang? " nagalalang tanong ni Mafe, sabay hawak sa likod ni Deanna

" yes, ahhh.. ano nga sabi mo ulit? "

" Si Jema tinabi niya yung food sa pagtulog niya, at akalain mo ilang araw na nasa loob ng ref yung donut at chicken,hindi ko magalaw galaw dahil magagalit siya dahil para nga daw sa kanya yun, binili daw yun para kanya kaya wierd yung kapatid ko "

" first time niya kayang ginawa yun kasi dati nung may nanliligaw sa kanya at nagbibigay ng kung ano ano pinamimigay niya yung chocolates, nagsshare siya minsan... kinakain rin niya pero madalas binibigay niya tlaga yun... ngayon lang yung hindi siya nagbigay at hinayaang mabulok na lang yung pagkain dyan sa ref " nakasimangot na kwento ni Mafe

Lihim naman napangiti si Deanna

"kilala mo ba kung sino nagbgay nun? malakas kasi yung kutob ko na tga ateneo kasi nung mismong gabi nakita ko yung food, may nakita akong jacket na Ateneo kagaya ng suot mo sa cabinet ni Jema kaya nga kinwkwento ko sayo baka kilala mo kung sino, ng makilatis ko naman " nakangising sabi ni Mafe

Sasagot na sana si Deanna ng dumating si Jema

" ang aga aga Mafe kung anong chismis na naman pinagsasabi sa batang to " sita nito sa kapatid

" chismis tlaga? hindi pwede nagkkwentuhan lang kami? " sabay irap ni  Mafe

Hindi na lang pinansin ni Jema ang kapatid dahil sasagot lang ito sa kanya, kaya binaling niya ang tingin kay Deanna

" ikaw bilisan mo na dyan kumain at ihatid na kita sa dorm nyo " utos nito kay Deanna bago umakyat ulit sa kanyang kwarto para magpalit ng damit.

" Pasensyahan mo na si Jema ha.. pinaglihi kasi yan sa sama ng loob ng nanay namin, kaya masungit " natatawang sabi ni Mafe

Natawa naman si Deanna sa sinabi ng kapatid ni Jema

"Ay! teka pwede pa picture? papakita ko lang sa mga kaklase ko, tiyak maiinggit sila sakin " mayabang na sabi ni Mafe

" Sure " pagpayag naman ni Deanna

Lumapit si Mafe sa tabi ni Deanna at nagpicture nang biglang may humablot ng phone niya

" Sa harapan ng pagkain talaga Mafe nagppicturan kayong dalawa? Hala umakyat ka na at maligo may pasok ka pa " sermon nito sa kapatid bago binalingan ang kumakaing si Deanna

" at ikaw naman matuto kang tumanggi alam mong nasa harapan ng pagkain magpapa picture ka! dyan na nga kayo! " at tinalikuran ang dalawa.

" Jem cellphone ko! " tawag ni Mafe, ngunit hindi siya pinansin ng nakakatandang kapatid

"Sandali lang ha, kukunin ko lang phone ko " at hinabol ang kapatid na nasa labas na ng apartment.

Nangingiti naman tinapos ni Deanna ang kanyang pagkain.

The Queen meets The Setter - Book I ( Jema Galanza, Deanna Wong )Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα