Ako.....
ako pa ba ang dating importanteng tao?Importanteng tao na sa sobrang importante ay di man lang kayang di sa'kin kumibo
Importanteng tao na ang oras sa akin ilalaan kahit gaano pa ito ka sikip
Kasikip ng ating oras na sa kabusy ay di kayang pumuslit.
Hinahayaan kong di ka iniistorbo,
pinapabayaang magsaya kahit nakakalimutan mo,
nakakalimutan mong sabihan man lang ang babaeng ito
Ang babaeng naghihintay ng sasabihin mo.
Hinihintay ang bawat pagreply mo
dahil namimiss ka ng bababeng to,namimiss ka ng babaeng to pero kahit kailan di ka niya kinulit
di ka niya kinulit na ilaan ang oras mo dahil alam niyang may prayoridad ka
pero kahit saglit
saglit man lang ay maisipan mong namimiss ka niya
namimiss ka niya dahil sa di na kayo nagkikita
at nagkakausapdi mo ba pansin?
Di mo ba pansin na miss na miss ka na niya?
wag mo namang iparamdam man o ipakita sa akin na parang ako'y binabalewala
di man sinasadya
patawad, pero yun ang nadarama.
Nadarama na parang
wala lang?
wala lang ang kung ano ako sayo
Ay! pasensya na pala
baka nagiging ambisyosa na
baka nakakalimutan ko di pa pala tayo
di ka pa pala akin kaya siguro ganito
ganito nalang ang pakiramdam ko
na parang binalewala yung lahat ng meron tayoSana nagkakamali ang isip ko
Nagkakamali na baka ang iniisip ko'y totoo
Mahal kita? Oo!
Namimiss kita? Oo!
at kahit anong mangyari tatanggapin kita kasi mahal kitang totooTinuruan mo pa nga akong maniwala
maniwala sa kasabihang "action speaks louder than words"
pero....
baka nga naman hanggang sabi sabi lang lahat
Di man kayang sabihin pero sana maramdaman,
Pakiramdaman mo sana ang pusong nasaktan
nasaktan ng di sinasadya
Sa mga galaw mong di aakalaing napakalakas ng epekto
epekto sa nangungulila kong puso.
Di ko sinasadyang namiss kang sobra pero mas di ko sinasadya ang magtampo sayo ng sobra-sobra sa kadahilanang di mo napansin na parang akoy nabalewala na pala
Sana...
sana pakiramdaman mo
sana alamin mo ang epekto ng mga galaw na pinapakita mo.
At sana kahit sa pagtatampo kong ito
di ka magsasawang suyuin akoAt laging tatandaan mahal na mahal ka ng babaeng to.
Ang babaeng si Ako
KAMU SEDANG MEMBACA
Just a piece of an ADVICE
NonfiksiEverything that is written here is my own advice to myself. Own experiences and thoughts. If you can relate, then why not stop by and read a little. Need some advice? Just try to ask. Your questions and answers are willingly answered by Me. P.S. you...