Chapter 9

1.5K 44 0
                                    

Unforeseen |Lesbian|
By ArtSDT

Chapter 9

Kinabukasan, araw ng linggo.

Pasado alas otso na ng umaga ako nagising. Inaantok pa nga akong bumangon pero pinilit ko na lang ang katawan ko. Hindi ko na din namalayan kung anong oras na ba ako nakatulog kaninang madaling araw dahil sa mga walang kwentang pumapasok sa utak ko. Kung anu-ano na lang kasi. Kahit si Art nga, ayaw akong patulugin kakaisip sa kanya.

Naghikab at nag-unat ako ng katawan nang makatayo na ako. Dumiretso na ako sa banyo habang kusot kusot pa ang mata. Naghilamos at nagtoothbrush muna ako bago tuluyan ng naligo.

Ilang minuto din akong nakatulala sa kawalan dahil medyo bangag pa ako. Feeling ko ang bigat ng katawan ko ngayon.

Matapos kong maligo at makapag-ayos ay bumaba na ako para kumain ng breakfast. Naabutan ko pa si kuya na prenteng naka de quatro sa upuan ni daddy habang may ginagawa sa tablet na hawak niya. Wala kasi ang parents namin ngayon dito, nasa business trip na naman. Alam niyo na, busy.

"Good morning kuya." Bati ko sa kanya.

"Morning." Ganti niya nang hindi man lang ako tinatapunan ng tingin.

"Busy?"

"Medyo."

"Nagbreakfast ka na ba?"

"Hmm. Kani-kanina pa actually."

"Okay." Sabi ko na lang. Busy talaga siya sa kung ano mang kinakalikot niya sa tablet na hawak.

Pumwesto na lang din ako para kumain. Hindi ko na siya inusisa ulit.

After kong kumain ay bumalik ulit ako sa kwarto para magready dahil aalis kami ni Kuya Sansan. Sasamahan niya ako sa pamimili ng mga kailangan ko pa sa school.

"Kuya, alis na kami." Paalam ko sa kapatid ko na hindi man lang natinag sa kinauupuan.

"Saan ka pupunta? At sino ang kasama mo?" Tanong nito pero ganun pa rin ang posisyon niya.

"Magpapasama ako kay Kuya Sansan para bumili ng mga libro ko remember?"

This time nag-angat na siya ng tingin sa akin. Inilapag nito sa mesa ang tablet na hawak bago tumayo at lumapit sa akin.

"Sorry nakalimutan ko. Madami kasi akong inaasikaso lately." Sabi pa nito habang pina-pat ang ulo ko.

"Kuya naman eh, yung buhok ko!" Iwinaksi ko ang kamay niya. "Ang hirap kaya mag-ayos, alam mo ba yun?"

Tinawanan naman ako ng magaling kong kapatid. Nakakainis.

"Hindi mo naman kasi kailangan pang mag-ayos o magpaganda pa ng husto kasi maganda ka na."

"Sus wag ako Kuya Arthur ha? Ang aga mo naman mambola."

"Napapansin ko talaga lately, bakit Kuya Arthur na ang tawag mo sa akin?"

"Eh ano gusto mo? Tawagin kitang Junior?"

Junior siya ni daddy eh. Kaya parehong Arthur ang pangalan nila.

"Yaks naman! Mas okay na ako sa Arthur."

"Yun naman pala eh. Ang dami mo pang reklamo. Hmp!" Sabi ko sabay flip ng buhok at tumalikod na sa kanya. "Aalis na kami para maaga kaming makauwi mamaya."

"Sige. Mag-ingat kayo. Tawagan niyo na lang ako."

"Okay."

Nagsimula na akong maglakad palabas nang bigla naman akong tinawag ulit ng kuya ko kaya nilingon ko siya.

Unforeseen |Lesbian| (On hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon