Chapter 4| Sleep Over

Start from the beginning
                                    

"Ate, pwede ko po ba hiramin muna yung van? Susunduin ko lang sila Peter at Kylie. May sleep over kasi kami ngayon dito eh." Sabi ko.

"Yes, sure. Basta mag-ingat ka sa pagdradrive ah." Sabi ni ate. "Opo." Sabi ko. "Ah, oo nga pala, Sean. Aalis ako, may project kasi kaming gagawin ng mga friends ko. Kaya ikaw nalang muna ang maiiwan dito pati na din sila manang." Sabi ni ate.

"Ah, sige po. Ingat." Sabi ko bago ako lumabas. Napaka right timing naman ng sleep over na toh. Wala yung family ko. Wag niyo na alamin kung bakit. Long story.

Sumakay na ako sa van, at nag drive na ako papunta sa bahay ni Theo. Siya ang una. Sunod naman si Cyrus, and then si Gab. Buti nalang pagdating ko sa mga bahay nila, na sa labas na sila.

Sunod kong sinundo si Peter, si Kylie, si Iella, si Lexi, at ang huli, si May. Sobrang ingay ngayon dito sa van.

"Sean, kapag may nakita ka na Mcdo o Jollibee dyan, itigil mo muna yung car. Naugutom ako eh." Sabi ni Kylie. "Sure." Sabi ko naman. "Thank you!" Sabi niya.

Nakakita ako ng McDonalds, nag park muna ako dun tapos lahat kami bumaba para kumain. Wala kami magagawa, gutom si Kylie eh, kaya nagutom na din kami.

Nakaupo na kami ngayon. "Sino mag-oorder? Wala?" Tanong ni Kylie. "Ikaw gutom eh, bakit hindi ikaw yung mag-order." Sabi naman ni Iella.

"Ay huwaw. Excuse me po, maknae. Hindi lang po ako yung gutom dito." Sabi ni Kylie. "Sino pa?" Tanong ni Iella. "Bakit ikaw, di ka gutom?" Tanong din ni Kylie.

"Gutom." Sagot ni Iella. "Kita mo toh, gutom ka din pala eh. Ikaw ang mag-order. Ikaw pinaka bata dito eh." Sabi ni Kylie. "Si Gab kaya yun." Sabi naman ni Iella.

Jusmeyo.

"Sinali pa ako." Sabi ni Gab. "Sisihin mo toh." Tinuro naman ni Kylie si Iella. "Luh. Para walang away, bato-bato-pick nalang." Sabi naman ni Iella.

Lahat naman kami kasali doon. And guess what, si Peter ang natalo. Kaya siya yung mag-oorder at manglilibre saamin.

Sinabi na namin yung orders namin at naglakad na papalayo si Peter.

"May napansin ako." Sabi ni Theo. "Ano?" Tanong ni Lexi. "Bakit wala si Cember?" Tanong ni Theo. "Ayaw niya sumama eh. Wala daw siyang gana eh." Sagot ko naman.

"Siguro, dahil yun sa nangyari kanina sa school." Sabi ni Cyrus. "I know right." Sabi naman ni Kylie. "Ewan ko nga kung ano na yung nangyayari kay Cember ngayon eh." Sabi ni May.

"Naging masungit na siya at mabilis mapikon." Sabi ni Lexi. "Oo nga eh. Siguro, dahil yun sa nangyari nung grade 7 tayo. Nung umalis si Kaizar nang walang paalam." Sabi ni Kylie.

"Tama. Baka nga si Kaizar ang dahilan." Sabi ko. "Omg. May point si Kylie!" Sabi ni Iella. "Call me ate, I'm older than you." Asar ni Kylie kay Iella. "Che!" Sabi naman ni Iella.

"Ay talaga lang." Sabi ni Kylie. Eto nanaman tong dalawang toh eh. "Guys, tama na." Sabi ni Cyrus. Tumigil naman si Kylie at Iella.

Kalaban ni Kylie si Iella eh. Dejk lang. HAHAHAHAHA!!

"Back to the topic." Sabi ni May. "Kaya naging galit si Cember sa mundo, ay dahil yun kay Kaizar. Katulad nang sinabi ni Kylie." Sabi ko.

"Syempre, sino ba naman hindi magagalit dun? Umalis nang walang paalam." Sabi ni Lexi. "Alam ko. Kaya nga galit si Cember diba." Sabi ko naman.

"Okay fine." Sabi ni Lexi. May sasabihin pa dapat si Gab kaso dumating na si Peter. Kaya lahat kami napatigil sa pagsasalita.

Konti nalang ang tao kasi gabi na. Mga 9 pm na kasi.

Kumain kami ng mabilisan, kasi inaantok na kami. Kaya pagkatapos namin kumain, sumakay na kami sa kotse at nag drive na ako papunta sa bahay ko.

Sa guest room natulog yung girls, kami namang boys, sa room ko. Balak pa sana namin mag movie marathon, kaso nga lang inaantok na yung girls.

Ayaw naman namin sila pilitin. Siguro pagod sila dahil sa school. Pero iba kaming boys, 1 am na naglalaro parin kami ng fortnite.

Well, actually, si Gab, Cyrus, at Peter lang yun. Si Theo naman, busy sa laptop niya. May nilalaro din kasi siyang game sa laptop niya.

Ako naman, busy sa phone ko. Twitter-twitter lang, tapos IG. Scrooll-scroll. Biglang may kumatok sa pintuan. Lahat kami napatigil sa ginagawa namin.

Tumayo ako para buksan yung pintuan. Sino naman kaya toh? Madaling araw na eh. For sure hindi toh girls, kasi sabi nila inaantok na sila eh. Binuksan ko yung pintuan.

Pero nung pagkabukas ko, walang tao. Sinara ko nalang yung pintuan. "Sino yun?" Tanong ni Theo. "Wala eh. Di ko alam." Sagot ko naman. "Bruh." Sabi naman ni Peter. Babalik na sana ako sa bed ko.

Kaso, may kumatok nanaman. Bumalik agad ako sa door, at binuksan ito. "Sino ba yan?" Tanong ko.

"Bah!" Napa talon ako ng konti kasi nagulat ako. Nung nakita ko, yung girls lang pala. Tawa sila ng tawa, kasama na din sila Cyrus. Argh! Kainis naman.

"Grabe kayo ah. Natakot ako dun." Sabi ko, pero tawa parin sila ng tawa. "Sorry naman po." Sabi ni Kylie. "Okay lang. Bakit gising pa kayo? Akala ko ba inaantok na kayo?" Tanong ko. "Nakatulog na kami kaso nagising ulit kami. I don't know why." Sagot ni Kylie.

"Ah ganun ba? Dito muna kayo sa kwarto ko. Saka nalang kayo pumunta sa room niyo kapag inaantok na kayo." Sabi ko. Pumasok naman sila sa kwarto. Nakipag-laro sila kela Gab ng fortnite.

They wanna learn how to play it. Kaya lahat kami nakisali na, muhkang masaya kasi kapag lahat kami sasali. Hehe!

Nung umayaw na yung girls mag-laro, humiga sila sa bed ko. Nagkwekwentuhan lang sila. Ang ingay nga nila eh. Habang kami, naglalaro parin.

2 am na pala, tinignan ko yung girls. Kasi ang tahimik na, yun pala...................tulog na sila.

"Hoy, tulog na sila. Paano tayo makakatulog neto?" Sabi ko. Napatigil naman sila sa pag-lalaro. "Buhatin niyo nalang sila papunta sa room nila." Sabi ni Peter.

"Saakin okay lang." Sabi ni Theo. Siya yung nag first move, binuhat niya si Lexi ng dahan-dahan. Sunod naman si Gab, si May naman yung binuhat niya.

Sunod naman si Cyrus, si Iella naman sakanya. Ako naman yung huli, binuhat ko ng dahan-dahan si Kylie. Ang nakakainis dito, sa 1st floor yung guest room. Kaya kailangan pa namin bumaba ng stairs.

Dahan-dahan kaming bumaba, hawak-hawak yung girls. And finally! Mission passed. Di sila nagising at nabuhat namin sila papunta sa room nila.

Umakyat na ulit kami, and we decided na matulog nalang kami. Kasi masyado nang late. Yung iba, natulog sa floor, pero may bed naman.

Tapos yung iba sa bed ko. Ako, si Theo, at si Gab ang natulog sa bed. Si Peter at Cyrus naman ang natulog sa lapag.

Good night na. Inaantok na ako.

Peace!

He's BackWhere stories live. Discover now