III. His presence

265 7 0
                                    

Lahat ay excited na sa iba't ibang club na sasalihan nila. At syempre isa na ako dun bakit bawal ba ang maging excited ehh may bayad ba CHOSS, sumali ako sa sports club dahil yun ang paborito ko sa lahat at especially nandun ang paborito kong laro ang volleyball simula elem. hanggang highschool yun lang ang sinalihan ko ayaw ko kasi sa iba kasi boring, isa rin sa dahilan kung bakit ako sumali sa sports club ay dahil andun si alam mo na speaking of the devil sumali sila sa  Sports Club ha?? Shemay ano ba yan malalagyan ng mga kurimaw ang sports club, okay na sana kaso may panira lang haay nakakainis para akong sasabog sa sobrang inis bakit ba hindi na lang nila tigilan ang kaluluwa ko, nanahimik na ako sa impyerno tapos guguluhin nila ako yung totoo gusto rin ba nila akong samahan sa impyerno? JOWK lang yun syempre ayaw ko sa hell, gusto ko sa heaven mabait kaya ako diba? Kaso hindi lang halata hahahaha

At sa sobra kung inis umalis ako na hindi man lang namamansin pakialam ba nila bakit kapag naging ex mo siya kailangan iparamdam mo sa kanya na nanghihinayang ka sa relasyon ninyo duhh hindi ako ganung klase ng tao na manghihinayang sa patapong bagay?? JOWK lang syempre nanghihinayang rin ako dahil naging part siya ng life ko, for almost 1 year tapos ganun lang yun okay move-on na.

Diba elementary pa lang ako lumandi na agad.

Sa sobrang pag mamadali ko ay hindi ko namalayan na may nabangga akong tao.. Hala lagot ako!! pagtingin ko palang na starstruck ako shocks ang gwapo niya at naamoy ko ang mabango niyang amoy para akong nanaginip sa sobra nyang kagwapuhan napansin ko ang tangos na ilong niya tapos yung balat niya ang kinis parang walang ni isang sugat, tapos yung mukha niya wala lang man ka pimples pimples tumingin bigla ako sa lips niya, he has a kissable lips ang pula pula parang nag lipstick  dinaig nya pa ang mga babae haay naku naiimagine nyo ba kung kayo ang makakita ng ganito ka poging lalaki anong mangyayari sayo?

Teka kilala ko ito ah? At tinignan ko ulit ang mukha ng lalaki at shemay naman yung bwisit na Xavier pa ang nakabangga ko.

"Miss okay lang maging bulag wag lang tanga?  hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo paano kapag naka-bangga ka ng gangster dyan edi binanatan ka na nila tingin tingin rin pag may time okay? "grabe ang gentleman naman niya sobra as in, nakakainis pinalandakan nya talaga na tanga-tanga ako inis much grabe

Ang sama ng ugali niya aba't ngumiti pa kala mo talaga bagay mukha namang aso. Yung kanina na ginamit ko para idescribe siya ay binabawi ko na. Ang pangit niya!

"Sorry ah ang tanga ko, kasi haharang kasi sa dinadaanan sino kaya ang mas tanga sa atin?" Pagtataray ko. Akala niya papayag ako na ako lang ang masabihang yanga syempre hindi. Eh kung umilag siya edi sana hindi siya nabangga. Tanga kasi.

"Sorry bakit dahil ba sa sorry na yan maibablik mo ang juice ko," sabi niya sa akin ay oo nga pala natapon nga pala ang juice nya di bale bagay yun sa kanya. Dahil napaka pangit ng ugali niya. Sarap siyang ibaon sa lupa.

"Xavier what are you doing with this tanga-tanga girl hindi ka dapat nakikipag-usap sa mga tanga-tanga kilala ko yan she's a low class girl" maka low class naman to sa bagay may point sya popular sya sa school ehh ano naman kaya ang laban ko sa kanya. Pero hindi ako makaka-payag na sabihan ako ng LOW CLASS WHAT THE F, kaasar tong babae na to ahh, porket popular siya dito, tandaan niya habang andito ako sisikat at sisikat din ako,mas maganda kaya ako sa kanya. HALERR, hanggang talampakan ko lang tong babae na to ehh, pero pag-payagan natin baka pag ako naman ang sumikat ay mapa nga-nga pa ito. Makahulog panty at brief kaya ang beauty ko ehh yung kanya dahhh. Syempre joke lang pero naniniwala ako na maganda ako dahil yun ang sabi ni lola sa akin bago aiya namahinga.

"Wow,HUH! Low class pala ako?" sabi ko sa kanya ng nakataas ang kilay ko.

Kala niya hindi ko siya lalabanan, hindi niya pa ako kilala. CHOSS mabait naman ako sa mabait pero pag ako ginalit. Mas malupit pa sa dragon ang makikita niya. Baka ikaw nga itong LOW CLASS ehhh. DAH!!!

CrashedDove le storie prendono vita. Scoprilo ora