V. Contestant

165 5 2
                                    

"Dahil malapit na ang buwan ng wika--" naputol ang sasabihin ni Bb. Magdayao ng pumasok ako.

"Ma'am pagpaumanhin po ninyo kung ako po ay nahuli," sabi ko sabay bow.

"Sige makakaupo ka na," aniya

Umupo na ako? Wala bang detention? Talaga?

Sinunod ko ang sinabi nj binibini at hindi na ako nagreklamo. Bakit pa ako magrereklamo eh wala naman dapat haha.

Inulit niya ulit ang kanyang sasabihin mula umpisa. Oo nga pala buwan ng wika na ano kaya ang sasalihan ko?

"Yana ikaw ang sasali sa lakambini na gaganapin sa agosto 24," ani Bb. Magdayao

"Ha? Bb. Wala pa po akong karanasan jan at natitiyak ko na ako'y hindi pagpapalarin." Sabi ko. Ayoko sumali sa mga ganyan-ganyan ayoko kasi na mak kuha ng atensyon dahil pag nagkataon gulo na naman ang aabutin ko niyan. At tulad nga ng sabi ko ayoko ng gulo gusto ko ng tahimik na buhay.

"Susubukan mo lang naman, at huwag kang mag-aalala suportado kami Yana." Ani Epi

"Oo nga ikaw na ang lumaban," sabi naman ni Ara

"Ayoko, nahihiya ako."

"Yana ito na nga ang pagkakataon mo na malabanan at malagpasan ang pagiging mahiyain mo," ani binibini.

"Mahiyain? Sus mahiyain daw." Natatawang asar ni Cara.

"Mahiyain naman talaga ako ahh?" Sabi ko

"Huwag kami Yana," sabi ni Torrey. "Ikaw nga ang may pinaka malakas na boses at hindi ka pa ba nun nahiya nung pagtinginan ka ng lahat inulit mo pa nga ang pagsigaw eh."

"Ma'am ayoko po talaga," sabi ko

"Sayang yun pa naman sana ang gagawin kong unang pagsusulit niyo at yun na rin ang sa project niyo. Kapag nanalo ka perfect na kayong lahat at kapag hindi ay may grade pa rin kayo kaso may exam nga lang." Paliwanag niya

Grabe talaga yung mga tinginan tuloy ng mga kaklase ko ay mga nanlilisik, bakit ako pa kasi ang ilalaban? Eh wala nga akong alam sa mga ganyan ganyan nakakainis naman oh.

"Papayag na yan!"

"Papayag na yan!"

"Papayag na yan!"

Sabay-sabay nilang sabi.

"Ma'am pwede pong iba na lang? Huwag na lang po ako," sabi ko

"Yun ang parusa mo tutal lagi kang late sa akin. Ano gusto mo papalitan ko ng contestant tapos ibabagsak kita dahil ang dami mo ng late o ikaw ang lalaban at makakatanggap ka pa ng mataas na grade?" Ay iba nangongonsensya din.

Sa huli napapayag din nila ako, nakakainis hindi ako marunong sa mga ganyan ganyan. Wala nga akong alam sa mga contest eh. Pag cheerin mo na lang ako kahit mapaos pa ako ay push lang wag lang sa magsusuot ng gown or dress. Babae po ako kaso hindi ako sanay sa mga dress ayoko talaga ang mag dress lalo na yang gown.

"Don't worry Yana i ga-guide ka ng pinsan kong beki," ani binibini

Tumango na lang ako at ipinatong ang aking ulo sa armdesk.

"Talaga becks? That's good. Magpapagawa na ako ng banner ngayon pa lang."

"Mukha bang gustong-gusto ko yun?"

"Maganda kaya yun tsaka experience na rin becks." Aniya

"Wow! Edi ikaw sumali." Bakit ba pinagpipilitin nila na isali ako duon? As if naman na mananalo ako mapapahiya lang sila at syempre malaking kahihiyan yun sa akin.

CrashedWhere stories live. Discover now