VI.

14 2 0
                                    

"Anong oras ba natin kukunin yun? Pumunta kaya muna tayo duon? Baka kasi matagalan pa si Aling Sholeng eh," ani Cara na inip na inip na.

"Hintay lang tayo sayang naman kasi ang pamasahe at ang paghihintay natin." Panay linga na ako baka kasi dumating na si Aling Sholeng.

Pero pagkalipas ng limampung minuto wala pa rin.

"Nay mga anong oras po ba ang bakik nun?" Tanong ko ulit sa matanda na nakaupo banda sa shop ni aling Sholeng.

"Hay naku ija baka bukas na iyon makabalik." Aniya

What? Bukas?

"Saan po ba siya pumunta?" Tanong ko

"Sa bahay ng anak niya bumisita ata eh." Paliwanag ng matanda

"Ah sige po salamat po nay, paki sabi na lang po na pumunta po dito ang anak ni Vicky. Vicky Alejandro po." Sabi ko at nagpaalam na na aalis na kami. Buti na lang at alas dose ang pasok namin ngayon may ginawa daw kasi ang mga guro namin eh.

"Kita na lang tayo mamaya Yana, hintayin mo ako ah? Baka mamaya umalis ka na lang bigla-bigla." Aniya at kumaway na sa akin ng tuluyan siyang nakalayo.

Pumunta na rin ako sa classroom namin at halos lahat sila napatingin sa akin oo as in napatingin talaga. Bakit? Masyado na ba akong maganda? Kung ganun kailangan ko bang ibahagi ito? I donate?

Pumasok ako at umupo sa upuan ko. Yung iba naman grabe kung makatingin akala mo parang nakapatay ako. Kriminal ba ako? Bakit ganyan ang mga tinginan nila?

"Anyare?" Tanong ko kay Ara

"Hay naku beh di mo man lang sinasabi sa akin ah," ha? Ano daw? Anong di ko sinasabi? "Kaloka nagulat kami nung nalaman namin yun." Aniya

Ano ba kasi yun? Pwede bang ipaliwanag sa akin para naman ma depensahan ko ang sarili ko hindi yung basta basta na lng silang titingin sa akin ng masama.

"Laurence Dominic," banggit ng kaklase ko.

Napataas na lang ang kilay konsa kanila haay. Wala akong oras para makipag away o makipag talo sa kanila bahala sila jan. Ipinatong ko na lang ang ulo ko sa armdesk at nagpasya na matulog na lang ng biglang may nagmaktol.

"Bakit kayo naghiwalay?"

"Ano ba yan! Sayang yun."

Really? Sayang eh nagsisisi nga ko na pinatulan ko yun eh. Nasasayangan talaga sila duon.

"Ang gwapo nun tapos, nakakainggit ka Yana pahinging ganda." Ani Janet

"Oo nga friend sikat kaya yun dito, infairness ah magaling kang pumili." At may pag tango pa si April yung binabae naming kaklase.

Wow? Magaling? Magaling na sana kaso nabago kaasar ayoko na ngang balikan bakit ba kasi nila inuulit? Pwedeng wag na lang?

Matagal ko ng kinalimutan yun at naka move-on na rin ako.

"Ano dahilan ng breakup niyo?"

"Ang gwapo gwapo pa naman nun." Gwapo nga manloloko naman.

"Haaay kayo ah kung may gusto kayo sa kanya

CrashedWhere stories live. Discover now