7- JJ

43 34 0
                                    


Jin Rylle Buendia on media! ⬆️⬆️⬆️

****
Jin Rylle Buendia

Palapit na kami sa bahay ni Lorraine nang may mapansin akong isang kotse na nakapark mula sa malayo, lagpas ng bahay nila Lorraine.

Nandito na kami sa tapat ng bahay nila Lorraine, nakita ko ang side mirror ng naka park na kotse. Nakabukas ang bintana nya kaya nagreflect sa side mirror ang nasa loob ng kotse. Nabigla ako ng mamukhaan ko kung sino ang nakapikit na lalaki sa loob. Ewan ko kung tulog sya o ano...

Jeyco Shin Monteverde.

Anong ginagawa mo dito?

Tinted itong kotse ko, kahit yung kanya pero nakabukas ang bintana nya... At medyo nasisinagan ng araw ang mukha nya.

Lumabas agad itong si Lorraine, kaya bumaba na rin ako.

****
Jeyco Shin Monteverde

[MALL]

"Hindi pa ba tayo aalis? Akala ko ba uuwi na tayo?"

"Pwede ba manahimik ka na lang?" ang kulit ng isang to!

Nakahawak ang kanan kong kamay sa manibela, at yung kaliwa ko namang siko ay nakatukod sa bintana kong nakabukas at yung kamay kong nakatikom ng bahagya ay nasa kaliwang pisngi ko.

Sinarado ko ang bintana ko nang makita kong lumabas na yung babaeng yun...

Narinig kong humagikgik itong si Sid.

"What is your problem?"

Tumigil sya, at sumipol sipol na lang.

Di ko na lang sya pinansin. At tuluyang pinaandar ang kotse...

"Hindi naman sobrang halata dude pero nahalata ko lang, sinusundan mo ba sila Lorraine?"

Tinignan ko sya ng masama.

"Confirmation lang dude! Kasi hindi naman talaga masyadong halata!"

"Eh ano naman ngayon?" nakatingin lang ako sa daanan.

"So, sinusundan mo nga sya?"

"It's not a big deal."

"Eh kung hindi big deal bakit ayaw mong sagutin ng 'oo'?"

"Because it's obvious."

"Na may gusto ka kay Lo-"

"It's not what I mean! I have no feelings for her. Ang sinasabi kong obvious ay ito, itong pagsunod ko sa kanila."

Nanahimik na sya pero halatang nagpipigil ng tawa, what's so funny?

Tumigil ang sasakyan nila sa malaking bahay, paliko palang itong daan itinigil ko na ang kotse para hindi gaanong makita itong kotse ko dahil may malaking puno ng natatakpan ang bahay nila kung hindi ka tuluyang liliko. And I think di masyadong pansin itong kotse ko.

Love Me Back #GPHVIVAwards2018 #ShareAwards2018 #TCAwards2018 #WWC2018Where stories live. Discover now