4.1- Project By Pair

54 49 1
                                    

Continuation!

****
Lorraine Thalia Verzosa


"T-totoo bang ikaw yung naghatid sa akin?"

Hindi nya ako sinagot at pumasok lang sya sa loob.

Sinundan ko naman sya.

"So... Totoo din yung nakita kita bago ako tuluyan mawalan ng malay?"

Umupo lang sya sa sofa.

"THANK YOUUUUUUUUUU!!! THANK YOU JEYCO! Kung wala ka dun, pano na lang ako? Salamat talaga Jeyco!"

GRABEEE! Ito talaga ang gusto kong marinig na pangalan kay aling Rosie kanina nung tinatanong ko sya!

"Tss... Come to Buendia and ask to him that you're feel so thankful that he helped you. Not on me."

"Sorry na! Sorry... Di ko naman alam eh! Thank you talaga Jeyco! I'm so thankful to you! *sniff*"

"Don't cry. Para kang bata, ang oa mo. Napadaan lang naman ako dun. And it's my conscience if something bad happened to you. What's your thinking?"

"Kahit napadaan ka lang. Okay lang no! Salamat talaga, sorry napagkamalan kong si Jin. Sabi kasi yun ni aling Rosie eh... Babawi ako sayo! Sorry talaga."

"Just do this." inabot nya ulit sakin yung ginagawa naming project.

Tumabi ako sa kanya sa sofa, at inayos ko na yun.

Kaya pala kanina pinapasok sya agad agad ni mang Leo. Kilala na pala sya dahil sa paghatid nya sa akin, hihihi! Enebe! Hahaha! Wag kayong ano! Eh sa kinikilig ako eh!

Bigla namang kumidlat kaya nagulat ako, waahhh grabe naman yung kidlat. Parang may photo shoot dito dahil parang may flash!

"Are you okay?" tanong ni Jeyco.

"A-ah oo. Nagulat lang ako. Wait lang ahh."

Kumuha ako sa ref ng makakain, patapos na kasi yung project namin wala na kami masyadong gagawin. Tyaka alas kwatro na pala di ko namalayan, medyo madilim na rin sa labas dahil sa malakas na ulan.

"Kain tayo, oh grahamssss!" favorite ko to!

Binuksan ko yung tv.

Sakto namang nakakatakot yung palabas...

Waaahhh! Bakit ganto palabas?! Ayoko ng horror movie!

Lilipat ko na sana pero biglang nagsalita si Jeyco.

"I like horror movies."

Oh? Pwede ko pang isulat yun sa project namin!

Wait! Nag o-open up sya saaaaakiiiiinnn!!!

"R-really?"

"Yes."

Binaba ko na yung remote control. Hays no choice... Nakakainis naman huhuhu. Nasa bahay pa naman ng babae yung mumu waaahhh!!!

Ginawa ko na lang yung project namin. Kailangan kong magpaka busy, wag mong pansinin yung movie Lorraine!

"Hey, what are you doing?"

"Why?"

"That."

Napatingin ako sa itsura ko, sunod sunod pala yung subo ko dun sa grahams habang nagsusulat ako. Nakapa ko yung bibig ko puro grahams na yung gilid ng labi ko. Shemaayyy nakakahiya naman!

Love Me Back #GPHVIVAwards2018 #ShareAwards2018 #TCAwards2018 #WWC2018Where stories live. Discover now