" ahhh basta! ayoko syang makausap tapos! "

" wala ka namang gagawin dto, hihiga ka lang maghapon?"

" eh d lalabas ako " maktol ni Jema at padabog na pumunta ng banyo para maligo

-

Mall

" Dean, punta muna ako sa 3rd floor nandun na daw sina Ian bibigay ko lang itong folder sa kanila, sama ka? " tanong ni Luigi na bestfriend ni Deanna

" dito na lang ako, hintayin na lang kita dito " balewalang sagot niya sa lalake

" Sure ka?" tanong ni Luigi

" Yep! " sagot ulit ni Deanna

" Okay mabilis lang ako " at nawala sa paningin ang lalake

Habang naghihintay kay Luigi ay naisipan ni Deanna na maglibot libot sa loob ng mall, nagtingin tingin sa nadadaanan niyang store nang may mabangga siya

"Sorry " sabay nilang sabi

Nagulat siya ng hindi niya iniexpect na ang kanina pa gumugulo sa isip niya ay makikita niya dito sa loob ng mall, hindi ito nakakibo agad

" Sorry hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko " paghingi tawad ni Jema

" no, it's okay... ako dapat yung mag sorry " parang na h-hypnotized na sagot ni Deanna habang nakatingin sa babaeng nakabanggaan niya

Parang nasa isang scene sila sa pelikula na hindi maputol putol ang pagtitig nila sa isa't isa.. nang biglang may tumawag kay Jema

" Jem, here's your water "

At dun naputol ang staring contest nilang dalawa, napayuko si Deanna sa nangyari at napaiwas naman si Jema ng tingin

Napansin ng kasama ni Jema na parang may iba sa babae kaya hinarap niya ang tinitingnan nito

" oh Deanna Wong, small world, " sarkistong wika ni Fehn

Magsasalita sana si Deanna ng biglang may tumawag sa kanya

" Dean nandito ka lang pla, kanina pa kita hinahanap " parang nahahapong sabi ni Luigi at inakbayan siya

" let's go, dun na lang tayo kumain, masarap ang ramen dun gutom na ako" sabay hila sa kamay niya

Hindi na nakapagsalita si Deanna dahil sa mabilis na paghila ng bestfriend sa kamay niya, habang si Jema naman nakatanaw lang sa papalayong si Deanna

" Jem " agaw ni Fehn

Tiningnan naman ito ng masama ni Jema bago maglakad palayo sa kanya

" hey Jem wait " habol ni Fehn

" i'm going home " at hindi na hinintay ang reaction ni Fehn at patuloy na naglakad

" dba mag uusap pa tayo? "

Nang hinarap sya ng galit na si Jema

" akala ko nga mag uusap tayo, pero ano sabi mo? dito sa mall na lang para maiba ang ambiance, then nandito na tayo tapos sabhin mo gala muna? " sumbat ni nya sa kausap

" Jem gusto ko lang naman makabawi eh "

" ilang beses ko bang sasabhin sayo Fehn na wala na nga.. hindi ka tlaga makaintindi?! " gigil na sabi niya kay Fhen

"Jema please, isang chance lang naman hinihingi ko sayo "

" No! ayoko na.. hayaan mo naman ako maging masaya Fehn " emosyonal na pakiusap ni Jema bago maglakad palabas ng mall

" but I still love you Jem " bulong ni Fehn habang tanaw ang papalayong si Jema

-

Apartment

Nakatulalang nakahiga si Jema sa kanyang kama, habang iniisip si Deanna. Simula kasi ng makita niya ito sa mall hindi na ito mawala sa isip hanggang sa pag uwi niya sa apartment.

Dapat sa dorm sya ngayon uuwi pero dahil ayaw niya makita si Fehn mas pinili na lang niya na mag stay sa apartment. Total ilang months na lang eh ga graduate na sya kaya mas mabuti ng sanayin ang sarili na dito na tumira sa apartment na kinuha niya para sa kanya at sa kanyang kapatid.

" Gustong makabawi? ehhh may boyfriend naman pla siya " himutok na saad ni Jema

"Ang galing... teka bat ba ako nagkakaganito? at anong pakialam ko kung may boyfriend siya? kahit girlfriend pa yan wala ako paki!! " dag dag pa niya

"Pero bakit masakit?,l huhuhuhu. Deanna Wong! bat mo ba ginugulo ang isip ko " sabay takip ng pillow sa mukha niya nang may narinig siyang tumatawag sa cp niya

Chineck niya yun at pangalan ni Fehn ang nakalagay sa caller id kaya hindi niya pinansin at nagpatuloy sa pag emote

"Kahit may boyfriend siya okay, cute pa rin naman siya ehh... haist pero hindi tama to, ang ganda ko kaya taapos ano magiging kabit lang? my gosh...." kausap pa rin ni Jema sa sarili

" Deanna Wong please... alam kong cute ka pero please tama na yung pagpapagulo mo sa isip ko, hindi ko na kaya " at bumuntong hininga

" Crush? siguro nga.. pero may boyfriend na siya ehhhh... ayoko magka Crush sa may boyfrirend pero sige dahil cute ka nga, Crush na kita pero Crush lang... yun lang... sure na " nakangiting kausap ni Jema sa sarili

Nag ring naman ulit cp niya at dahil badtrip ito at dahil alam niyang si Fehn na naman ang tumatawag walang gana niya itong sinagot

" pwede ba Fehn stop calling me na? may girlfriend na ako and na meet mo na siya kanina sa mall, Deanna Wong remember? kaya kung ayaw mong awayin ka ng girlfriend ko stop calling me" at in end ang tawag

Maya maya nag ring naman cp nito, napapikit siya ng mata sa sobrang gigil dahil hindi tlaga titigil si Fehn

Magsasalita na sana si Jem ng inunahan siyang magsalita ng sa kabilang linya

" talaga? may girlfriend ka na? sayang naman kung ganun" nagtaka si Jema na parang nag iba boses ni Fehn

" who's this?" kinakabahang tanong ni Jema

" your girlfriend "

" Deanna Wong " rinig niya pang impit na pag tawa ng kausap sa kabilang linya

Tsinek niya phone niya at naka register nga ang pangalan ni Deanna

Mabilis syang napabangon at agad in-off ang kanyang cellphone sabay hawak sa kanyang kaliwang dibdib.

Ang lakas ng tibok ng kanyang puso.

"You're dead Jema, what have you done?" tanong nito sa sarili

The Queen meets The Setter - Book I ( Jema Galanza, Deanna Wong )Where stories live. Discover now