Chapter 22

2.9K 81 8
                                    

NAGISING ako na parang masarap ang pakiramdam ko. Nilibot ko ang aking paningin at nasa isang malaking kwarto ako na hindi pamilyar. Tumingin ako sa bintana at nakita ko ang sinag ng araw. Umaga na pala? Napahawak ako sa tiyan nang bigla akong nakaramdam ng gutom...pero wait, nasaan ba ako ngayon? Matataranta sana ako ngunit bigla kong naalala ang nangyari kagabi. Kausap ko noon si Ellison, pero bigla akong hinimatay dahil wala akong kain tapos naulanan pa ako. Nasa guestroom siguro ako ni Ellison. Sa isang sulok ng kwarto, nakita ko iyong damit na suot ko kahapon, mukha itong nilabhan at tuyo na.

"Iba rin ang suot kong damit. Mukhang pinalitan ang basa kong-" Napasinghap ako nang may na-realize ako, "Hinubaran ako ni Ellison?!" Pabulong kong sigaw. SHET!Nakakahiyaaaa. Parang ayaw ko na pumanhik sa baba.

Ilang minuto rin ang itinagal ko sa kwarto hanggang sa napagdesisyunan kong magbihis na at bumaba.Walang mangyayari kung magmu-mukmok ao. Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan at may narinig akong nagp-prito. Napatigil ako nang makita si Ellison na nakatalikod mula sa akin at nagluluto.Napatitig ako sa kanya.Bigla kong naalala iyong una naming pagtatagpo,parang ganito rin iyong sitwasyon namin.

Parang tumigil ang oras at ang mundo nang makita ang lalaking nakatalikod mula sa kanya habang may kausap sa cellphone.

Kumurap-kurap pa siya at pinipikit ang mata dahil baka sakaling nagi-imagine lang siya like what she does everytime na boring ang klase niya.

This is not Ellison,right? Right?!

Tumalikod ito at humarap sa kanya.

"Oh! Gising ka na pala!" Saad nito pagkakita sa kanya at may ngiti pa ito sa manipis nitong labi.

Lalong nanghina ang kanyang tuhod at napaluhod nalang siya dahil sa gulat.Nagulat si Ellison at agad siyang dinaluhan at inalalayan patayo.

A slight smile formed on her lips.Oh, how time flies,parang kahapon lang, hinahalik-halikan pa siya ni Ellison, tapos ngayon, halos pagtabuyan na siya.

Nawala ang ngiti sa labi ko nang humarap sa'kin si Ice. Para pa itong nagulat nang makita ako, pero umiwas rin siya ng tingin at inilagay sa plate ang niluto nito.

"Kumain ka na, basta-basta ka nalang nahihimatay." Cold nitong saad,at sinunod niya ang sinabi ng lalaki.

"S-salamat."Iyan lang ang tangi niyang nasagot.

Sabay silang nag breakfast ngunit nabalot sila ng katahimikan.Wala ni isa sa kanila ang gustong mag-salita.

Hindi ako makapag concentrate habang kumakain kaming dalawa, I kept on glancing at him while he was busy eating. Gusto kong mahawakan ang mukha niya, pero pinipigilan ko lang ang sarili at mga kamay ko na abutin siya. Hindi niya magugustuhan kung gagawin ko iyon.

"Uhm.." Gusto ko sana siyang tanungin kung siya ba nagbihis sa'kin, pero hindi ko alam kung paano. Nakakahiya kung tatanungin ko pa,pero kailangan ko itong gawin para mapanatag ako. "S-salamat sa pagpapatulog mo sa akin dito and sa p-pagbihis sa'kin." Iniwas ko ang tingin at naramdaman kong sobrang namula ang mukha ko.

"Si Ate Annika ang nagbihis sa'yo." Napatingin ako sa kanya.

"Ha?"

"Tinawagan ko siya para pumunta dito, and she willingly agreed." He said na hindi man lang tumitingin sa akin. 

Ahh, si ate Annika pala nagbihis sa'kin. Tumango lang ako bilang tugon as if makikita niya ako.

After breakfast, I volunteered to wash the plates.

"Ako na, Tine," ani nito habang inilalagay ang plates sa sink.

"Hindi, okay lang, ako na."

"Huwag kang makulit kasi." 

Beguile #3:Ellison De Gracia(DG Series)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon