Chapter 13

3K 79 1
                                    

ANOTHER day of happiness for Christine.Hindi niya akalain na ang boyfie pa niya talaga ang makakapulot noong bracelet.

Habang nakatingin siya sa mga taong nakapalibot kay Ellison at malayang nakakahawak sa braso nito dahil nilalagyan ng make-up,hindi niya mapigilang mainggit.

Siya kasi,ilang beses lang ito nahawakan.Hihihi.Ang manyak niya talaga.

"Ba't ka tatawa-tawa diyan?" Natigil siya at napatingin kay Mhel.

Pinagtaasan siya ng kilay nito."May itatanong ako. Close ba kayo ni Ice?" Tanong nito sa kanya.

"S-siguro?" Inirapan siya ni Mhel.Napansin niya rin na may peklat ito sa may baga. Tatlong peklat to be exact. Nakita niya dahil naka sleeveless ito at nangunot ang noo niya dahil doon.

"Lumayo-layo ka sa kanya." Ani nito bago siya iwan.

Echosera. Tama nga ang hinala niya noon, taliwas sa mukha niyang anghel ang ugali nito. Mabuti nalang talaga at si Ice ang naging idolo niya.

Nagmu-munimuni siya nang biglang tumabi sa kanya si Ice.

"Nag lunch ka na?" Tanong nito.

"Hindi pa nga eh." Tumayo ang lalaki at inilahad ang kamay sa kanya.Tinanggap niya ito at tinulungan siyang mapatayo.

"Mag lunch tayo." Tumango siya at sinundan ang lalaki. May bitbit pa ito na payong.

Akala niya sa restaurant ang punta nila,hindi pala. Palabas sila ng resort na ipinagtaka niya.

"I-ice, ba't tayo lalabas? Hindi ka ba hahanapin?"

"Hindi naman. I asked for my manager's permission."

"Paano kung hahanapin ka ni Mhel?"

"Hindi iyon. Marami siyang scenes na kukunan kaya may break ako."

"Paano kung dumugin tayo ng tao?" Sunod-sunod niyang tanong.

"Walang nakakakilala sa'kin."Ani nito kaya tumango siya.

Nang makarating sila sa bayan, nakita niya kung paano titigan ng nga kababaihan si Ellison.Nakita niya ang mga malalagkit nilang tingin sa lalaki.

"Ba't ka ba ngumunguso?" Tanong nito sa kanya.

"Ako? Hindi ah!" Palusot niya.

Hanggang tingin lang sila at hindi sila lumapit sa'min at nagpapapicture kay Ice so ibig sabihin,tama ang sinabi na wala ngang nakakakilala sa kay Ice dito.

Pumasok sila sa isang munting kainan at nag order.

"Kumakain ka pala sa mga lugar na ganito?" Tanong niya sa lalaki habang kumakain sila.

"Hindi.It's my first time.Gusto ko lang ma try."

"Mabuti naman. Maganda rin kasi kung hindi lang puro pa-sosyal ang alam mo.Dapat you must also try to blend in with the people para hindi ka ma-out of place."

"Yeah at isa pa, maganda rin kasi ang kasama ko kaya panatag ako na kumain dito." Sabi ni Ellison and he even winked at her!

Beguile #3:Ellison De Gracia(DG Series)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon