Chapter 18

2.8K 74 1
                                    

ILANG araw matapos iyong pag punta ni Ellison sa bahay, nasundan pa iyon. Minsan bumibisita siya kapag dinner o kung hindi sa lunch. Kapag free time niya, nagpupunta ito sa bahay at kinikilig naman ang lola niyo. Iyon nga lang, tuwing pumupunta siya sa bahay, kailangan sunduin ko siya sa may gate at sumakay rin sa sasakyan para makita ng guard ng subdivision na magkasama kami at hindi na madaming salita. Nakipag-usap na rin ako sa mga guard na kung maaari, tikom ang bibig nila tungkol sa pagpunta ni Ellison sa bahay at buti nalang mababait sila,and so far wala pang nakakaalam.

Hindi nga ako nagkamali sa inisip ko na the next few days will be hard, kasi fans have found out my name. Alam na nila kung ano ang social media accounts ko down to saan ako nag-aaral. It's a good thing na sikreto pa kung saan ako nakatira. Ellison made sure na they won't find out kung saan ang address namin. He's been overly protective towards me na kulang nalang pati bodyguards ay bigyan niya rin ako...well, he suggested about getting one, ako lang iyong nag refuse.

He also released a statement saying na friends lang kami, pero a lot of people did not buy it. Most of them believes that it's just an excuse, and that is something na hindi namin maco-control.

Malaya pa naman akong nakakalabas, ang problema lang, doon sa mga nakakakilala sa'kin, most of them have been giving me looks at nagpaparinig ng masasama sa akin gaya ng nangyari kahapon.

Nasa isang department store ako ngayon at bumibili ng damit nang may grupo ng kababaihan sa gilid ko. Ang iingay nila pero hindi ko nalang pinansin.

"Alam nilang hindi nila pwesto iyon, pero bakit andun sila? Mga taong ganyan ay dapat tinuturuan ng leksyon para malaman nilang hindi sila basta-bastang nang-aagaw." Ani ng isang babae at nagtawanan sila. 

"Akala mo naman kung sinong maganda. Kung iko-kompara mo naman, para lang Department Store VS Chanel."

"Sana magising na siya sa pantasya niyang tunay siyang mamahalin ni Ellison." Medyo natigil ako sa pamimili nang nasali na ang pangalan ni Ice. Ako pala iyong pinatatamaan nila. Hindi ko pinahalata na nagpapaapekto ako. Naglakad sila palapit sa akin. Aaminin kong natatakot ako ngayon dahil baka ano ang gagawin nila sa akin pero they just passed by me.

"Hipon."

"Mang-aagaw."

"Pangit."

"Next week hihiwalayan ka rin niya."

Ilan iyan sa mga sinabi nila habang dumaan sa likuran ko. Sinadya nilang hinaan ang boses nila para ako lang ang makakarinig. Nang wala na sila, umalis na rin ako. Pigil ang luha ko habang pauwi na at nang makarating ako sa bahay, dumeretso ako sa kwarto at umiyak. 

Hindi ako dapat magpapaapekto. Iiyak ako kung masasaktan, pero hindi ako susuko.

"Tine," tawag sa akin ni Ice habang nasa yard kami nakaupo, "Okay ka lang?"

"Ha? Oo naman!"Ani ko at nginitian siya. Nakatitig lang ito sa'kin at parang ine-examine ako kung nagsisinungaling ba o hindi.Nag-iwas ako ng tingin.

"I don't think so. May dapat ba akong malaman?" Ani niya pero umiling lang ako.

Ellison has so much on his plate, ayaw kong makadagdag.

"Okay," ani niya pero parang hindi naniniwala, "How's your day?"

"Hmmm.. may nakita ako kanina sa facebook na trailer ng movie." I said.Gusto ko sanang manood ng movie with Ellison.Gusto ko siyang yayain.

"And?" He was waiting for me to continue.

"Gusto kong manood kasama ka.Gusto kong makipag-date sa'yo." Biglang nag-iba ang facial expression nito, "I'm not expecting anything naman.I know na bawal." Mahina akong tumawa. Dinaan ko nalang sa tawa ang nararamdaman kong lungkot. Alam ko naman na bawal kasi madaming tao, pero aaminin ko, nagbabasakali akong sasama siya.We never had any official date. And gusto ko sanang itong movie date ang maging first.

Beguile #3:Ellison De Gracia(DG Series)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon