Chapter twenty-two

Start from the beginning
                                    

Lahat ng mga malalapit sa buhay ko ay nakatayo sa harap ko. Lahat sila ay nakasuot ng pula, may mga ngiti sa mga labi at tig-isang rose sa mga kamay, at naka-form sila ng isang malaking heart.

Nag-init ang mga pisngi ko at napuno ako ng tuwa ng lumapit sila isa-isa. Ang mga chilhood friends, best friends from high school, kabarkada ngayong college, pati yung pinsan kong nagturo sa akin maggitara ay nandoon. Yinakap ko sila ng mahigpit at nagpasalamat habang binabati nila ako at binigyan ng roses.

Binilang ko ang mga rosas sa kamay ko.

7 pink roses and 7 white roses.

Napangiti ako at marealize na kagagawan itong lahat ni secret admirer aka stalker. Lumingon ako sa paligid at nakitang papalapit sa akin sila Bianca at Mark. Si Mark ay parang may hawak na pulang papel at si Bianca naman ay may hawak na iPad.

“Happy Birthday!” sabay nilang bati sa akin.

Bago man ako makapagpasalamat sa kanila, ibinigay na sa akin ni Bianca ang iPad at umalis sa tabi niya si Mark.

“I-play mo iyang video at panuorin mo,” utos sa akin ni Bianca.

Curious kong pinindot ang play button. Narinig ko ang unang notes ng paborito kong kanta, ang Out of My League ni Stephen Speaks.

“It's her hair and her eyes today

That just simply take me away

And the feeling that I'm falling further in love

Makes me shiver but in a good way”

 

Nag-flash ang mga pictures ng mga kaibigan at mga kakilala ko na may hawak na card na Happy 18th Birthday. Natawa ako ng pati si Manong Guard na suplado ay napangiti nila at nakahawak rin noong card.

“All the times I have sat and stared

As she thoughtfully thumbs through her hair

And she purses her lips, bats her eyes as she plays,

With me sitting there slack-jawed and nothing to say”

Nang pagdating ng chorus, nagulat ako ng biglang mag-iba ang mga pictures.

 

“Coz I love her with all that I am

And my voice shakes along with my hands

Coz she’s all that I see and she’s all that I need

And I'm out of my league once again”

 

Mga pictures ko ito. Mga pictures ko na iba’t iba ang anggulo na halatang kinuhanan lang ng palihim. Yung mga stolen shots. Mayroong nakangiti ako sa kaibigan ko, nakayuko at natutulog, nagsusulat sa notebook, nakabuka ang bibig na parang papasukan na ng langaw, mayroong nakaconcentrate ako sa bola ng volleyball.

It's a masterful melody

when she calls out my name to me

As the world spins around her she laughs, rolls her eyes

And I feel like I'm falling but it's no surprise

Ang pinakahuli sa lahat ay ang picture ko habang nakapikit at inaamoy ang isang bouquet ng roses. Naalala ko ang eksenang iyon ng makita ang red ribbon sa pantali ko ng buhok. Iyon yung Valentine’s day last sem, ang unang beses na nakakuha ako ng bouquet from my secret admirer. Maganda ang pagkakakuha, in fairness. Medyo nakatalikod ako sa bintana kaya naman nagbigay ng halo effect ang liwanag ng araw sa buhok ko.

FriendzonedWhere stories live. Discover now