"Ikaw syempre. At kaibigan na ring matalik ang tingin ko kay Marcus. Hindi na siya iba satin." Bulalas niya. "Bakit ba ayaw mo? What's holding you back, Catriona?" Tanong ni Jenny.

Hmmm.. what's holding me back nga ba?

Wala.

"Wala." Simpleng sagot ko saka ako naglakad patungo sa upuan ko.

"See, my friend? Wala." Sinundan niya ako saka umupo sa katabing bakante ng upuan ko. "Palitan ko nga ang tanong ko, Who's holding you back?" Napansin ko ang paniningkit ng kanyang mga mata.

Asmodeus.

"Huh? Lalong wala." Sagot ko. I sighed. "You are playing cupid again and please stop this, Jenny. Kaka-bati lang natin, remember?"

Hanggang ngayon she is so persistent sa pagre-reto kay Marcus. Kahit muntik ng masira ang pagkakaibigan namin ay heto pa rin siya. Still as stubborn as a hard rock.

"Ah, yeah. Oo nga pala. And that's almost 8 minutes ago." Sambit niya sabay ngiti.

Sakto naman na dumating na rin si Asmodeus. He is our first subject for this day. His gaze locked on mine and I felt my heart race. Sa tingin niya pa lang para na akong nama-manipula.

Or is he manipulating me? Demon siya kaya posible 'yon.

"Good morning!" Bati ni Asmodeus in a cold way aka Sir Alessandro sa buong klase.

Wala ata siya sa mood?

I notice Jenny is slightly tensed up as she gaze to Asmodeus. Lagi siyang ganito whenever he is around. Well, hindi lang naman siya ang mukhang may crush sa kanya. 96% of girls population in school has a crush on him and I'm pretty sure of that statistics.

"You better go back to your seat, Jen." I murmured. She nodded and transfered to her seat.

                           ••• *** •••
"Nasaan ka kagabi, Catriona? Bakit wala ka sa bahay mo? Magdamag akong naghintay sa kwarto mo." Anas ni Asmodeus ng hilahin niya ako sa isang sulok. Isang pulgada lang ang pagitan ng aming mga mukha. His dark and thick eyelashes makes me jealous. How could this man manage to look so fine kahit naka steady lang ito?

Pansin ko pa rin ang pagiging cold ng mga mata niya.

"Bakit di mo ginamit ang demon power mo para makita ako?" I raised my brow to him.

That is the most convenient answer na masasabi ko. Demon siya diba? Why don't he use it?

"I am giving you your privacy, Catriona. Gusto ko man na puntahan kung nasaan ka, mas pinili kong maghintay sa kwarto mo dahil alam kong uuwi ka rin agad."

"Then it is your fault. Nandon ako sa bahay namin."

"Bahay?"

"Oo. Dumating ang parents ko kaya doon muna ako mag-stay."

"What? Hindi pwede!"

Kinalas ko ang pagkakahawak niya sa braso ko. "Bakit hindi pwede?"

Magsasalita na sana si Asmodeus kaso pinigilan ko siya, "May tanong ako sa'yo, Deus. Sinusubukan mo ba, o nagawa mo na akong manipulahin?"

Prince of Lust: The Seven Deadly SinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon